Thursday , July 18 2024

World’s biggest arena ng INC binuksan na

072214 inc ph arena pnoyBINATIKOS ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang kanyang mga kritiko sa kanyang pagdalo sa inagurasyon ng Ciudad de Victoria, partikular ang Philippine Arena ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa Bocaue, Bulacan kahapon. (JACK BURGOS)

DINALUHAN ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kahapon ang inagurasyon ng Ciudad de Victoria, partikular ang Philippine Arena ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa Bocaue, Bulacan.

Ito ay may floor area na 99,000 square meters at sitting capacity na 55,000.

Nakadisenyo ito laban sa lindol o ano mang kalamidad dahil sa tubular steel columns at napakaraming core shear walls.

Napag-alaman, ginastusan ito ng US$213 milyon o P93 bilyon.

Ang bowl-shaped structure ay inspirado ng Narra, ang pambansang punongkahoy ng Filipinas at ugat ng Banyan tree, at binuo sa konsepto ng world-acclaimed architectural firm na Populous.

Kabilang sa mga naitayo ng Populous ang 23,000-seat O2 Arena sa London, at iba pang sports arena at stadium sa mundo.

Kasama ng Populous ang Buro Happold, isang British professional services firm para sa structural engineering at ang Korean firm na Hanwha Engineering and Construction para sa completion ng proyekto.

Sinasabing world-record ang estrukturang ito dahil maituturing na pinakamalaking indoor arena sa buong mundo.

Bukod sa arena, nasa loob din ng Ciudad de Victoria ang malaking stadium na maaaring pagdausan ng world sporting events gaya ng football o basketball world cup.

Isinagawa ang inagurasyon isang linggo bago ang ika-100 anibersaryo ng Iglesia Ni Cristo sa Hulyo 27, araw ng Linggo.

(DAISY MEDINA)

About hataw tabloid

Check Also

Pasay LGU at CWC, lumagda para sa Makabata Helpline 1383

Pasay LGU at CWC, lumagda para sa Makabata Helpline 1383

LALONG PINALAKAS ng Pasay city government ang inisyatibang palawakin at seryosohin ang pangangalaga sa kapakanan …

National University NU Lady Bulldogs SSL National Invitationals

NU Kampeon sa SSL National Invitationals

IGINAWAD nina Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Fritz Gaston at Vicente Gregorio President/CEO ng Shakey’s …

arrest prison

Kapwa may asuntong Child Abuse
AKUSADO INARESTO SA PRESO
Isa pang MWP nasakote 

DALAWANG lalaki na nakatala bilang most wanted persons (MWP) ang nalambat ng pulisya sa magkahiwalay …

France Castro Satur Ocampo

 ‘CONVICTION’ SA CHILD ABUSE KINONDENA
‘Power of Red taggers’ inginuso

KINONDENA ng mga makabayang kongresista at mga militanteng grupo ang ipinataw na hatol ng Tagum …

Egay Erice Comelec

$15-M bank account ng Comelec official ibinunyag ng ex-Cong

TILA ‘isinampal’ ni dating Caloocan representative Egay Erice sa tanggapan ni Commission on Elections (COMELEC) …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *