Wednesday , November 20 2024

Raul Suscano

12 sabungero nalambat sa Pampanga at Nueva Ecija (Sa kampanya kontra iIlegal gambling)

ARESTADO sa inilunsad na “Operation Hammer” ang 12 sabungero sa magkahiwalay na raid sa mga lalawigan ng Pampanga at Nueva Ecija sa pinaigting na kampanya kontra ilegal na sugal ng PRO3-PNP sa pamumuno ni P/BGen. Valeriano “Val” de Leon kamakalawa, 1 Disyembre. Sa Pampanga, nasakote ang pitong sabungero at nakompiska ang ilang kahong naglalaman ng mga Texas na panabong maging …

Read More »

Karsel ng PNP ininspeksiyon (Para sa maayos na kalagayan ng detainees)

BINISITA at ininspeksiyon ni P/Lt. Col. Arturo Fullero, Human Rights and Affairs Office chief ng Pampanga Police, ang mga custodial facility ng PNP sa mga city at municipal police station upang tiyaking  maayos ang kalagayan ng detainees o persons deprived of liberty (PDL) sa ilalim ng kanilang pangangalaga. Pinaaalalahanan ni Fullero ang pulisya na maging responsable sa kanilang mga gawain …

Read More »

CL top cop nagbaba ng ultimatum vs illegal gambling (Nagbabal sa “No Take Policy”)

SA IKA-SIYAM na pagkakataon, inulit ni PRO3 PNP Director P/BGen. Valeriano “Val” de Leon ang kanyang babala sa nasasakupan na huwag suwayin ang “No Take Policy” kontra ilegal na sugal sa rehiyon at tiyak gagamitin niya ang kamaong bakal kung kinakailangan para patawan ng parusa ang mga lumabag. “Under my watch, I will not tolerate any of my personnel involving …

Read More »

P1.3-B OFW Hospital inilunsad sa Pampanga (Kauna-unahan sa bansa)

NILAGDAAN ang Deed of Usufruct sa pagitan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at pamahalaang panlalawigan ng Pampanga sa pamumuno nina Governor Dennis “Delta” Pineda at Vice Governor Lilia “Nanay” Pineda sa isinagawang kick-off ceremony sa inilunsad na kauna-unahang OFW hospital sa bansa na itatayo sa dalawang ektaryang lupain sa Provincial Engineer’s Office (PEO) Compound, Sindalan, sa lungsod ng …

Read More »

Pulis na pasaway sinermonan, binalaan ng CL Top Cop

 NAKATANGGAP ng sermon at babala mula kay PRO3 Director P/BGen. Valeriano “Val” De Leon ang mga pasaway na miyembro ng pulisya sa Central Luzon na maituturing na ‘anay’ sa kanilang hanay at tiniyak na may kalalagyan sa patuloy na pagpapatupad ng PNP Internal Cleansing sa rehiyon. Aabot sa 3,356 kasong administratibo ang naisampa laban sa 5,118 pulis sa rehiyon, na …

Read More »

NATF CoVid-19 CODE sumaklolo sa Bataan (Sa paglobo ng impeksiyon)

BUMISITA ang National Task Force for CoVid-19 Coordinated Operations to Defeat the Epidemic (NATF CoVid-19 CODE) upang saklolohan at gabayan ang pamahalaang panlalawigan ng Bataan hinggil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng hawaan ng coronavirus disease nitong Martes, 13 Oktubre. Kasunod nito, nagtalaga ng 600 contact tracers ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa pangunguna ni Undersecretary …

Read More »

400 pulis balik-probinsiya sa “localized program”

UMABOT sa 400 pulis ang masayang pinauwi sa kani-kanilang mga probinsiya matapos silang basbasan ng regional chaplain sa isinagawang send-off ceremony, nitong Miyerkoles, 14 Oktubre, sa Camp Olivas, sa lungsod ng San Fernando, lalawigan ng Pampanga. Ayon kay PRO3 Regional Director P/BGen. Valerio de Leon, mare-reassign ang mga pulis na sumailalim sa “Localization Assignment” program ni Chief PNP P/Gen. Camilo …

Read More »

Seafarers’ quarantine facility sa Bataan binuksan na

PINASINAYAAN ang bagong quarantine facility sa Fort Capinpin, sa bayan ng Orion, Bataan na handa nang tumanggap ng mga kadaraong na seafarers habang naghihintay ng resulta ng kanilang swab test, noong Biyernes, 9 Oktubre. Naitayo ang quarantine facility sa pakikipagtulungan ng Philippine Ports Authority (PPA), Department of Transportation (DOTr), pamahalaang lokal ng Orion, at Gopez Group of Companies, na nagbigay …

Read More »

Libreng wi-fi sa mag-aaral at Angeleños sagot ni mayor

PATULOY ang installation ng libreng Wi-Fi sa Barangay Cutud, sa lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga, upang magkaroon ng libreng internet access ang mga kabataang mag-aaral sa pagbubukas ng klase sa 5 Oktubre, sa pakikipagtulungan ng kompanyang Phil-Chi service provider at ni Angeles City Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin, Jr. Magkakaroon ang buong lungsod ng 772 internet access points para sa …

Read More »

Suspek sa nakawan at patayan sa Korean store tiklo sa drugs ops

arrest posas

NADAKIP ang isang tulak ng shabu na itinuturong suspek sa pagpaslang ng isang kahera sa isang Korean store sa isinagawang anti-narcotics operation ng Lubao PNP-DEU, noong Lunes, 11:50 am, 28 Setyembre, sa bayan ng Lubao, lalawigan ng Pampanga. Kinilala ni PRO3 Director P/BGen. Rhodel Sermonia ang suspek na si Joemel Vargas, 27 anyos, binata, kabilang sa drugs watchlist, mula sa …

Read More »

9 barangay rarasyonan ng pagkain (Mariveles 14-day lockdown)

NAKAHANDA na ang sapat na rasyon ng mga pagkain para sa siyam na apektadong mga barangay ng Mariveles, sa lalawigan ng Bataan, na sumasailalim sa 14-day localized lockdown, mula nitong 12 Setyembre at magtatapos sa 25 Setyembre. Umabot sa 4,654 relief packs at 188 kahon ng sardinas ang nairepak upang ipamahagi sa mga barangay ng Maligaya, San Carlos, at Malaya. …

Read More »

Bakuna kontra polio inilarga sa Pampanga

UMABOT sa 28,849 batang Fernandino ang napatakan ng bakuna kontra Polio sa unang bugso ng “Sabayang Patak Kontra Polio” sa tulong ng health workers na walang pagod na umikot sa mga kabahayan nitong buwan ng Agosto 2020. Ayon kay Dr. Irish Rose Muñoz, tagapamahala ng Expanded Program on Immunization, target ngayon ang 36,069 kabataang Fernandinong may edad 0 hanggang 59 …

Read More »

Kauna-unahang trading post sa Pampanga, bubuksan na

UPANG mapaunlad ang industriya ng agrikultura sa panahon ng pandemya, bubuksan ng pamahalaang panlalawigan ng Pampanga ang kauna-unahang “trading post” na itatayo sa dating San Fernando Transport Terminal na may lawak na dalawang ektaryang lupain kaantabay ang puwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagbigay ng buong suporta. Ayon kay Board Member Jun Canlas, prayoridad ang proyekto ni …

Read More »

Pambobomba itinanggi ‘NPA-front organization’ sasampahan ng asunto (Army bumuwelta)

HINAMON ng 7th Infantry Division (7ID) ng Philippine Army ang ‘CPP/NPA-front organization’ na patunayan nila ang ibinibintang na pambobombang naganap sa komunidad ng mga (IP) Indigenous People sa Sitio Lumibao, sa bayan ng San Marcelino, lalawigan ng Zambales, noong 21 Agosto.   Batay sa isinagawang imbestigasyon ni Major Amado Guttierez, commander ng 7th ID PA public affairs office, hinggil sa …

Read More »

3 molecular lab test facility RITM, DOH dumalo sa hearing (Sa magkakaibang resulta ng test)

DUMALO ang pamunuan ng Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital-Molecular and Diagnostic Pathology Laboratory, Philippine Red Cross, at Green City Medical Center sa itinakdang pagdinig ng Committee on Health and Sanitation ng Sangguniang Panlalawigan ng Pampanga sa pangunguna ni Governor Dennis “Delta” Pineda na ginanap sa Bren Z. Guiao Sports Complex noong Miyerkoles, 2 Setyembre. Kaugnay ito sa mga hindi …

Read More »

Pribadong CoVid-19 test labs imbestigahan (DOH at RITM pinagpapaliwanag)

PAIIMBESTIGAHAN ng Sangguniang Panlalawigan ng Pampanga ang mga pribadong testing laboratory na nagsasagawa ng swab test para sa CoVid-19, habang ipatatawag ang Department of Health (DOH) at Research Institute For Tropical Medicine (RITM) upang hingan ng paliwanag hinggil dito. Ito ang tinuran ni Governor Dennis “Delta” Pineda sa kaniyang pahayag hinggil sa mga kaso ng CoVid-19 swab test na isinagawa …

Read More »

Guagua Public Market isinailalim sa hard lockdown

ISINAILALIM sa hard lockdown ang Guagua Public Market sa lalawigan ng Pampanga, matapos magpositibo sa CoVid-19 ang dalawang vendor at isang empleyado rito. Ayon sa panayam kay Guagua Mayor Dante Torres, nadagdagan ang panibagong bilang sa pito at isang tindero na ang namatay sanhi ng CoVid-19 kung kaya napag­pasyahan na i-extend pa hanggang ngayon, 24 Agosto, ang lockdown mula sa …

Read More »

P17-M ecstacy nasabat sa Pampanga 5 suspek timbog sa entrapment

TINATAYANG nasa P17-milyong halaga ng mga tabletang ecstacy na itinuturing na imported drugs ang nasamsam ng mga awtoridad sa ikinasang controlled delivery entrapment operation ng pinagsanib na puwersa ng PDEA Region 4-A at Region 3, BoC Clark, DEU3, at Lubao PNP sa pamumuno ni P/Lt. Col. Michael John Riego, noong Sabado ng gabi, 8 Agosto. Arestado ang mga suspek na …

Read More »

18 pulis, sibilyan tinamaan ng COVID-19 (Camp Olivas naka-lockdown)

KASALUKUYANG isinailalim sa lockdown ang Camp Olivas sa lalawigan ng Pampanga matapos makompirmang positibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang 18 pulis na pawang nakatalaga sa PRO3 (Police Regional Office) sa loob ng kampo, at isang sibilyan sa isinagawang swab test nitong Huwebes, 30 Hulyo. Ayon kay PRO3 Director P/BGen. Rhodel Sermonia, karamihan sa kanila ay asymptomatic at kasalukuyang naka-quarantine upang …

Read More »

Lalaki sinunog ng asawa patay (Suspek timbog sa follow-up ops)

ARESTADO ang isang misis sa hot pursuit operation makaraang pagplanohang patayin sa pamamagitan ng pagsunog sa asawa noong Linggo ng madaling araw, 26 Hulyo, sa bayan ng Sta. Rita, lalawigan ng Pampanga. Kinilala ni P/Capt. James Renemer Pornia, hepe ng Sta. Rita police, ang suspek na si Gisel Batas, 24 anyos, negosyante, residente sa Zone 3, Barangay San Isidro, sa …

Read More »

175 police trainees nanumpa sa Camp Olivas

MATAPOS mapagtagumpayang maipasa ang lahat ng mga pagsubok at pagsusulit, nanumpa kahapon ng umaga, 1 Hulyo, ang 175 mapalad na bagitong pulis mula sa kabuuang 1,500 aplikante na tumugon sa unang cycle ng regular recruitment program para sa taong 2020  ng Philippine National Police – Polcie Regional Office 3 (PNP PRO3). Pinangunahan ni P/BGen. Rhodel Sermonia ang programang ginanap sa …

Read More »

P12-M shabu nakuha sa 4 tulak (Pagluwag ng quarantine sinamantala)

SINAMANTALA ng mga notoryus na tulak ang bahagyang pagluluwag ng panahon nang sumailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) kaya umarangkada sa pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot ang apat na suspek. Ngunit natimbog at nakuhaan ng tinatayang P12 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang mga suspek sa ikinasang buy bust operation kamakalawa ng hapon, 26 Mayo ng pinagsamang puwersa ng …

Read More »

Ilegal na ospital sa Clark sinalakay, 2 Chinese national arestado

arrest prison

ARESTADO ang dalawang Chinese national nang salakayin ng mga ahente ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), CDC Clark, at PNP-PRO3 operatives ang isang tindahang nagbebenta ng Chinese medicines at nag-o-operate rin ng Chinese hospital sa loob ng Clark Economic Zone, sa bayan ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga, noong Lunes, 18 Mayo.   Kinilala ang mga suspek na sina Hu …

Read More »