Thursday , June 4 2026

Danny Lim, pumanaw sa COVID-19

BINAWIAN ng buhay kahapon si Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Danilo Lim, walong araw matapos niyang ihayag na positibo siya sa CoVid-19.

Nagpaabot ng pakiki­ramay ang Palasyo sa naulilang pamilya ni Lim, 65-anyos, at kanyang mga kasamahan sa MMDA.

“MMDA Chair Lim served the Duterte Administration with professionalism, competence and integrity. He would be dearly missed,” sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa isang kalatas.

Itinalaga ni Pangu­long Rodrigo Duterte si Lim bilang  MMDA chairman noong Mayo 2017.

Natalo sa pagka-senador si Lim noong 2010 elections sa ilalim ng Liberal Party (LP) at naging Customs deputy customs commissioner sa administrasyong Aquino.

Si Lim, bilang isa sa mga lider ng Young Officers Union (YOU)  ang isa sa mga nanguna sa pinakamadugong kudeta noong 1989 na muntik magpabagsak sa administrasyong Cory Aquino.

Naging katuwang rin si Lim ng Magdalo Group na nagtangkang magpa­tal­sik sa gobyernong Arroyo noong 2006.

Pinalaya  si Lim, kasama si Sen. Antonio Trillanes IV at iba pang miyembro ng Magdalo Group sa kasong rebellion nang  pagkalooban ng amnesty ni AQuino noong 2010.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …