NANAWAGAN si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison sa lahat ng mga rebolusyonaryo, mga puwersang anti-Duterte at publiko na patatagin at palawakin ang hanay upang mapatalsik si Pangulong Rodrigo Duterte. Ang pahayag ni Sison ay bilang tugon sa pagkansela ni Duterte sa nakatakdang peace talks sa 28 Hunyo na aniya’y lantarang indikasyon na hindi interesado …
Read More »Barangay execs aarmasan ni Digong
IKINOKONSIDERA ni Pangulong Rodrigo Duterte na armasan na rin ang mga kapitan ng barangay sa buong bansa. Sinabi ito ng Pangulo sa harap ng mahigit 2,800 bagong halal na chairman ng barangay sa Region 3 na nanumpa sa kanya kahapon sa Clarkfield, Pampanga. Ang plano ng Pangulo ay base sa gitna ng dumaraming bilang ng mga opisyal ng barangay na namamatay sa pagtupad ng tungkulin kaugnay ng kampanya kontra ilegal na droga. Ayon sa Pangulo, …
Read More »Duterte binulaga ng lightning rally sa Cavite
HINDI natinag si Pangulong Rodrigo Duterte sa lightning rally na isinagawa ng may sampung aktibista sa harap niya bago magtalumpati sa 120th Independence Day sa Kawit, Cavite kahapon ng umaga. “Hayaan mo lang. It’s a freedom of speech. You can have it. Okay lang. I will understand,” ani Duterte habang hinihila palayo ng mga pulis at mga kagawad ng Presidential …
Read More »No drug test, no driving policy
KAILANGAN sumailalim sa drug test ang mga tsuper ng bus bago sumabak sa long trip o mahahabang biyahe. Ito ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte bunsod ng naitalang mga trahedya sa kalsada kamakailan. Ani Duterte, lumang tugtugin na ang alibi na nawalan ng preno kaya’t nakaaksidente ang isang bus driver kaya ang kailangan ipatupad ang “no drug test, no driving policy” …
Read More »Barangay execs sisibakin — Duterte
NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte na sususpendehin o tatanggalin sa puwesto ang barangay officials na may mataas na drug-related crimes sa kanilang komunidad. Sinabi ng Pangulo, kailangan magpaliwanag ang barangay chairman kay Department of Interior and Local Government (DILG) officer-in-charge Eduardo Año kapag nanatiling talamak pa rin ang illegal drugs at krimen sa kanilang pamayanan. “If there are many drug …
Read More »Pari itinumba sa simbahan
READ: 72-anyos pari itinumba sa Nueva Ecija READ: PNP nagbuo ng special team (Para sa pinaslang na pari) READ: Pari itinumba sa harap ng altar (Pagkatapos magmisa) READ: Palasyo ‘tahimik’ (Sa pagpatay sa isang pari matapos siyang magmisa) PINAGBABARIL ang isang pari sa Nueva Ecija sa loob mismo ng simbahan matapos siyang magmisa kagabi. Batay sa inisya na ulat, pumasok …
Read More »Duterte inatake ng migraine
TINIYAK ng Palasyo na maayos ang kalagayan ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte. Pahayag ito ng Malacañang matapos ibunyag ng Pangulo na nagsusuka siya sa eroplano bunsod ng migraine habang nasa biyahe mula sa tatlong araw na official visit sa South Korea pabalik ng Filipinas noong Martes ng gabi. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, walang dapat na ipag-alala ang …
Read More »‘Pag pumalag vs China, kudeta vs Duterte
NANINIWALA si Pangulong Rodrigo Duterte na patatalsikin siya ng pulisya’t militar kapag isinabak niya ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa digmaan kontra China sa agawan sa teritoryo sa West Philippine Sea (WPS). Sa press conference sa NAIA Terminal 2 sa kanyang pagdating mula sa 3-day official visit sa South Korea, inihayag ng Pangulo, …
Read More »Mocha dapat mag-sorry (Kay Kris Aquino)
INUTUSAN ni Pangulong Rodrigo Duterte si Communications Assistant Secretary Mocha Uson upang humingi ng apology kay Kris Aquino kaugnay sa social media post niya na ikinasama ng loob ng dating presidential daughter. Sa press conference kahapon sa Presidential Guest House, sinabi ni Special Assistant to the President Christopher ‘Bong ‘ Go, pumayag si Mocha na mag-sorry kay Kris. Aminado si …
Read More »Martial Law sa buong bansa babala ni Duterte (Kritiko ‘pag di umayos)
NAGBABALA si Pangulong Rodigo Duterte na idedeklara niya ang martial law sa buong bansa kapag hindi tumigil ang mga kitiko sa pagbatikos sa kanya. Sinabi ng Pangulo, nagpapasalamat siya sa Diyos na sa huling yugto ng kanyang buhay ay binigyan siya ng tsansa na makapagsilbi sa bayan kaya’t may mga pagbabago sa mga susunod na araw sa bansa lalo sa …
Read More »US$1-B utang ng PH sa SoKor iingatan vs korupsiyon (Para sa Build, Build, Build projects)
SEOUL – TINIYAK ng administrasyong Duterte sa gobyernong South Korea, hindi mapupunta sa korupsiyon ang inilaan nitong US$1-B Official Development Assistance para ipantustos sa Build, Build, Build projects. Sa press briefing sa Imperial Palace Hotel kahapon, sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez, hindi maaaksaya sa korupsiyon ang pera ng mga mamamayan ng South Korea. Tungkulin aniya ng pamahalaang Duterte na …
Read More »50,800 trabaho sa P300-B investments resulta ng SoKor trip
SEOUL – Aabot sa US$4.858 bilyon o halos P300 bilyon ang halaga ng nilagdaang business agreements sa pagitan ng South Korea at Filipinas. Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez, ang nasabing mga kasunduan ay magreresulta sa pagkakaroon ng 50,800 trabaho sa Filipinas. Kabilang sa mga investment na pinagkasunduan ng mga Filipino at Korean businessmen ay transportation modernization, machinery industry, dredging, …
Read More »Duterte admin suportado ng SoKor
SEOUL – APAT na bilateral agreements ang nilagdaan sa harap nina Pangulong Rodrigo Duterte at South Korean President Moon Jae-in sa Blue House kahapon. Kabilang sa mga kasunduan ang memorandum of understanding on transportation cooperation, memorandum of understanding on scientific and technological cooperation, memorandum of understanding on trade and economic cooperation at loan agreement para sa bagong Cebu International Container …
Read More »PhilHealth chief sinibak
SEOUL – SINIBAK ni Pangulong Rodrigo Duterte si PhilHealth interim president Celestina dela Serna dahil sa napaulat na santambak na katiwalian sa ahensiya. Kasalukuyang nasa Seoul si Duterte at inihayag niya ito sa isang konsultasyon sa mga opisyal ng pamahalaan na kasama sa delegasyon. Sinabi ng source, ang pumalit kay Dela Serna bilang officer-in-charge ng Philhealth ay si Roy Ferrer, …
Read More »Palasyo sa Tulfo bros: P60-M isauli ninyo
UMAASA ang Palasyo na tutuparin ng magkakapatid na Tulfo ang pangakong ibabalik sa kaban ng bayan ang P60-milyong ‘kinita’ sa anunsiyo mula sa Department of Tourism na iniere sa kanilang programa sa PTV4. “Well, nasa Tulfos na ho iyan kasi sila naman iyong boluntaryong nagsabing isasauli nila. So we’re counting on their word of honor na kung ibabalik nila at …
Read More »DOE ‘no power’ sa P1.55/kwh rate hike ng Meralco (Kamay ‘nakagapos’)
‘PUNDIDO’ ang Department of Energy (DOE) para pigilan ang nakaambang pagtaas ng P1.55/kwh singil sa koryente kapag inaprobahan ang pitong power supply agreement (PSA) na pinasok ng Manila Electric Company (Meralco). Inamin ni Energy Undersecretary Wimpy Fuentebella, tanging ang Energy Regulatory Commission (ERC) ang puwedeng magpasya kung papayagan ang ano mang power rate hike at hindi ang DOE. “Hindi — …
Read More »BoC exec sinibak ni Duterte
SINIBAK ni Pangulong Rodrigo Duterte si Customs Deputy Commissioner Noel Patrick Sales Prudente kahapon. Inianunsiyo ng Pangulo ang pagsibak kay Prudente sa kanyang talumpati sa tanggapan ng BoC nang tunghayan niya ang pagsira sa smuggled na mga scooter, big bikes at sasakyan. Ayon sa Pangulo, hindi na raw niya pahihirapan ang Kamara sa isinasagawang imbestigasyon kay Prudente kaugnay ng nakalusot …
Read More »P34.71-M smugged motorcycles, vehicles winasak
PINANGUNAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagwasak sa P34.71 milyong halaga ng 116 smuggled motorsiklo at anim pang mga sasakyan sa Bureau of Customs sa Port Area, Maynila kahapon. Ang sinirang mga sasakyan ay pawang mga brand new na Vespa scooters, BMW, Harley Davidson, 2 unit ng Triumph, 2 unit ng Land Rover, isang Volvo at tatlong Mitsubishi Pajero. Kasabay ito …
Read More »SolGen Calida mananatili sa puwesto (Magaling siya — Digong)
WALANG plano si Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin si Solicitor General Jose Calida kahit nabisto ang multi-milyong pisong kontrata na nakopo ng kanyang security agency sa gobyerno. Ipinagtanggol ni Pangulong Duterte si Calida sa isyu ng security agency ng kanyang pamilya dahil pinaghirapan aniya ng SolGen hanggang magretiro kung anoman ang mayroon siya ngayon at ang kanyang pamilya kaya bakit …
Read More »Joma hindi ‘mata-tarmac’ sa airport (Sigurado si Duterte)
TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte, hindi magagaya kay dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino, Jr., si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison na pinatay habang pababa sa eroplano sa paliparan. Inatasan ni Duterte ang bagong commander ng Presidential Security Group na si Col. Jose Eriel Niembra na protektahan at bantayan ang seguridad ni Sison. Inianunsiyo ito ni …
Read More »Hirit ng Palasyo: 7-buwan higpit-sinturon sa TRAIN
NANAWAGAN ang Palasyo sa publiko na habaan ang pasensiya at magtiis sa matinding dagok sa buhay ni Juan dela Cruz sa implementasyon ng Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nasa Kongreso ang bola para gumawa ng panibagong batas na sususpende sa TRAIN law. Hindi aniya uubra ang isang executive order para ipatigil ang pag-iral ng …
Read More »Trade, labor, energy kinalampag ni Digong (Kalasag kontra TRAIN)
KINALAMPAG ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tatlong kagawaran upang umaksiyon para masalag ang masamang epekto ng Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) kay ‘Juan dela Cruz.’ Sinabi kahapon ni Trade Secretary Ramon Lopez, pinaigting ng DTI ang pag-monitor sa mga nagsasamantalang negosyante at hindi sumusunod sa itinakdang suggested retail price (SRP). Inatasan ng Pangulo ang DTI na i-monitor, arestohin at …
Read More »Opisyal pa sisibakin ni Duterte
ISA pang opisyal ng gobyerno ang sisibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng Davao River Bridge sa Carlos P. Garcia Highway sa Davao City, sinabi niyang gagawin ang pagsibak pagbalik sa Malacañang sa susunod na linggo. Hindi na tinukoy ng Pangulo kung sino ang opisyal na susunod na maaalis sa kanyang administrasyon. Binanggit ng Pangulo, sinibak …
Read More »Babala ni Digong: Peace talks ‘pag bigo ulit Joma papatayin
MAKE or break para kay Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Maria Sison ang dalawang buwang ‘window’ na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa isinusulong na peace talks. Bagamat ginagarantiyahan ng Pangulo na ligtas na makararating sa bansa si Sison mula sa The Netherlands, kung nakakuha siya ng asylum, hindi naman niya nanaisin na bumalik pa sa bansa ang …
Read More »Marawi siege madilim na parte ng kasaysayan (‘Di dapat ipagdiwang — Go)
WALANG dapat ipagdiwang sa unang anibersaryo ng Marawi siege ngayon dahil ito’y isang madilim na bahagi ng kasaysayan ng bansa. Sinabi ni Special Assistant to the President Christopher “Bong”Go ang dapat gawin ng sambayanan ay matuto sa aral ng masaklap na pangyayari sa Marawi City upang hindi na maulit saanmang bahagi ng Filipinas at itaguyod ang rehabilitasyon ng siyudad. Wala …
Read More »