HINDI pa idedemanda ng Malacañang ang mga personalidad na nabisto nilang nagsabwatan para pabagsakin ang administrasyong Duterte. “Wala, hahayaan lang namin sila… sa ngayon ha, sa ngayon. Kasi if the plot thickens and they perform acts which are already violation of the penal laws, that’s a different story,” sabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa press briefing sa Palasyo kahapon. …
Read More »Kapayapaan sa Pasko ng Pagkabuhay — Duterte
MAGING instrumento ng kapayapaan at piliin ang mabuti at makapagpapaunlad sa pananampalatayang Kristiyano at ipagdiwang ang muling pagkabuhay ni Hesukristo. Ito ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko sa kanyang Easter Sunday message kahapon. Hinimok niya ang lahat na gawing inspirasyon ang sakripisyo ng Tagapagligtas sa krus at pagsagip sa kasalanan ng sanlibutan. “May this time of new beginnings …
Read More »Sunod na Speaker dapat ‘alyado’ ng Pangulo — solon
DAPAT kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang susunod na House Speaker ng Kamara para masiguro na ang agenda sa lehislatura ay maipasa. Ayon kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco importante ang pamumuno pero dapat naman, aniyang, walang ambisyong pampolitika ang susunod na speaker. “Leadership is important, but it’s equally important that the next speaker is free from political ambition to …
Read More »Pirma ni Digong sa nat’l budget binura sa iskedyul
MAUUDLOT ang nakatakdang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes sa P3.7 trilyong national budget para sa 2019. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, pinag-aaralan ng Pangulo ang mga detalye ng panukalang 2019 national budget kaya inalis sa opisyal niyang aktibidad ang ceremonial signing ng 2019 General Appropriations Act. “Naka-calendar tapos tinanggal sa calendar ‘e ‘di puwede rin ibalik ‘di …
Read More »2019 nat’l budget aprobado bago Semana Santa
INAASAHANG malalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2019 pambansang budget sa loob ng linggong ito o sa susunod na linggo, bago ang Semana Santa. Ito ang sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles sa harap nang patuloy na paggamit ngayon ng pamahalaan sa reenacted budget ng 2018. Sa isang panayam sa Malacañang, sinabi ni Nograles na isinasapinal na lamang ito. Kasabay …
Read More »Sibilyan o sundalo… Bayaning Filipino ‘di dapat limutin — Duterte
IPINAALALA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kabayanihan ng matatapang na Filipino at Amerikanong sundalo na nagtulungan upang ipagtanggol ang kalayaan at demokrasya ng bansa habang nagbabantay sa masusukal na kagubatan ng Bataan. Sa kanyang mensahe sa paggunita ng Araw ng Kagitingan, sinabi ng Pangulo na hindi dapat malimutan ang ating mga kababayang sibilyan na tumulong sa ating mga kawal upang …
Read More »Palasyo sa 5 US senators: ‘Wag n’yo kami pakialaman
MIND your own business. Ito ang buwelta ng Malacañang sa limang Amerikanong senador na nanawagan na palayain si Sen. Leila de Lima at ibasura ang kaso laban kay Rappler chief executive officer Maria Ressa pati na ang pagsusulong na imbestigahan ng international community ang extrajudicial killings sa bansa. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, may sapat na suliranin ang Amerika …
Read More »31 artista sa narco-list sasampahan ng kaso pero ‘di ibubunyag (Base sa ebidensiya)
KAKASUHAN ang mga artistang sangkot sa illegal drugs pero hindi ibubulgar ang mga pangalan nila sa narco-list gaya nang nakagawian ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ng Pangulo na hindi na kailangan isapubliko ang listahan dahil hindi naman public officials at malalagay lang sa kahihiyan ang mga artistang sabit sa illegal drugs. “Ito ba ‘yung mga artistang gusto ninyong ilabas. You …
Read More »Murder vs pulis-Maynila aprub sa Palasyo
WELCOME sa Palasyo ang desisyon ng Ombudsman na sibakin at sampahan ng kasong murder ang pulis-Maynila na pumatay sa isang 23-anyos epileptic sa anti-illegal drugs operation sa Tondo, Maynila noong 2017. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kailanma’y hindi kinokonsinti ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pang-aabuso ng mga awtoridad. “We welcome it as PRRD says his administration will not …
Read More »Tokhang-style execution… Negros 14 nanlaban — Palasyo
NANLABAN ang Negros 14 kaya napatay ng mga awtoridad sa mga lehitimong police operation sa Negros Oriental kamakalawa. Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kaugnay sa pagpaslang sa 14 katao sa Negros Oriental, walo sa kanila’y mga magsasaka, habang isinisilbi ng mga pulis ang search warrants. “It’s a legitimate police operation. Search warrants were issued by competent court, …
Read More »Acierto ginagamit ng dilawan vs Duterte
GINAGAMIT ng dilawan si dating police colonel Eduardo Acierto para batikusin ang administrasyon, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte. “Ito ‘yung involvement ng ibigay ko sa’yo — ng pulis kasi ginagamit sa mga yellow ngayon. Pero nandiyan lahat,” ayon sa Pangulo sa kanyang talumpati sa Koronadal, South Cotabato. Anang Pangulo, kabilang si Acierto sa mga ninja cop o mga pulis na …
Read More »Dinismis ng piskalya… Suspek sa Silawan ‘murder’ hulihin — Digong
IPINAAARESTO muli ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suspe sa pagpatay kay Christine Silawan na pinalaya ng piskalya. Sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Koronadal, South Cotabato kamakalawa ng gabi na tinawagan niya ang fiscal sa Cebu City na nagpasya na pakawalan ang suspek sa pagpatay sa dalagitang binalatan ang mukha. Ayon sa Pangulo, binigyang diin niya sa fiscal na dapat …
Read More »31 artista sa narco-list ilantad at kasuhan
DAPAT ilantad at kasuhan ng mga awtoridad ang 31 artista na nasa narco-list ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kung may sapat na ebidensiyang magsasangkot sa kanila sa illegal drugs. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang pagsasapubliko ng mga pangalan sa nasabing narco-list ay dapat munang ipagpaalam kay Pangulong Rodrigo Duterte. Tiniyak ni Panelo na hindi makikialam ang Palasyo …
Read More »Kontrata ni Yang bilang economic adviser tapos na — Medialdea
HINDI na economic adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kontrobersiyal na Chinese businessman na si Michael Yang. Inihayag kahapon ni Executive Secretary Salvador Medialdea na nagtapos ang kontrata ni Yang bilang economic adviser noong 31 Disyembre 2018. “Michael Yang’s One Peso per annum contract expired on December 31, 2018,” ani Medialdea sa text message sa mga reporter. Si Yang ay …
Read More »Kung sangkot sa ilegal na droga… Yang ‘papatayin’ ni Digong — Panelo
‘PAPATAYIN’ ni Pangulong Rodrigo Duterte si Michael Yang kapag napatunayang sangkot sa illegal drugs. Ito ang tiniyak kahapon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo. Sinabi ni Panelo na kilala naman nang lahat si Pangulong Duterte pagdating sa usapin ng ilegal na droga. Giit ni Panelo, simula pa man, galit na si Pangulong Duterte sa ilegal na droga kaya hindi papayag na …
Read More »Peace talks sa lokal isusulong ng gov’t
LOCAL peace panel ang bubuuin ng administrasyong Duterte sa iba’t ibang parte ng bansa para ipalit sa binuwag na government peace panel na makikipagnegosasyon sa mga rebeldeng komunista. “According to General Galvez, new panels will be created, localized with sectorized representatives, local government units, and military,” ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo. Kamakalawa ay nilusaw ng Palasyo ang GRP peace panel …
Read More »Kahit nasa fault line… Kaliwa Dam tuloy na tuloy, Palasyo tameme
IWAS-PUSOY ang Palasyo sa isyu nang pagtatayo ng Kaliwa Dam sa mismong dalawang fault line kaya tinututulan ng iba’t ibang grupo ang China-funded project. “So, siguro doon sa mga fault, I was informed that it’s not really…” paiwas na tugon ni MWSS Administrator Rey Velasco nang tanungin sa press briefing hinggil sa alegasyon ng mga kritiko na mapanganib ang Kaliwa …
Read More »GRP peace panel nilusaw ng Malacañang
NILUSAW na ng Malacañang ang Government of the Republic of the Philippines (GRP) negotiating peace panel. Sa harap ito ng realidad na wala namang nangyayaring negosasyon sang gobyerno sa pagitan ng (Communist Party of the Philippines-News People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF). Sa liham na ipinadala ng Office of the President, may petsang 18 Marso 2019, at pirmado ni Executive Secretary …
Read More »MWSS execs pinulong sa Palasyo
IPINATAWAG ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang ang mga opisyal ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS). Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na pasado 6:00 pm kahpon nakatakdang humarap kay Duterte ang mga opisyal ng MWSS para iulat ang sitwasyon ng tubig sa Metro Manila. Noong nakalipas na Biyernes ay nagbaba ng direktiba si Pangulong Duterte sa MWSS na …
Read More »Kalusugan ni Duterte nasa maayos na kondisyon
NASA mabuting kondisyon ang kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang migraine attack noong Biyernes. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, tatlong oras na pahinga ang ginawa ng Pangulo matapos makaranas ng migraine at hindi nakadalo sa dalawang pagtitipon. Nanatili aniya sa kanyang bahay ang Pangulo at doon na nagtrabaho. “He is okay. As I said, he concentrated on his …
Read More »Kaliwa Dam, sa Japanese firm dapat ipagkatiwala
PINAG-AARALAN ng Palasyo ang pagbuhay sa panukala ng Japanese firm na itayo ang Kaliwa Dam . “Well, I think, every proposal should be considered. The objective should always be the welfare of the people. The most beneficial, the most advantageous to the government and to the people should be the primordial consideration in any contracts involving the government and other …
Read More »Master plan ikakasa ng Palasyo… Superbody vs ‘water crisis’
MAGBABALANGKAS ng national water management master plan ang administrasyong Duterte na inaasahang magbibigay lunas sa mga problema sa supply ng tubig sa bansa. Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles ang master plan ay gagawin ng National Water Resources Board (NWRB) na tatanggalin sa superbisyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ililipat sa Office of the President. Sinabi …
Read More »‘Krisis’ sa supply ng Manila Water artipisyal — Palasyo
NAGHIHINALA ang Palasyo na artipisyal ang nararanasang kakapusan ng supply ng tubig ng mga kliyente ng Manila Water sa ilang bahagi ng Metro Manila, Rizal at Cavite. Sa press briefing sa Palasyo, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo dapat imbestigahan ang pangyayaring ito. Nakapagtataka aniya na may supply ng tubig ang Maynilad habang ang Manila Water ay walang maisuplay gayong …
Read More »Palasyo sa Kongreso: ‘Stalemate’ sa 2019 budget tapusin
NANAWAGAN ang Palasyo sa mga senador at kongresista na wakasan na ang iringan sa panukalang 2019 national budget at ibigay sa sambayanang Filipino ang isang pambansang budget na makatutulong sa gobyerno na iangat ang antas ng buhay tungo sa kaunlaran ng bansa. Ang pahayag ay ginawa ng Malacañang isang araw matapos ang pulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa liderato ng …
Read More »EO ng pangulo itatapat vs krisis sa tubig
ISANG executive order ang binabalangkas ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan para tugunan ang krisis sa supply ng tubig sa Metro Manila at mga kalapit na bayan. Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexis Nograles, layunin nito na matugunan ng pamahalaan ang problema sa supply ng tubig. Dagdag ni Nograles bago pa man naranasan ang krisis sa supply ng tubig, may …
Read More »