Monday , July 4 2022

Ria, posibleng ma-in-love kay JM; Actor, mas close kay Sylvia

HININGAN naman namin ng update tungkol sa kanila ni JM de Guzman. “Still friends, still same. Busy kasi kami pareho with work and I’ve been going on trips din. Walang level up naman po, still friends, still working and focusing on ourselves,” say ng dalaga.

Wala pang ligawang nangyayari?

“I can’t call it courtship, eh totoo!” sabay tingin sa amin ni Ria.

Mas close pa si JM sa mommy Sylvia niya? “Ay totoo (po), they’re very close, sobrang close po nila na parang (silang mag-ina) okay go! Mag-ina po sila sa soap na ‘Pamilya Ko’ this September (airing).”

Nabanggit na pinupuri rin ni JM si Ria, “I have nothing but good words for him, he has such a great heart.”

Posible bang ma-in-love ang isang Ria Atayde kay JM de Guzman?

“Why not? I don’t know how to answer that question,” napangiting sagot ng dalaga sa nagtanong.

Mga tipo ba ni JM ang gusto ni Ria?

“I realized recently na wala akong specific type if you looked at my track record, I don’t date many people and I just had one ex (boyfriend) and non-showbiz. I don’t really have a type. It’s more of if we click, if there’s a connection,” katwiran ng dalaga.

Dagdag pa, “but he’s a great guy, he’s very talented, he’s very passionate, God fearing, family oriented. We’re really good friends.”

Klinaro rin ni Ria na hindi sila close ni Barbie Imperial na nakasama ni JM sa seryeng Araw Gabi pero magkakilala naman sila.

“I’ve never work with her, we’re acquaintances, we’ve been always hi (and) hello with each other,” kaswal na sabi ng aktres.

Ipinagdiinan muli ni Ria na walang overlapping na nangyari kanila ni Barbie NAng maging close sila ni JM. “We’re really just friends. It would seem like that na bigyam mo ng malisya ‘yung friend mo. Honest to goodness, we’re really friends palang.”

Anyway, sa Setyembre na mapapanood ang 12 episodes ng digital series na Manilennials na produced ng Spring Films sa iWant.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

About Reggee Bonoan

Check Also

Blind Item, Mystery Man in Bed

Ilang male stars inilalako ng Malate pimp sa mga bading

ni Ed de Leon KABILANG ang ilang male stars at maraming personalities na rin na winners umano …

Alden Richards

Pandesal pictorial ni Alden makalaglag-panty 

I-FLEXni Jun Nardo LAGLAG-PANTY na, tulo-laway pa ang mga girl, matrona at bekis nang i-flex …

Ayanna Misola

Ayanna Misola, sapol ng Covid-19

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio TINAMAAN pala ng Covid-19 ang sexy star ng Vivamax na …

Donny Pangilinan Belle Mariano DonBelle

DonBelle excited sa kanilang US tour concert show 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ISA ang loveteam na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa excited na mag-show …

Alfred Vargas Family

Rep Alfred Vargas sulit ang pag-iwan sa showbiz

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio EMOSYONAL ang pagbibigay-pugay ni Quezon City Rep Alfred Vargas sa kanyang mga …

Leave a Reply