Sunday , January 4 2026

Blog List Layout

https://www.facebook.com/bingoplusph

Iñigo laging suportado ni Piolo, may kalayaang magdesisyon

RATED Rni Rommel Gonzales UKOL sa relasyon ng mag-ama ang upcoming film na Fatherland, kayak natanong si Iñigo Pascual, anak ni Piolo Pascual, kung ano ang masasabi niya tungkol sa relasyon nilang mag- ama. “Okay naman po, si Papa laging nandiyan to support me,” lahad ni Iñigo, “si Papa ‘yung pinapabayaan niya akong gawin kung ano ‘yung gusto ko, with his support. “And siyempre …

Read More »

Tamang Bihis ng mga pulis sa PRO3, ininspeksiyon

PNP PRO3

SA PANGUNGUNA ni P/Lt. Col. Janette De Vera, OIC ng Regional Internal Affairs Service (RIAS) 3, na nakatuon sa pananagutan ng mga tauhan, pag-isyu ng mga baril, at pagsunod sa Patakaran ng Tamang Bihis, ininspeksiyon ang mga tauhan ng Police Regional Office 3 (PRO3) upang masegurong maayos ang pananamit ng mga opisyal batay sa itinalagang uniporme. Layunin ng inspeksiyon na …

Read More »

10 law offenders timbog

Bulacan Police PNP

SUNOD-SUNOD na nasakote ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga, anim na wanted, at isang pinaniniwalaang karnaper sa iba’t ibang police operations na isinagawa ng mga tauhan ng Bulacan Police Provincial Office (PPO) hanggang nitong Linggo ng umaga, 25 Agosto. Batay sa ulat na ipinadala kay P/Col. Satur Ediong, OIC ng Bulacan PPO, nakasaad na ikinasa ang magkahiwalay na …

Read More »

Kumalat sa social media  
Insidente ng pagdukot, hold-up, pananaksak vs mga estudyante sa Malolos itinanggi ng Bulacan gov’t, PPO

Malolos Bulacan PNP police

MARIING pinabulaanan ng Bulacan Police Provincial Office (PPO) at ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ng pahayag tungkol sa insidente ng hold-up, pananaksak, at pagdukot sa mga estudyante sa lungsod ng Malolos, na kumalat sa social media. Ipinabatid nina Gov. Daniel Fernando at Bulacan PPO Provincial Director P/Col. Satur Ediong sa mga mamamayan ng Bulacan, partikular sa lungsod ng Malolos, na …

Read More »

Sa Northern Samar
Hininalang Mpox patient idineklarang negatibo

monkeypox Mpox Virus

NAKOMPIRMANG negatibo sa monkeypox ang 24-anyos lalaking binabantayan ng mga awtoridad ng lalawigan ng Northern Samar sa bayan ng Catarman. Ayon sa magkahiwalay na advisory mula sa Provincial Health Office (PHO) at Municipal Health Office (MHO) ng Catarman nitong Linggo, 25 Agosto, nakararanas ang pasyente mga sintomas ng monkeypox, kabilang ang dalawang linggong lagnat, panghihina ng katawan, at vesicular rashes. …

Read More »

2 biktima ng human trafficking nasagip sa compound ni Quiboloy

2 biktima ng human trafficking nasagip sa compound ni Quiboloy

NASAGIP ng mga awtoridad ang dalawang pinaniniwalaang biktima ng human trafficking sa compound ng Kingdom of Jesus Christ (KJC) nitong Linggo, 25 Agosto, kasunod ng paghahain ng mga warrant of arrest laban sa founder nitong si Apollo Quiboloy at iba pang mga suspek. Kinilala sa ulat ng PRO11 PNP ang isa sa mga biktima na si alyas Lorenzo, 20 anyos, …

Read More »

Papel ng mga magulang sa tagumpay ng Kabataang Filipino, binigyang diin ni Cayetano

Alan Peter Cayetano PhilSCA

BINIGYANG-DIIN ni Senator Alan Peter Cayetano nitong Sabado ang kahalagahan ng suporta ng magulang sa pagkakamit ng tagumpay ng mga kabataang Filipino sa kanilang napiling karera. Ibinahagi ni Cayetano ang mensaheng ito sa mga nagsipagtapos sa Philippine State College of Aeronautics (PhilSCA) at kanilang mga magulang sa commencement ceremony nitong 24 Agosto 2024 na ginanap sa Philippine International Convention Center …

Read More »

Paghahanda ng SHS graduates  hinimok palakasin ng TESDA para makapasok sa trabaho

TESDA ICT

HINIKAYAT ni Senador Win Gatchalian ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na paigtingin ang mga hakbang upang mapataas ang kahandaan sa trabaho ng senior high school (SHS) graduates, kasunod ng ika-30 anibersaryo ng ahensiya.  Ito ang naging pahayag ni Gatchalian matapos niyang matanggap mula sa ahensiya ang Special Kabalikat Award bilang pagkilala sa kanyang adbokasiya na patatagin ang …

Read More »

QC resto kinulimbat, customers hinoldap

gun QC

PINASOK at hinoldap ng apat na holdaper ang isang restaurant  sa Quezon City at tinangay ang mga cellphone at pera ng mga kostumer nitong Sabado ng gabi.  Kinilala ang mga biktima na sina Rynelie Royo, 32, may-ari ng ChikTen Wings Restaurant; Mayraquel Montano, cashier;  Charles Mathew Cerez, 21; Riccie  Aduana, 21;   Margie Gabito, 29; pawang kitchen staff, at ang mga …

Read More »

Sa Escoda Shoal, WPS  
BARKO NG BFAR DATU SANDAY BINANGGA, BINUGAHAN NG WATER CANNON NG CHINA

082624 Hataw Frontpage

BINANGGA ng China Coast Guard (CCG) at pinabugahan ng water cannon ang BRP Datu Sanday ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa bahagi ng Escoda Shoal, sa West Philippine Sea nitong Linggo, 25 Agosto. Sa paunang ulat, limang beses binangga ng CCG ang barko ng BFAR na nagsasagawa ng resupply mission sa West Philippine Sea (WPS) kahapon. Gayondin, …

Read More »

Las Piñas nagsagawa ng Kadiwa payout sa 5,000 plus beneficiaries

Las Piñas City hall

MATAGUMPAY ang pamamahagi ng tulong pinansiyal ng Las Piñas City, sa kolaborasyon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mahigit 5,000 kalipikadong benepisaryo sa isinagawang Kadiwa ng Pangulo kasabay ng payout sa Verdant Covered Court, Barangay Pamplona Tres sa lungsod. Ang distribusyon ng P2,000 financial aid ay bahagi ng inisyatibang pambansang Kadiwa ng Pangulo na layuning magbigay …

Read More »

X-rating ng MTRCB vs Alipato at Muog inalmahan ng kaanak ng Desaparecidos

Alipato at Muog

KINONDENA ng Desaparecidos (Families of the Disappeared for Justice) ang pagbabawal na ipalabas sa mga komersiyal na sinehan ang award-winning documentary film na “Alipato at Muog” base sa X-rating na ipinataw ng Movies and Television Ratings and Classification Board (MTRCB). Ang Alipato at Muog ay tungkol sa pagkawala ng aktibistang si Jonas Burgos noong 28 April 2007. Inanyayahan ng Desaparecidos …

Read More »

Karne ng baboy na positibo sa African Swine Fever nasabat

Pig Baboy African Swine Flu ASF

NASABAT ng mga awtoridad ang 29 baboy mula sa Batangas na nagpositibo sa African Swine Fever (ASF) bago tuluyang naibagsak at naikalat sa mga pamilihan. Sinabi ni Voltaire Basinang, provincial veterinarian ng Bulacan, sa pangangasiwa ng mga tauhan ng Bureau of Animal Industry (BAI) naharang sa checkpoint ang truck na may kargang mga baboy na natuklasan batay sa kanilang pagsusuri …

Read More »

1,750 mangingisdang naapektohan ng oil spills sa Bataan, nabiyayaan ng food packs mula sa senador

Lito Lapid

NAMAHAGI si Senador Lito Lapid ng family food packs para sa 1,750 mangingisda sa Limay, Bataan nitong Huwebes, 22 Agosto 2024. Sa kanyang mensahe, sinabi ni Lapid na mahalagang maabutan ng kahit kaunting tulong ang mga mangingisdang biktima ng oil spill mula sa lumubog na barko sa Lamao point, Limay, Bataan kamakailan. Inaasahan ni Lapid na kahit paano ay maitatawid …

Read More »

ANIM coalition inilunsad kontra korupsiyon at political dynasty, Reporma sa halalan isusulong

Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan ANIM

INILUNSAD ang Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM) na naglalayong labanan ang korupsiyon, political dynasty, at isulong ang reporma sa halalan. Sa pamamagitan ng koalisyon, titiyakin na marinig ang boses ng taongbayan para sa tunay na pagbabago ng pamahalaan nang sa ganoon ay maramdaman ng bawat Filipino ang isang maunlad na bansa. Kabilang sa mga sektor na nabibilang sa ANIM ay …

Read More »

13-anyos teenager patay sa sunog

082424 Hataw Frontpage

ni RODERICK PALATINO CAMP VICENTE LIM, Laguna — Isang 13-anyos babaeng teenager ang namatay sa sunog sa Lipa, Batangas nitong Miyerkoles ng madaling araw.                Habang sa Laguna, 24 pamilya ang nawalan ng tahanan dahil sa sunog na naganap sa Biñan. Sa ulat, sinabing si Meagan Aicel May Gabuna, 13, ay natutulog nang sumiklab ang sunog dakong 3:40 am. Ayon …

Read More »

Bagong Henerasyon partylist solon:  
GLs SA DRUGSTORES AARANGKADA NA

082424 Hataw Frontpage

PINURI ni Bagong Henerasyon Representative Bernadette Herrera ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil sa pag-aproba nito sa kanyang panukala na tanggapin ang mga Guarantee Letters (GLs) bilang pambayad ng mahihirap nating kababayan sa pagbili ng kanilang gamot sa mga pribadong drugstores. Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations sa budget ng DSWD, kinompirma ni DSWD Secretary Rex …

Read More »

Sweetnotes aarangkada sa series or shows sa US

Sweetnotes Jeffrey Charlotte Mae Bactong

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKILALA namin ang singing couple na Sweetnotes na sina Jeffrey at Charlotte Mae Bactong. Sa kanilang edad na early 30’s nakagugulat na marinig ang bongga nilang rendition ng mga classic song from the 60’s hanggang sa current sounds ngayong 2024. Talagang pinag-aaralan nila ang mga ganoong songs dahil sa variety of audience na kanilang kinakantahan. Mula sa mga lolo’t lola, mga …

Read More »

December Avenue konsiyerto regalo sa fans

December Avenue

I-FLEXni Jun Nardo REGALONG concert ang handog ng five-man indie/pop/alternative rock band na December Avenue sa 15th year nila sa music industry. Sa August 30 sa SM MOA Arena ang concert at halos sold out na ang ibang sections ng venue. Sa totoo lang, Spotify’s Most Streamed Artist noong 2019 ang grupo na nasa likod din ng Most Streamed Album of All Time ang …

Read More »

Sa isyu ng impeachment
TIKOM-BIBIG PAYO NI CHIZ SA SENATORS

Heart Evangelista Chiz Escudero

HINILING ni Senate President Francis “Chiz” EScudero sa kanyang mga kapwa senador na busalan o itikom ang bibig sa pagbibigay ng komento ukol sa usapin ng impeachment case laban sa impeachable officer o  opisyal ng pamahalaan. Inihayag ito ni Escudero matapos ibunyag ni Vice President Sara Duterte na maugong ang usapin sa pagsasampa ng kasong impeachment laban sa kanya sa …

Read More »

ERC pinagpapaliwanag sa dagdag-singil sa presyo ng koryente

ERC electricity meralco

NANAWAGAN si Senador Win Gatchalian sa Energy Regulatory Commission (ERC) na ipaliwanag ang pag-aproba sa pagtaas ng singil sa koryente simula Oktubre ng taong ito sa hangaring matiyak na makatuwiran ang dagdag singil. “Kailangan nating tiyakin na ang pass-through charges ay makatuwiran upang ang anomang pagtaas sa presyo ng koryente ay hindi masyadong pabigat sa mga mamimili,” ani Gatchalian. Nauna …

Read More »

Sex slave mula 5-anyos
ANAK INANAKAN NG SARILING AMA

Sex slave mula 5-anyos ANAK INANAKAN NG SARILING AMA

KALABOSO ang isang 40-anyos  lalaki  dahil sa paulit-ulit na panggagahasa sa kanyang 18-anyos anak na nagresulta sa pagdadalangtao ng biktima sa Tondo Maynila. Kinilala ang suspek na isang alyas JB Lalamove rider residente sa Tondo, Maynila. Inireklamo ng kanyang sariling anak dahil sa pagmomolestiya at panggagahasa mula 5-anyos noong 2011 hanggang edad 18-anyos na ang pinakahuling panghahalay ay naganap nitong …

Read More »

Contact tracing inilarga ng QC LGU
MPOX PATIENT UMISKOR  NG ‘EXTRA SERVICE’ SA SPA

082224 Hataw Frontpage

ni ALMAR DANGUILAN MAIGTING ang contract tracing na ginagawa ngayon ng lokal na pamahalaan ng Quezon City sa isang dermatology clinic at spa na sinasabing binisita ng naitalang bagong kaso ng Mpox sa Filipinas ngayong taon. Ayon sa alkalde, ang natukoy na pasyente ay 33-anyos lalaki na nagtungo sa dalawang establisimiyento sa Quezon City. Kabilang dito ang isang massage spa …

Read More »

Natural gas bill inendoso ng Energy chair sa senado

082224 Hataw Frontpage

INENDOSO ni Senate committee on energy chair Senator Pia Cayetano ang agarang pagpasa sa panukalang batas para sa full development ng natural gas industry sa Filipinas. Sa kanyang sponsorship speech nitong Martes, 20 Agosto 2024, hinikayat ni Cayetano ang kanyang mga kapwa senador para agarang ipasa ang Senate Bill No. 2793 o kilala sa tawag na “Philippine Natural Gas Development …

Read More »
Krystall Herbal Products and FGO Branches