Sunday , December 22 2024

Rose Novenario

Palasyo kay Pacquiao: Forever our People’s Champ

Manny Pacman Pacquiao vs Yordenis Ugas 2

HINDI makababawas sa mga karangalang inihatid sa Filipinas ang pagkatalo ni Pambansang Kamao, Sen. Manny Pacquiao kay Cuban boxer Yordenis Ugas para sa WBA welterweight title. “The boxing icon’s loss in Las Vegas would not diminish the honors he bestowed to our country and the joy he gave to our people,” ani Presidential Spokesman Harry Roque kahapon. Habangbuhay ani­yang nakatatak …

Read More »

IBC-13 execs deadma sa COA
ILLEGAL WAGE HIKE ITINULOY

ni ROSE NOVENARIO TUMATANGGAP ng mahigit P51,000 ‘ilegal’ na umento sa sahod kada buwan ang president at chief executive officer ng state-run IBC-13 mula pa noong 2019 sa kabila ng 13 taon nang hindi nakatitikim ng wage hike ang rank and file employees. Nabatid sa 2020 COA report, bukod sa President at CEO, nakapaloob sa basic pay ang illegal wage hike …

Read More »

Yorme positibo sa CoVid-19

Isko Moreno

NAGPOSITIBO sa CoVid19 si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso. Kinompirma ito ng Manila Public Information Office kahapon. Agad dinala si Moreno sa Sta. Ana Hospital matapos lumabas ang resulta ng kanyang RT-PCR test. “Nakararamdam ako ng kaunting ubo, kaunting sipon. Masakit ang aking katawan ngayon,” ani Moreno sa isang kalatas. Tiniyak ng alkalde na hindi mauudlot ang operasyon at …

Read More »

P170-M gadgets binili ng DICT sa construction firm

ni ROSE NOVENARIO SA ISANG construction firm binili ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang gadgets na nagkakahalaga ng P170 milyon, ayon sa 2020 COA annual audit report.               Nakasaad sa ulat ng COA, binili ng DICT ang 1,000 laptops, 26,500 tablets, ar 1,001 pocket wifi dongles mula sa isang kompanya na, ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR), …

Read More »

11 PCOO employees patay sa Covid-19

ni ROSE NOVENARIO UMABOT na sa labing-isang kawani ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) at attached agencies nito ang nasawi dahil sa CoVid-19. Nabatid ito sa update na ibinahagi ni PCOO Assistant Secretary JV Arcena sa media kahpon. Batay sa datos ng PCOO, naitala na 535 opisyal at kawani ng PCOO ang dinapuan ng Covid-19, kasama rito si Secretary Martin …

Read More »

31 probinsiya no CoVid-19 testing center

Covid-19 Swab test

MAHIGIT isang taon nang nararanasan sa bansa ang pandemya ngunit natuklasan na 31 probinsiya ang wala pa rin accredited CoVId-19 testing center. Pahayag ito ng Coalition for People’s Right to Health (CPRH) kaugnay sa isinusulong na kampanyang #DapatLapat o libreng testing at pagpapagamot sa CoVid-19 upang malaman nang tuluyan ang totoong bilang ng kaso at matigil ang tila walang katapusang …

Read More »

Digong naghanap ng damay
PATAYAN SA DRUG WAR, ISINUMBAT SA BAYAN

ISINUMBAT ni Pangulong Rodrigo Duterte na bayan ang nakinabang sa mga patayang naganap sa limang-taong mahigit na pagsusulong ng drug war ng kanyang administrasyon at hindi siya o ang kanyang pamilya. May 40 minuto ang ginugol ng Pangulo para murahin ang mga kritiko ng kanyang drug war bukod sa naglitanya ng “accomplishments” ang ilang miyembro ng kanyang gabinete imbes tugon …

Read More »

Duterte patay kung patay ‘di pahuhuli nang buhay sa ICC

ni Rose Novenario INILANTAD ni Pangulong Rodrigo Duterte ang labis na takot sa posibilidad na litisin siya sa International Criminal Court (ICC) sa kasong crimes against humanity of murder kaugnay ng libo-libo kataong napatay sa isinusulong niyang drug war.  “Alam mo kung gusto talaga ninyo akong… It’s over my dead body. Makuha ninyo ako, dalhin ninyo ako roon sa Netherlands… …

Read More »

Himok ng US Democrats solons kay Biden:
PH Duterte kondenahin vs HR violations

Joe Biden Duterte

IPINAGKIBIT-BALIKAT ng Palasyo ang panawagan ng 11 US Democrat senators kay US President Joe Biden na kondenahin sa pinakamataas na antas ang patuloy na “pattern of human rights abuses” sa ilalim ng administrasyong Duterte. “Bahala na sila,” sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa usapin. Ipinauubaya ni Roque kay Biden ang pagsagot sa  panawagan ng mga Amerikanong senador. “We leave …

Read More »

Family ‘lockdown’ hikayat ng Palasyo

ni ROSE NOVENARIO HINIMOK ng Palasyo ang pagdedeklara ng family lockdown ng pinuno ng pamilya o head of the family upang maiwasan ang mabilis na pagkalat ng kinatatakutang Delta variant ng CoVid-19. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mas makabubuting magbigay ng direktiba ang head of the family sa kanyang kapamilya na huwag lumabas ng bahay kung hindi napakahalaga ng …

Read More »

30,000 covid-19 cases kada araw — DOH

NAGBABALA si Health Undersecretary at treatment czar Leopoldo Vega na maaaring umabot sa 30,000 kada araw ang kaso ng CoVid-19 sa bansa kapag hindi nagpatupad ng mas mahigpit na patakaran ang pamahalaan gaya ng prevent-detect-isolate-treat-reintegrate approach. “Nakatatakot kapag walang ginawa, aabot ang projection na ‘yan,” ayon kay Vega sa panayam kahapon sa DZBB. Ang muling pagsirit ng CoVid-19 cases ay maaari …

Read More »

Pondo kontra komunista mas pinaboran kaysa ayuda

ni ROSE NOVENARIO DESMAYADO si Sen. Franklin Drilon sa pagbibigay prayoridad ng administrasyong Duterte sa programa kontra komunista habang nag­kukumahog sa pag­hahanap ng pondo para sa ayuda sa mga apektado ng pandemya. Binigyan diin ni Drilon, ang P16.3 bilyong inilaan para sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ay ibinigay sana sa kinakailangang ayuda ng 4.2 milyong …

Read More »

Milyon-milyones na premyo ni Hidilyn Diaz ‘di tax-free

Hidilyn Diaz 2020 Tokyo Olympics

KAILANGAN ng isang batas upang maging tax-free ang lahat ng premyong ipinagkaloob kay Olympic gold medalist Hidilyn Diaz, ayon sa Malacañang. “Well, alam ninyo po, walang Filipino na gustong buwisan ang mga pabuya na matatanggap ni Hidilyn. Pero alam ko rin po bilang abogado para magkaroon ng tax exemption, kinakailangan po ng batas,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque sa …

Read More »

Kung China ginapi ni Hidilyn BEIJING ‘SINAMBA’ NI DUTERTE SA P1.4-B BRIDGE PROJECT

ni ROSE NOVENARIO HABANG patuloy na ipinagbubunyi ng sambayanang Filipino ang tagumpay ni Pinay weightlifter Olympic gold medallist Hidilyn Diaz na gumapi sa China, buong pagmamalaki namang ‘sinamba’ ni Pangulong Rodrigo Duterte at todo-puri sa Beijing dahil sa pagpopondo sa P1.4 bilyong Estrella-Pantaleon Bridge Project. “Secretary Villar just whispered, congratulated me for all these projects, had no time to explain …

Read More »

ECQ sa 3 siyudad, 1 lalawigan sa regions 6, 10

philippines Corona Virus Covid-19

INAPROBAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na manatili sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Iloilo City at Iloilo Province sa Region 6 at Cagayan de Oro City at Gingoog City sa Region 10 sa mula 1 Agosto hanggang 7 Agosto 2021. Nasa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Ilocos Norte sa Region 1; …

Read More »

Pari positibo sa Covid-19, inatake sa puso (Bakunado ng Sinovac)

Fr. Manuel Jadraque, Jr.

ISANG pari ng Simbahang Katolika na nagpositibo sa CoVid-19 ang nasawi nang atakehin sa puso kahit bakunado ng dalawang dose ng Sinovac. Nabatid ito sa paskil sa Facebook ni Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) president at Diocese of Caloocan bishop Pablo Virgilio David kamakalawa. Iniutos aniya ng CoVid-19 Command Center ng Caloocan City ang temporary lockdown sa San …

Read More »

Goodbye Duterte (SONA zero crime tiniyak ng NCRPO)

ni ROSE NOVENARIO MAAARING magkaroon ng ‘After Dark’ experience ang may 400 dadalo sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil mga paboritong kanta niya ang maririnig na background music sa kabuuan ng okasyon sa Batasang Pambansa Complex, Constitution Hills, Quezon City mamayang hapon.  Ang ‘After Dark’ ay paboritong watering hole ni Pangulong Duterte sa …

Read More »

Duterte obligadong humarap sa ICC – SC

Duterte ICC

HINDI ligtas sa pananagutan si Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) kapag natuloy ang pagsisiyasat sa madugong drug war na isinulong ng kanyang administrasyon. Nakasaad ito sa 101-pahinang desisyon ng Supreme Court kaugnay sa petisyon sa pag-alis ng Filipinas sa ICC. Inatasan ng Korte Suprema ang administrasyong Duterte na makipagtulungan sa imbestigasyon ng ICC, taliwas sa paninindigan ng …

Read More »

‘Kasosyo’ sa POGO ‘isalang’ sa NBI (Duterte, Go ‘kinaladkad’)

ni ROSE NOVENARIO PINAIIMBESTIGAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isang ‘avid supporter’ dahil sa paggamit sa pangalan niya at ni Sen. Christopher “Bong” Go para manggantso ng ilang negosyante. Nabatid na isinumbong ni Atty. Larry Gadon kay Pangulong Duterte ang isang alyas Louie Ceniza, sinabing masugid na tagasuporta ng Punong Ehekutibo, na ginantso ang …

Read More »

Duterte wakasan na – Bayan (Panawagan sa huling SONA)

SALOT sa bayan, numero unong sinungaling, protektor ng mga corrupy, at hayok sa kapangyarihan. Ganito inilarawan ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) si Pangulong Rodrigo Duterte kaya hindi dapat manatili sa puwesto at palawigin ang kanyang rehimen. “Bakit nga ba isinusuka na natin si Duterte? Bakit ayaw na natin siyang manatili pa sa puwesto, ngayon at lagpas ng 2022? “Simple lang …

Read More »

Sara Duterte vs Manny Pacquiao (Best fight sa 2022)

ni ROSE NOVENARIO NAKAHANDA ang Pambansang Kamao Sen. Emmanuel “Manny” Pacquiao na makaharap si Davao City Mayor Sara Duterte sa 2022 presidential elections, itinuturing niyang “best fight” sa susunod na taon. Idineklara ito ni Monico Puentevella, dating alkalde ng Bacolod City at pangulo ng Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP), tagapagsalita ng Pambansang Kamao habang nasa Amerika para sa kanyang laban …

Read More »

Sa VP immunity from suit: Konstitusyon nais hamunin ng ‘future VP bet’

Duterte Roque

ISANG oportunidad para hamunin ang 1987 Constitution ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ligtas sa asunto ang bise presidente ng Filipinas kaya nais niyang lumahok sa 2022 vice presidential race. “Let’s just say perhaps this is an opportunity to provoke jurisprudence,” sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque kahapon. Ito ay makaraang kuyugin ng mga kapwa abogado si Pangulong Duterte …

Read More »

Sako-sakong pera ‘alay’ ni Duterte sa PDP-Laban bets (Democracy can be very expensive – Roque)

ni ROSE NOVENARIO   SA GITNA ng pagpasok ng kinatatakutang CoVid-19 Delta variant sa bansa, tiniyak kahapon ng Palasyo na mangangalap ng pondo si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pribadong indibidwal upang tustusan ang kandidatura ng mga kapartido sa PDP-Laban.   Ikinatuwiran ni Presidential Spokesman Harry Roque, hindi ipinagbabawal sa Omnibus Election Code ang mangalap ng pondo mula sa mga …

Read More »

Duterte ‘no funds’ sa ayuda (May sako-sakong pera sa kampanya)

DESMAYADO si Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) secretary-genaral Renato Reyes, Jr., sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na magdadala ng sako-sakong pera para ipamudmod sa kampanya ng mga kandidato ng PDP-Laban.   “Sako-sakong pera para sa kampanya pero walang pera para sa ayuda, sa pandemic response, sa health workers, sa mga estudyante ar guro, sa mga jeepeny drivers. Kundi ba kagaguhan …

Read More »

Duterte supalpal sa ninanasang VP ‘immunity’ (Takot mahoyo)

ni ROSE NOVENARIO   HINDI ligtas sa asunto ang bise presidente ng Filipinas.   Inilinaw ito ng ilang legal experts, matapos aminin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa national assembly ng PDP-Laban sa sa Clark, Pampanga noong Sabado na sasabak siya sa 2022 vice presidential race para makaligtas sa mga asuntong isasampa laban sa kanya pagbaba sa poder sa susunod na …

Read More »