Thursday , July 7 2022

Marjorie, ipinagtanggol si Julia — This is not a date

Samantala, nagsalita naman na ang nanay ni Julia na si Marjorie Barretto dahil halatang ginawan ng isyu ng nag-post ng litrato dahil naka-zoom ito para ang anak at si Gerald lang ang magkasama.

Tanong ni Marjorie, “@cabrera.kath Please explain too that this was taken at the party of Rayver. That you zoomed in this photo.

“If you care to zoom out, you Will See that they were a big group that includes my nephew.”

“I dont See anything wrong with this photo. They don’t seem to be hiding something.

“There are people around, and if I’m not mistaken, Julia was waving at something.

“This is not a date. They know each other, they have worked together, they are friends.”

Sinagot naman ni @cabrera.­kathbealove ang mama ni Julia, “Sorry po. Pero hndi po yan sa loob ng revel. Wala ndin po sila ksma dyan. Lalong hndi ko po zinoom yan.”

Base naman sa aming sources ay hindi sabay dumating sina Gerald at Julia dahil mas nauna ang aktres kasama ang kapatid nito at pinsan.

“Close kasi si Rayver sa mga Barreto noon pa kaya nandoon sila. Si Gerald humabol lang kasi nanggaling pa ng basketball (game). Pero ang nakatataka, sabay silang umalis at iisang kotse ang sinakyan. Kaya roon na nagsimula ang isyu nilang dalawa,” kuwento ng aming source na nasa party.

Matatandaang natsismis na rati sina Gerald at Julia pagkatapos nilang gawin ang pelikulang Between Maybes sa Japan.

Pero pinabulaanan naman ito ng aktres at ng dating karelasyon niyang si Joshua Garcia noong makapanayam sila ni MJ Felipe ng TV Patrol nang iklaro nilang bestfriend na lang sila.

Naging laughing stock na ngayon si Gerald dahil ang daming nag-post na mahilig pala ang aktor sa mga artistang may shampoo ad tulad nina Kim Chiu, Sarah Geronimo, Maja Salvador, Pia Wurtzbach, Bea Alonzo at Julia.

Eh, ganoon din naman ang mga pangalang nabanggit, iisa ang type nilang lalaki si Gerald Anderson, ‘di ba?

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Pokwang Ella Cruz

Pokwang binuweltahan ng fans ni Ella  

I-FLEXni Jun Nardo KINAMPIHAN pero nabatikos din si Pokwang sa komento niya sa statement ni Ella Cruz na “history …

Blind Item, male star, 2 male, gay

Beki handang suportahan si male star ‘pag mawalan ng trabaho

ni Ed de Leon NAGSABI naman daw ang isang bading na ka-on din yata ng isang male star na …

Ambeth Ocampo Ella Cruz

Pinoy historian umentra sa pasabog ni Ella

HATAWANni Ed de Leon ANG lakas ng tawa namin nang makita sa isang social media …

Tirso Cruz III Johnny Revilla Bongbong Marcos BBM

Tirso Cruz III bagong FDCP chair, Johnny Revilla sa MTRCB

UMAGA pa lang kahapon, July 5 umugong na ang balitang pinalitan na si Liza Dino Seguerra bilang Film …

Euriz Sagum John Rey Malto

Euriz Sagum, handa na sa mundo ng showbiz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SI Euriz Sagum ay 18 taong gulang at kasalukuyang gumagawa …

Leave a Reply