Saturday , May 18 2024

Reggee Bonoan

Paolo, insecure sa kakintaban ng damit ni Jed

BILANG unang gay artist ng IdeaFirst Company nina direk Jun Robles Lana at Perci M. Intalan si Paolo Ballesteros sa pelikulang Die Beautiful, may cameo role sa Born Beautiful at isa sa bida ng The Panti Sisters, wala siyang nakuhang award. Si Martin del Rosario ang nagwagi bilang Best Actor sa PPP 2019 Gabi ng Parangal at masaya si Paolo dahil isa sa sisters niya ang inaasahan niyang manalo at nagkatotoo naman. Ani Paolo, “kahit …

Read More »

Dagdag na sinehan, hiling ni Angie Ferro; Lola Igna, big winner sa 2019 PPP Gabi ng Parangal

KUNG kailan edad 82 na si Angie Ferro ay at saka lang niya naranasang maging leading lady sa pelikula, ang Lola Igna. Bagama’t hirap nang tumayo at maglakad si Ms Angie ay walang pagsisisi dahil nakatamtan niya ang Best Actress trophy sa katatapos na Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 Gabi ng Parangal na ginanap sa 1 Esplanade, Pasay City nitong …

Read More »

Ion, ayaw nang maiugnay kay Vice Ganda

Vice Ganda Ion Perez

HINDI sigurado si Ion Perez kung dadalo siya sa gaganaping 2019 ABS-CBN Ball kahit may imbitasyon dahil naiilang siyang makihalubilo sa maraming tao. Ito ang inamin ni Ion nang makatsikahan namin siya sa 1st shooting day ng Mang Kepweng 2. Aniya, “Pinag-iisipan ko pa po. Naiisip ko, parang ‘yung sarili ko, medyo (alangan) humarap sa malalaking tao. Nandoon pa rin po kasi ‘yung ugaling pagka-probinsiyano ko.” …

Read More »

JM, kapamilya na ng Atayde; gaya-gaya pa kay Ria

KUNG si Arci Muñoz ay mag-aaral ng Korean language sa University of the Philippines ay ito rin ang plano ni JM de Guzman para kumuha naman ng Spanish language. Hindi pinag-usapan nina Arci at JM ang pagbabalik-eskuwelahan, naisip lang ng aktor. “’Pag naayos ko na schedule ko, gusto kong mag-enrol ng Spanish,” sabi ni JM pagkatapos ng show niya sa …

Read More »

Neil Arce, tikom ang bibig sa petsa ng kasal nila ni Angel

MASKI anong pilit kay Neil Arce, isa sa producer ng I’m Ellenya L tungkol sa petsa ng kasal nila ni Angel Locsin ay nakatikom ang bibig nito. ”I’m not going to divulge any information kasi baka mapagalitan ako pag-uwi (ko),” ito ang nakangiting sagot ng fiancé ni The General’s Daughter. Hanggang sa masolo na si Neil pagkatapos ng presscon ng pelikula nina Inigo Pascual at Maris Racal ay nagsabi pa ring, ”tungkol lang po …

Read More »

Fumiyam, mangiyak-ngiyak sa pagkakasama sa Mang Kepweng; Pamilya ni Yamyam, dadalhin sa Maynila; Fumiya, aminadong ‘di magaling sa challenge

WALANG mapagsidlan ng tuwa sina Fumiya Sankai at Yamyam Gucong dahil kasama sila sa pelikulang Mang Kepweng, Lihim ng Bandanang Itim dahil unang pelikula nila ito. “Yes sobrang excited po because the information was very quick when they said that we are in this movie,” saad ng PBB Otso big winner na si Yamyam. Dagdag ni Fumiya, “sobrang excited po when I heard the story …

Read More »

Dennis, may pasabog kina Julia at Gerald

PASABOG kaagad ang tanong kay Dennis Padilla sa pagsisimula ng #SSSMediacon na ginanap kahapon ng tanghali sa Music Hall, Metrowalk Pasig City tungkol sa anak niyang si Julia Barretto na umano’y dahilan ng hiwalayang Gerald Anderson at Bea Alonso.  Ano ang payo ng aktor sa anak? Idinaan muna sa biro ng dalawang kasama ni Dennis sa pelikulang Sanggano, Sanggago’t Sangwapo na sina Janno Gibbs at Andrew E na ang tinukoy nila ay sina Jerald …

Read More »

Andrew E at Dennis, nagka-pelikula sa Viva dahil kay Janno

Going back to sa pelikulang Sanggano, Sanggago’t Sangwapo, inamin nga nina Andrew E at Dennis na dahil kay Janno kaya sila may pelikula ngayon dahil sila ang nai-suggest ng huli na gumawa sila ng pelikula noong pumirma siya ng kontrata sa Viva Artist Agency bilang contract star. Nagkataon na ang suhestiyon ni boss Vic del Rosario sa pelikulang gagawin nila ay kung ano ‘yung usong …

Read More »

Kris, aligaga sa ipapalit kay Derek; na-excite naman kay Gabby

ISA si Kris Aquino sa producer ng pelikula niyang (K)Ampon na entry sa 2019 Metro Manila Film Festival, sumosyo siya sa Spring Films na co-producer ng Quantum Films kaya siguro aligaga rin siya nang hindi na pumuwede si Derek Ramsay bilang leading man niya dahil may TV series ito sa GMA 7. At sa sobrang excitement ni Kris ay ipinost na niya na si Gabby Concepcion na ang kapalit ni Derek bagay …

Read More »

Matteo, nakagugulat ang offbeat role sa Mina-Anud

BAGAY naman pala kay Matteo Guidicelli na gumanap ng offbeat role dahil ang karakter niyang Paul sa pelikulang Mina –Anud kasama sina Jerald Napoles, Mara Lopez, at Dennis Trillo ay kabaligtaran ng lahat ng pelikulang nagawa na niya. Nasanay tayong lahat na good boy ang aktor kaya inakala nating hindi na siya tatanggap ng role na malayo sa imahe niya. Si Paul sa Mina-Anud ay mayaman at self-centered guy …

Read More »

Pagsipot ni James, naka-nega sa Indak 

AYAW ipabanggit ng taong kausap namin ang pangalan niya na hindi nakaganda ang pagsipot ng boyfriend ni Nadine Lustre na si James Reid sa premiere night ng pelikulang Indak produced ng Viva Films na idinirehe ni Paul Alexie Basinillio. Ang detalyadong sabi sa amin, “sina Nadine at Sam (Concepcion) ang magkatambal sa movie, love interest nila ang isa’t isa. Nawala ang promo ng team-up noong dumating si James kasi siyempre …

Read More »

Belle Douleur, napaka-sensual at matitindi ang love scenes

AMINADONG inangkin at inari ni Atty. Joji V. Alonso ang kuwento ng Belle Douleur kaya wala siyang naisip na ibang direktor na magdidirehe nito kundi siya lang. Aniya, “I didn’t consider another director for this film because this was the story na gusto kong idirehe bilang first full feature film ko, so sa akin talaga ito. Magiging suwapang na ako in that context. I helped …

Read More »

Shaina, tiniyak: Hindi sila magkakatrabaho ni John Lloyd

SA ginanap na solo digicon ni Shaina Magdayao kahapon, Agosto 5, sa ABS-CBN 9501 ay diretsahang sinabi niyang hindi niya nakikitang magkakatrabaho sila ng ex-boyfriend niyang si John Lloyd Cruz. Napapabalitang hiwalay na sina John Lloyd at ina ng anak niyang si Ellen Adarna nito pang Hunyo pero wala pang official statement mula sa dalawa. Ayon kay Shaina na bagong …

Read More »

Belle Douleur, pinalakpakan sa Cinemalaya’s Gala Night; Atty. Joji, pwedeng best director

SPEAKING of Atty. Joji Alonso ay nakabibinging palakpakan ang narinig namin pagka­tapos mapa­nood ang  Belle Douleur  sa Gala Night nito sa pagbu­bukas ng Cinemalaya 2019 nitong Sabado. Puring-puri si Atty. Joji bilang direktor ng pelikula nina Mylene Dizon at Kit Thompson kasi naman ang ganda ng pelikula, ang ganda ng shots, usaping teknikal maayos, walang butas pati sa story-telling, may closure at hindi bitin. Hindi ka mapapaisip paglabas …

Read More »

Yam, pinalitan si Erich sa Love Thy Woman

KOMPIRMADONG si Yam Concepcion na ang kapalit ni Erich Gonzales sa teleseryeng Love Thy Woman na pinangungunahan nina Xian Lim at Kim Chiu mula sa Dreamscape Entertainment na idinidirehe ni Jeffrey Jeturian. Base sa tsikang nakuha namin, hindi nagustuhan ni Erich ang unti-unting pagbabago ng karakter niya habang nagte-taping sila bagay na malayo sa unang sabi sa kanya.  Lumalabas na kontrabida siya kina Xian at Kim. Para sa amin ay hindi naman kontrabida si …

Read More »

Tony sa sensitive scenes with Vice Ganda — Pag-uusapan muna namin ‘yun

ANG ganda ng ngiti ni Tony Labrusca nang makatsikahan namin siya sa set visit ng seryeng Sino ang May Sala:  Mea Culpa na isang linggo na lang dahil pagkatapos nito ay may ibang projects naman siyang gagawin. Aniya, “well, I’ll always tell people asking me that ‘why do you have so many projects?’  What I say is that, it’s just your time, you know. When I started …

Read More »

Ria to Rei — The best thing in her is her heart

SA wakas napabilang na rin si Ria Atayde sa Beautederm family bilang isa sa ambassadors dahil matagal na siyang inaawitan ng CEO at may-aring si Rhea Anicoche-Tan at ngayong 2019 lang nagkasarahan. Mas nauna pang magkaroon ng franchise ang dalaga na Skin & Beyond by Beautederm na matatagpuan sa Lifescale Building J.C. Aquino Avenue, Butuan City kapartner ang nanay niyang …

Read More »

Sikreto ng piercing nina Ria at Kath, inilahad

SAMANTALA, pagkatapos ng presscon ay tinanong namin ang tungkol sa piercing niya sa kanang tenga na pareho ni Kathryn Bernardo. Naunang ibalita ng bida ng Hello, Love Goodbye na super good friends sila ni Ria kasama si Juan Miguel Severo. “Noong nagmo-movie po kami napag-usapan lang na (magpalagay ng piercing), nag-start po ang friendship namin sa ‘The Hows of Us’ …

Read More »

Ria, posibleng ma-in-love kay JM; Actor, mas close kay Sylvia

HININGAN naman namin ng update tungkol sa kanila ni JM de Guzman. “Still friends, still same. Busy kasi kami pareho with work and I’ve been going on trips din. Walang level up naman po, still friends, still working and focusing on ourselves,” say ng dalaga. Wala pang ligawang nangyayari? “I can’t call it courtship, eh totoo!” sabay tingin sa amin …

Read More »

Bea, trending dahil sa Enough

HABANG isinusulat namin ang balitang ito ay umabot na sa 416k ang nag-like at 21.1k ang komentong nabasa namin sa ipinost ni Bea Alonzo na blangkong itim sa kanyang Instagram account nitong Linggo ng gabi “You can’t make the same mistake twice, the second time you make it, it’s not a mistake anymore, it’s a choice. ENOUGH.” Halatang ang boyfriend …

Read More »

Marjorie, ipinagtanggol si Julia — This is not a date

Samantala, nagsalita naman na ang nanay ni Julia na si Marjorie Barretto dahil halatang ginawan ng isyu ng nag-post ng litrato dahil naka-zoom ito para ang anak at si Gerald lang ang magkasama. Tanong ni Marjorie, “@cabrera.kath Please explain too that this was taken at the party of Rayver. That you zoomed in this photo. “If you care to zoom …

Read More »

Yeng, binatikos ng local residents ng Siargao,; Rep. Matugas, tutugunan ang kakulangan ng medical staff

HINIHINGAN namin ng reaksiyon ang manager ni Yeng Constantino na si Erickson Raymundo ng Cornerstone Talent Management dahil ilang local residents’ ng Siargao ang bumatikos sa mang-aawit dahil ipinost nito ang kakulangan ng medical staff sa Dapa Siargao Hospital na kinailangan pang mag-request ng tao mula sa General Luna Siargao Hospital para i-operate ang X-ray machine. Hindi nagustuhan ng local residents ang pagbanggit ni Yeng …

Read More »