Wednesday , April 16 2025

Rose Novenario

Pinoy ‘wag choosy sa libreng Covid-19 vaccine — Palasyo (Pambili ng vaccine kahit babayaran ng tax)

ni ROSE NOVENARIO HINDI puwedeng maging choosy ang mga Pinoy sa tatak ng CoVid-19 vaccine na ituturok sa kanila dahil ito’y libre, ayon sa Palasyo. “Totoo po, mayroon tayong lahat na karapatan para sa mabuting kalusu­gan pero hindi naman po puwede na pihikan dahil napakaraming Filipino na dapat turukan,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque sa virtual Palace press briefing. …

Read More »

Apuradong Cha-cha ekstensiyon ng Duterte political dynasty

TINULIGSA ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang pagsusulong ng mga alipores ni Pangulong Rodrigo Duterte na maamyendahan ang 1987 Constitution bilang bahagi ng mga iskema para manatili ang Duterte political dynasty. Sa isang kalatas ay iginiit ng CPP na minamadali ni Pangulong Duterte ang lahat nang pagsusumikap na maikasa ang kanyang mga iskema gaya ng Charter change na …

Read More »

Walis tambo ng Pinoy ibinandera sa Capitol riot

INATASAN ng Palasyo ang embahada ng Filipinas sa Amerika na i-monitor kung may nasaktan o nadawit na Pinoy sa naganap na riot ng mga tagasuporta ni outgoing US President Donald Trump sa Capitol Building sa Washington, D.C. Pero hindi maikakaila na may kasamang Pinoy na lumusob sa US Congress dahil buman­dera sa social media ang larawan ng isang babae na …

Read More »

Ruptured aorta, ‘catastrophic complication’ ng palpak na CPR

ni ROSE NOVENARIO MAHALAGANG busisiin ng mga awtoridad ang mga pangyayari na naging dahilan kaya namatay si Christine Dacera sanhi ng “ruptured aortic aneurysm” gaya nang isinagawa sa kanyang cardiopulmonary resuscitation (CPR) matapos makitang walang malay sa bath tub sa City Garden Hotel sa Makati City. Paliwanag ito ni u/Dvdcap, isang medical student sa kanyang post  sa Reddit, isang American …

Read More »

FDA probe sa PSG smuggled, unauthorized CoVid-19 vaccine, tuloy

HINDI paaawat ang Food and Drug Administration (FDA) sa pag-iimbestiga sa hindi awtorisadong pagbabakuna kontra CoVid-19 sa mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG). “Ang habol namin dito ‘yung safety. Hindi naman kami naghahanap ng ipapakulong. Ang mandato ko, siguraduhing ‘yung gamot na nagagamit at napapasok dito sa Filipinas ay safe at puwedeng gamitin. ‘Yun po ang importante sa amin …

Read More »

Danny Lim, pumanaw sa COVID-19

BINAWIAN ng buhay kahapon si Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Danilo Lim, walong araw matapos niyang ihayag na positibo siya sa CoVid-19. Nagpaabot ng pakiki­ramay ang Palasyo sa naulilang pamilya ni Lim, 65-anyos, at kanyang mga kasamahan sa MMDA. “MMDA Chair Lim served the Duterte Administration with professionalism, competence and integrity. He would be dearly missed,” sabi ni Presidential …

Read More »

PNP probe sa Dacera case, bara-bara — Diokno

ni ROSE NOVENARIO BARA-BARA o magulo ang ginagawang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) sa kaso nang pagkamatay ni Christine Dacera. Pinuna ni human rights lawyer at Dela Salle University College of Law dean Chel Diokno ang pagsasampa ng “provisional charges” ng PNP laban sa mga suspect gayong hindi ito nakasaad sa batas at wala pang autopsy report na puwedeng …

Read More »

P93K+ utang ng bawat Pinoy P10.13 Trilyon, utang ng PH

ANG bawat isa sa mahigit 108 milyong Filipino ay may utang na P93,323.70 dahil puspu­san ang pangungutang ng administrasyong Duterte na umabot na sa P10.3 trilyon hanggang noong nakalipas na Nobyembre. Batay sa datos ng Bureau of Treasury, ang P10.3 trilyong utang ng bansa noong Nobyembre 2020 ay mas mataas ng 1.1% noong Oktubre 2020. Aniya, si Duterte na ang …

Read More »

PhilHealth contrib hike pinigil ni Duterte

Philhealth bagman money

IPINATIGIL ni Pangulong Rodrigo Duterte ang implementasyon ng dagdag sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) member contributions upang maibsan ang kalbaryo ng mga mamamayan sa panahon ng CoVid-19 pandemic. “There is a move to increase the contribution ng mga members,” ani President Duterte sa public address nitong Lunes. “At this time of our life, may I just suggest to the …

Read More »

Durante stay put in the barracks, stay away from congress — Duterte (Walang paki, PSG matodas man sa ilegal na bakuna)

WALANG pakialam si Pangulong Rodrigo Duterte kung mamatay ang mga kagawad ng Presidential Security Group (PSG) na naturu­kan ng ‘smuggled’ at ‘unauthorized’ Sinopharm CoVid-19 vaccine. Ibinulalas ito ni Pangulong Duterte kasunod ng babala laban sa ikinakasang imbesti­gasyon ng Kongreso sa isyu ng ilegal na bakunang itinurok sa mga kagawad ng PSG na para sa kanya ay ‘self-preservation’ ng mga sundalo. …

Read More »

Duterte ‘natuwa’ sa paglabag ng PSG sa rule of law

NAGPASALAMAT si Pangulong Rodrigo Duterte sa  Presidential Security Group (PSG) kahit nilabag ang batas sa pagturok sa kanilang mga kagawad ng ipinuslit at hindi aprobado ng Food and Drug Administration (FDA) na COVID-19 vaccine na gawa ng Sinopharm ng China. “Ang ating Presidente ay nagbibigay-pugay sa katapatan ng PSG sa kanilang misyon na protektahan ang ating Presidente,” sabi ni Presidential …

Read More »

Palasyo ‘happy’ sa ilegal na bakuna ng 100k Chinese POGO workers

HINDI lang sa Presidential Security Group (PSG) natuwa ang Palasyo na ilegal na tinurukan ng CoVid-19 vaccine, nagalak din ang Palasyo sa 100,000 Chinese nationals sa Filipinas na binakunahan na rin. Isiniwalat ni anti-crime advocate Teresita Ang-See na may 100,000 Chinese workers ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hubs ang naturu­kan na ng CoVid-19 vaccines. “Pero kung totoo man, ‘e …

Read More »

Sinopharm covid-19 vaccine itinurok sa Pinoy soldiers (FDA bulag)

INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte na maraming mga Pinoy, kabilang ang mga sunda­lo, ang nabakunahan ng CoVid-19 vaccine na gawa ng Sinopharm ng China kahit hindi pa aprobado  ng Food and Drug Administration (FDA). “Marami na ang nagpa-injection dito sa Sinopharm,” sabi ni Duterte kay FDA Director General Eric Domingo sa live briefing kamakalawa ng gabi sa Palasyo. “Halos lahat …

Read More »

Soberanya ‘bargain’ sa bakuna

ni ROSE NOVENARIO IPINAING ‘barter’ ni Pangulong Rodrigo Duterte ang soberanya ng Filipinas sa Amerika nang magbantang tuluyang ibabasura ang Visiting Forces Agreement (VFA) kapag nabigo ang US na ihanda ang 20 milyong doses ng bakuna kontra CoVid-19 para sa bansa. “Previously, the Visiting Forces Agreement was dangled as a bargaining chip for Senator Bato dela Rosa’s US Visa. Yesterday, …

Read More »

Duterte inabsuwelto sina Tugade at Duque

INABSUWELTO ni Pangulong Rodrigo Duterte si Transportation Secretary Arthur Tugade sa aberyang idinulot sa publiko ng minadaling pagpapatupad ng radio frequency identification (RFID) cashless payment sa tollways. Habang si Health Secretary Francisco Duque ay muling ‘pinayongan’ ng Pangulo nang ibisto ni Senator Panfilo Lacson na nabigong magsumite ng mga kaukulang dokumento sa Pfizer kaya hindi nasungkit ng Filipinas ang 10 …

Read More »

‘Red-tagging’ sentensiya ng kamatayan

ni ROSE NOVENARIO NANAWAGAN ang mga pambansa at pandaigdigang samahan ukol sa karapatang pantao kabilang ang Amnesty International (AI) sa gobyernong Filipino na itigil at wakasan ang ‘red-tagging’ dahil nalalagay sa panganib ang mga biktimang nababansagan nito. Ayon sa AI, ang mga nagtatanggol sa kara­patang pantao at iba pang aktibista ay duma­ranas ng marahas na pag-atake kabilang ang pamamaslang, panana­kot …

Read More »

Palasyo napako sa pangako sa health workers

KINALAMPAG ng health workers mula sa iba’t ibang ospital ang tanggapan ng Department of Budget Management (DBM) sa Malacañang Complex para singilin ang hindi pa bayad nilang dalawang taong performance based bonus, hazard pay at special risk allowance. Mula magsimula ang CoVid-19 pandemya, samot-saring papuri at parangal ng administrasyong Duterte sa kabayanihan ng health workers ngunit ang kanila palang lehitimong …

Read More »

Face-to-face classes sa CoVid-19 low-risk areas aprub kay Duterte (Sa Enero 2021)

 APROBADO kay Pangulong Rodrigo Duterte ang plano ng Department of Education (DepEd) na magsagawa ng pilot face-to-face classes sa mga lugar na may mababang kaso ng CoVid-19 sa buong buwan ng Enero 2021. “The Palace informs that President Rodrigo Roa Duterte approved during tonight’s Cabinet meeting, December 14, 2020, the presentation of the Department of Education (DepEd) to conduct pilot …

Read More »

Urgent bill sa pinalawig na 2020 GAA sinertipakahan ng Pangulo

KINOMPIRMA ng Palasyo na sinertipikahan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang urgent bill ang panukalang batas na nagpapalawig  sa 2020 General Appropriations Act (GAA) at Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2). Nakasaad sa House Bill 8063 na palalawigin ang Bayanihan 2 hanggang 30 Hunyo 2021 imbes magwakas sa 19 Disyembre 2020 upang matiyak na magagamit ang inilaang pondo ng …

Read More »

Quezon solon suki ng plunder case sa Ombudsman

TILA nagiging suki na ng Ombudsman si dating Quezon governor at ngayo’y 2nd District Rep. David “Jay-jay” Suarez dahil kahapon ay isinampa ang ikatlong kasong plunder o pandarambong laban sa kanya sa loob lamang ng mahigit isang buwan. Batay sa 35-pahinang reklamo na inihain ng mga residente ng lalawigan ng Quezon na sina Leonito Batugon, Antonio Almoneda, Marie Benusa, at …

Read More »

‘Leftist Duterte’ pakulo lang Palasyo todo-iwas

Duterte CPP-NPA-NDF

ni ROSE NOVENARIO HINDI direktang sinagot ng Palasyo ang isyu na pakulo lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pahayag dati na siya’y leftist. Imbes tumugon sa tanong ng media kung gimik lang ni Duterte ang pagiging maka-kaliwa bago at matapos ang 2016 presidential elections, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na napundi ang Pangulo sa mahabang panahon na isinusulong ng …

Read More »

Pasistang diktador pangarap ni Digong (Peace talks kaya ibinasura )

PINATAY ang peace talks dahil traidor at gustong maging pasistang diktador ni Duterte. Ito ang ipinahayag ni Jose Maria Sison kaugnay ng pahayag ni Pagulong Rodrigo Duterte sa peace talks. Ani Joma, pinatay ni Duterte ang peace negotiations dahil siya’y traidor na sumusunod sa dikta ni US President Donald Trump at ambisyong maging pasistang diktador. “He has killed the peace …

Read More »

Pagtatwa ni Duterte sa narco-list, karuwagan – HRW  

ITINATWA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang narco-list kahit paulit-ulit niyang binabasa ito sa harap ng publiko mula noong 2016 matapos mapaslang ang isang alklade na kasama sa listahan. Para sa Human Rights Watch, isang malaking karuwagan ang pagdistansiya ni Duterte sa ipinangalandakang narco-list. Sa kanyang public address kamakalawa, humingi ng paumanhin si Duterte sa pamilya ni Los Baños Mayor Cesar …

Read More »

Duterte kulelat sa libreng mass testing (Sa pandemyang CoVid-19)

MAKARAAN ang siyam na buwan na paulit-ulit na panawagan ng iba’t ibang grupo para sa free CoVid-19 mass testing, inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hahanap siya ng paraan upang maisakatuparan ito. Depensa ni Presidential Spokesman Harry Roque, hindi totoo na masyado nang huli ang diskarte ng Pangulo para sa free mass testing. “Hindi po totoo iyan. Sa mula’t mula …

Read More »