Chinese firms butata sa P67.99-B Marawi rehab

IBA’T IBANG ahensiya ng pamahalaan sa pama­magitan ng local contrac­tors ang magsasagawa ng rehabilitasyon ng Marawi City at hindi na sa pama­magitan ng joint venture sa foreign firms, ayon sa Task Force Bangon Marawi.

Ang desisyon na lumi­pat sa local con­tractors ay ginawa mata­pos ang isang taon pag­pupursigi sa joint venture agreement sa Filipino-Chinese consortium.

“The joint venture was not a way to go,” ani TFBM Chairman Eduardo del Rosario sa press briefing sa Malacañang.

Batay aniya sa Public-Private Partnership Center, Department of Budget and Management at Department of Finance, ang  joint venture scheme ay maaaring kontra sa mga patakaran at batas.

“It’s not a profit-sharing scheme,” ani Del Rosario.

Aabot sa P67.99 bilyon ang kailangan para sa ganap na rehabili­tasyon ng Marawi na inaasahang matatapos sa 2021.

(ROSE NOVENARIO)