Saturday , October 1 2022

Palasyo sa Tulfo bros: P60-M isauli ninyo

UMAASA ang Palasyo na tutuparin ng magkakapatid na Tulfo ang pangakong ibabalik sa kaban ng bayan ang P60-milyong ‘kinita’ sa anunsiyo mula sa Department of Tourism na iniere sa kanilang programa sa PTV4.

“Well, nasa Tulfos na ho iyan kasi sila naman iyong boluntaryong nagsabing isasauli nila. So we’re counting on their word of honor na kung ibabalik nila at sinabi nila e talagang ibabalik nila,” sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa press briefing kahapon.

Tiniyak ni Roque, hindi palalampasin ng Palasyo ang mga nabulgar na katiwalian sa DOT sa panahon ni dating Secretary Wanda Teo alinsunod sa anti-corruption campaign ng pamahalaan.

Maliban sa isinasagawang imbestigasyon ng Ombudsman, ipabubusisi rin ng Palasyo sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang mga nabistong anomalya sa DOT.

Ilan sa mga napaulat na katiwalian sa DOT maliban sa P60-M ads deal sa PTV, ang P80-M Carinderia project ni dating Tourism Promotions Board (TPB) COO Cesar Montano at P105-M “World’s Stronegst Man” project.

Napabalita rin na may isinumite si Teo kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Ca­yetano na “pro­po­sal to out­source visa pro­cessing for Chinese tourists.”

Ang kom­pan­ya umanong inirekomenda ni Teo para gumawa ng proyekto ay dati nang nasangkot sa credit card scam. (ROSE NOVE­NARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Bulacan Police PNP

Bulacan police umiskor
MAHIGIT 765K HALAGA NG DROGA NAKUMPISKA, 15 DRUG SUSPEK NALAMBAT AT 6 NA LAW OFFENDERS NAI-HOYO

TINATAYANG aabot sa mahigit 765K halaga ng iligal na droga ang nakumpiska habang 15 drug …

Dagdag na benepisyo hiling ng pamilya ng mga nasawing rescuers sa Bulacan

Dagdag na benepisyo hiling ng pamilya ng mga nasawing rescuers sa Bulacan

NANAWAGAN ang mga kamag-anak ng ilan sa mga nasawing rescuer sa Bulacan ng dagdag na …

shabu

3 tulak sa Gapo nasabat
MAHIGIT P1-M HALAGA NG SHABU, NAKUMPISKA

 MAHIGIT  P1-M halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng mga awtoridad habang tatlong tulak …

FRIENDSHIP route sticker las pinas

Sa Las Piñas
72-ORAS TRO PABOR SA ‘FRIENDSHIP ROUTE’ PINALAWIG NG KORTE

ISA PANG DAGOK sa bagong administrasyon ng BF Resort Village Homeowners Association, Inc. (BFRVHAI) ang …

Zasa Aliman Stone Hope Company Diesel

Oil importer dudulog sa Malacañang dahil sa pagbasura ng DOE sa kanilang aplikasyon

DUDULOG sa Office the President (OP) ang isang oil importer kaugnay sa hinalang pagbasura ng …

Leave a Reply