Mag-anak todas sa sumalpok na trak

APAT na miyembro ng isang pamilya ang namatay nang banggain ng trak ang sinasakyang kotse sa Bacolor, Pampanga, iniulat kahapon.

Kinilala ang mga namatay na sina Jesus Icban; asawang si Jennifer; anak na si John Clarence at biyenang si Norma Layug.

Isinugod sa ospital ang dalawang-taon gulang na anak na si Jemril.

Mamasyal sa mall ang mag-anak nang mangyari ang insidente sa kasagsagan ng ulan.

Ayon sa saksing si Benjie dela Cruz, gumewang-gewang ang 18-wheeler truck kaya sumalpok sa kasalubong na kotse sa Olongapo-Gapan Road. Nasa kustodiya ng pulisya ang driver ng trak.