Saturday , September 28 2024

Blog List Layout

Kampana ng Simbahan kakalembangin vs pork barrel (Protesta sa Biyernes)

Sabay-sabay na babatingtingin ang kampana ng mga Simbahan sa loob ng tatlong minuto eksaktong ala-1:00 ng hapon, sa Biyernes, Oktubre 11. Ito’y pagpapaabot ng mensahe ng Simbahan sa pagtutol sa patuloy na pagpapalabas ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel gayon din ang paglaban sa kahirapan. Ani Father Ben Alforque, lead convenor ng grupong Church People’s Alliance Against …

Read More »

Bonuses ng SSS officials binubusisi ng Senado

BINATIKOS ng mga senador ang pagbibigay ng milyon pisong performance bonuses sa board of directors ng Social Security System (SSS). Sinabi ni Sen.  Jayvee Ejercito, paanong nabigyan ng ganitong klase ng bonus o nakalululang reward ang mga director ng SSS gayong ang mga miyembro ay nagrereklamo sa hindi magandang serbisyo at sa mabagal na pagproseso at pag-release ng kanilang buwanang …

Read More »

P4.6-M electrical cargo nabawi

Narekober sa isinagawang follow-up operations ng Manila Police District Anti-carnapping ang dalawang truck  at cargo na na iniulat na nawawala sa Maynila. Ayon kay police S/Insp. Rozalino Ibay, Jr., hepe ng MPD-ANCAR, nabawi ang ninakaw na Focus Mini lights at mga Paciflex electrical wires nang magsagawa ng visitorial power ang pulisya sa Switch-Up Marketing na pagmamay-ari ng suspek na si …

Read More »

Kelot muntik lurayin ni ‘pare’

LEGAZPI CITY – Hindi makapaniwala ang isang lalaki na siya ay pagsasamantalahan ng kanyang itinuring na matalik na kaibigan na isa palang bading. Sa ulat, nakaino-man ng biktima na kinilalang si Nathan ang suspek na si Julius at dalawang iba pa sa isang bar sa lungsod ng Legazpi. Pasado 12 a.m. nang pauwi na ang grupo ni Nathan at agad …

Read More »

Mag-asawa, 3 anak patay sa sunog sa Surigao

BUTUAN CITY – Patay ang limang miyembro ng pamilya matapos masunog ang kanilang tinutulugan sa Purok 6, Brgy. Taganito, bayan ng Claver, Surigao del Norte. Sa imbestigasyon ng Claver Municipal Police Station, napag-alamang nagsimula ang apoy sa boarding house na pagmamay-ari ng nagngangalang Elita Makinano at kumalat sa katabi nitong vulcanizing shop patungo sa isang auto spare parts shop na …

Read More »

Kooperasyon ng PH at US, lalong patatatagin

PATULOY na umuusad ang negosasyon para sa pagbuo ng tinatawag na “Framework Agreement between the Philippines and the United States on Enhanced Defense Cooperation and Rotational Presence.” Ito ang pagtitiyak ni Philippine panel member Foreign Affairs Assistant Secretary Carlos Sorreta matapos ang fourth round ng pag-uusap na ginanap sa EDSA Lounge ng Department of National Defense (DND) nakaraang Huwebes. “Makararating …

Read More »

HP toners sa Immigration niraraket

PATULOY na iniimbestigahan ang kaso ng pagnanakaw ng pitong Hp Laserjet Toners model 85-A na naganap mismo sa loob ng gusali ng Bureau of Immigration (BI) kamakailan. Nagsampa ng kasong theft si Richard Rufo, 37 anyos, may asawa at nakatira sa 45-E P. Burgos  St., Brgy. Escopa-1, Project 4, Quezon City, empleyado ng BI laban sa mga suspek sa pagkawala …

Read More »

BoC collections lumobo pa

    SORPRESANG binisita ni Bureau of Customs Commissioner Ruffy Biazon ang Bureau of Customs NAIA upang alamin ang kanilang mga problema gayon din ay dinalaw ang Pair Cargo, warehouse, Postal CMEC EMS Customer Services at ilang mga opisina sa NAIA. (BONG SON) PATULOY sa paglago ang re-venue collections ng Bureau of Customs (BoC) kaya pinaniniwalaang kayang abutin  ang P340-bilyon …

Read More »

Tourism officer ng Maynila nagwala nang mapagkamalang yaya ni ex-Sen. Loi sa Japan

HALOS mapahiya si Manila Mayor Joseph Estrada at asawang si dating senadora Loi Estrada sa kanilang  trip sa bansang Japan para sa courtesy call sa Gobernador ng Yokohama na ginawang sister city ng lungsod nitong nakaraang Setyembre. Batay sa impormasyong ating nakalap, gumawa ng eksenang sobrang ikinahiya ng mag-asawang Estrada ang isang staff nila sa Tourism na si Flordeliza Villaseñor …

Read More »

Ginang patay, anak sugatan sa live-in partner

PATAY ang isang ginang habang sugatan ang kanyang 8-anyos anak na lalaki nang magwala at saksakin ng kanyang live-in partner kamakalawa ng gabi sa Pasay City. Hindi na umabot nang buhay sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Cherry Ann Montero, 28-anyos ng 2297 F.B. Harrison Street, sanhi ng tatlong saksak sa baha-ging likuran. Nasugatan din  sa kaliwang …

Read More »

NEDA deadma sa DA (Loren nababahala)

INIHAYAG kahapon ni Sen. Loren Legarda ang “lubhang pagkakabahala” sa kabiguan ng Department of Agriculture (DA) na agarang tugunan ang tumataas na presyo ng bigas sa gitna ng mga babalang iniulat ng National Economic and Development Authority (NEDA) na nagpapakitang kukulangin ang produksyon ng palay ngayon taon at hindi matutugunan ang pangangailangan ng bansa. Iginiit din ng mambabatas ang rekomendasyon …

Read More »

P2,300 tinapyas sa Teachers’ CoLA ‘di nabawi ng PPSTA

BIGONG mabawi ng mga guro sa pampublikong paaralan sa Lungsod ng Pasay ang tinapyas na P2,300 mula sa kanilang Cost of Living Allowance (CoLA) na dati na nilang tinatamasa sa panahon pa ng mga nakaraang administrasyon, bago ang pamamahala ni Mayor Antonino Calixto. Kamakalawa, nilusob ng galit na mga guro ang tanggapan ni Mayor Calixto para komprontahin sa ginawang pagtatapyas …

Read More »

P10-M bonus ng SSS officials garapalan

Garapalan na at kasuklam-suklam na ang korupsyong nagaganap sa administrasyong Aquino, ayon sa grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY). Anila, nakasusuklam umano ang P10 milyon bonus para sa Board of Directors ng Social Security System (SSS) batay umano sa kanilang magandang performance noong 2012, sa kabila ng lumalalang kahirapan na dinaranas ng malawak ng sambayanang Filipino. Aabot naman sa P276 …

Read More »

13 stranded trekkers sa Mt. Apo na-rescue

KORONADAL CITY- Umabot sa 13 mountain climbers sa tuktok ng Mt. Apo ang nasagip kamakalawa ng gabi nang ma-stranded dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan. Ayon kay Joey Recemilla, tourism officer ng Kidapawan City, ang masamang panahon ang nagpahirap sa mountaineers na bumaba sa bundok na nagresulta naman sa kanilang paghingi ng tulong sa Kidapawan City Rescue 911. Isang …

Read More »

Gas station sinalpok ng truck (2 patay, 2 pa grabe)

HALOS magkadurog-durog ang dump truck (UMB-943) nang banggain ang gasolinahan na agaran ikinamatay ng driver na si Ramon Gabayan, 57, at ng gasoline boy na si Jonathan Maquel habang kinakargahan ng gasolina ang isang close van (RHP-181) sa McArthur Highway, Karuhatan, Valenzuela City. (RIC ROLDAN)    DALAWA  ang patay habang  dalawa pa  ang malubhang nasugatan matapos sumalpok ang isang dump …

Read More »

Kiko ayaw muna, Ping pinaplantsa (PNoy appointments)

BALI, Indonesia – Inihayag ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na tumanggi muna si dating Sen. Kiko Pangilinan na maitalaga sa gobyerno. Sinabi ni Pangulong Aquino, nais ni Pangilinan na magkaroon muna ng “quality time” sa pamilya. Ayon sa Pangulong Aquino, hihintayin na lamang niyang maging available si Pangilinan bago pag-usapan ang appointment. Una nang napabalita na target ni Pangilinan …

Read More »

Sa Manila hostage crisis No PH apology for HK – PNoy

INIHAYAG ni Pangulong Benigno Aquino III kay Hong Kong Chief Executive C.Y. Leung ang kanyang pakikiramay kaugnay sa 2010 Manila hostage crisis ngunit nanindigang hindi hihingi ng apology ang Filipinas sa naging aksyon ng isang indibidwal. Sa panayam ng mga mamamahayag sa Nusa Dua Beach Hotel sa Bali, Indonesia, sinabi ni Aquino na hiniling ni Leung na sila ay mag-usap …

Read More »

Zambo brgy polls Ipinagpaliban

IPINAGPALIBAN ng Commission on Elections (Comelec) ang barangay elections sa Zamboanga City kasunod ng konsultasyon sa pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Department of Education (DepEd) at lokal na pamahalaan. Ayon sa Comelec, bukod sa nangyaring kaguluhan, nakadagdag pa sa problema ang mga pagbahang nararanasan. Hindi pa rin tapos ang clearing operations ng PNP …

Read More »

US-PH security link tampok sa Kerry visit

KASADO na ang Department of Foreign Affairs (DFA) para sa naka-takdang pagbisita sa bansa ngayong linggo ni United States Secretary of State John Kerry. Maalala na si Kerry ang itinalaga ni US Pres. Barack Obama bilang kanyang kinatawan matapos makansela ang kanyang biyahe sa Southeast Asia dahil sa problema sa kanilang federal budget. Ayon kay Foreign Affairs Asec. Raul Hernandez, …

Read More »

Matansero tigok sa laslas at bigti

NAGPAKAMATAY sa pamamagitan ng paglalaslas ng pulso bago nagbigti ang isang 34-anyos  na lalaki sa Tondo, Maynila, kamakalawa. Kinilala ni SPO1 Jonathan Moreno ng MPD homicide ang biktimang si Rodel Enriquez,  stay-in meat butcher (o matansero) sa Vitas Compound Slaughter House sa Vitas, Tondo. Sa salaysay sa pulisya ni Esminda Escobar. 37, live-in  partner ng biktima, nakita niyang umi-inom ng …

Read More »

Mag-live in partner sinilaban ng dating mister

ILOILO CITY – Kapwa dumanas ng first degree burn ang mag-live-in partner matapos sunugin ng dating kinakasama ng babae ang kanilang bahay sa  Brgy. Botongon, Estancia, Iloilo. Sina Salvacion Billones, 45, at Benito Demayo ay dumanas ng mga paso sa kanilang katawan. Ayon kay PO1 Jobert Su-mabo ng Estancia PNP, mada-ling araw nang mangyari ang insidente habang kasalukuyang natutulog sa …

Read More »

Kandidatong ex-convict dadagsa sa barangay polls (DQ vs Erap pinamamadali sa Supreme Court)

MAAARING samantalahin ng mga kriminal ang pagtakbo sa halalan kapag hindi nalutas ng Korte Suprema ang disqualification case laban kay ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada bilang mayoralty candidate sa Maynila noong nakalipas na halalan. Ito ang pangamba ng People’s Movement for the Rule of Law and Propriety (MRLP), kaya nananawagan ang anti-crime at anti-graft group sa Korte …

Read More »