ni Micka Bautista BILANG bahagi ng mas pinaigting na pagpapatupad ng gun ban ng Commission on Elections (Comelec) para sa nalalapit na halalan, matagumpay na nakompiska ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang kabuuang bilang na 360 baril at pampasabog; at naaresto ang 356 indibiduwal mula 12 Enero hanggang 4 Mayo 2025. Kabilang sa mga naaresto ang apat na miyembro …
Read More »Para sa mapayapang eleksiyon
Pusakal na karnaper arestado, nakaw na motorsaklo narekober
MATAGUMPAY na naaresto ng pulisya ang isang lalaki na sinasabing sangkot sa malawakang pagnanakaw ng mga motorsiklo sa bahagi ng City of San Jose del Monte, Bulacan. Sa ulat na ipinadala kay PColonel Franklin P. Estoro, Officer-In-Charge ng Bulacan PPO, bandang 5:00 ng umaga kamakalawa, iniulat ng 24-anyos biktima na ang kanyang motorsiklo, isang Yamaha Mio 125, may plakang 719UIL, …
Read More »
Panawagan sa pamahalaang nasyonal at NIA
RUBBER GATES NG BUSTOS DAM PALITAN NG ESTANDARISADONG MATERYALES – BULACAN PROVINCIAL GOVERNMENT
PRAYORIDAD ang kaligtasan ng mga Bulakenyo kaya nang masira ang isa sa mga gate ng Bustos Dam, nanawagan ang pamahalaang panlalawigan ng Bulacan sa pamahalaang nasyonal at National Irrigation Administration (NIA) na aksiyonan at palitan ang mga rubber gate nito. Ang gate 3 ng nasabing dam, na pinangangasiwaan din ng NIA, ay nasira dahil sa matinding init nitong 1 Mayo. …
Read More »Malasakit at puso ng Pamilya Ko Partylist ibinahagi
BAGAMA’T bumuhos ang malakas na ulan sa isang subdivision sa Woodbridge sa Pandi, Bulacan hindi napigil ang pakikipagniig ng Pamilya ko Partylist sa kanilang huling kampanya sa lalawigan ng Bulacan. Nasa higit 1000 residente ang dumalo at nakiisa sa programa ng grupo na nag-aalok ng serbisyong may malasakit sa pamilyang Filipino sa pamamagitan ng Pamilya Ko Partylist. Ayon kay 1st …
Read More »
Sa Bulacan
3 adik na tulak arestado, drug den binuwag
NAARESTO ang tatlong tulak sa isang drug den kabilang ang operator na nagresulta sa pagkakakompiska ng mahigit P102,000 halaga ng shabu matapos ang matagumpay na anti-drug operation sa Barangay Minuyan Proper, City of San Jose del Monte, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kinilala ng hepe ng PDEA Bulacan ang naarestong operator na si alyas Tonio, 28, at ang kanyang mga galamay …
Read More »
Sa Bulacan at Angeles City
DALAWANG MWP NAARESTO SA MAGKAHIWALAY PNP OPS
BILANG bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa mga pinaghahanap ng batas, dalawang most wanted persons (MWPs) ang matagumpay na naaresto ng pinagsanib na puwersa ng pulisya sa magkahiwalay na operasyon sa Bulacan at Angeles City kamakalawa. Bandang 11:33 ng umaga, sa kahabaan ng Bonifacio Street, Brgy. Población, Sta. Maria, Bulacan, inaresto ng mga operatiba mula sa San Jose Del …
Read More »PNP Gitnang Luzon full alert na para sa 12 May elections
ALINSUNOD sa kautusan ng Philippine National Police (PNP) Headquarters, isinailalim na sa full alert status ang Police Regional Office 3 (PRO3) mula 12:01 AM ng 3 Mayo hanggang 11:59 PM ng 15 Mayo 2025. Ito ay bahagi ng mas pinaigting na paghahanda para sa seguridad, siyam na araw bago ang nakatakdang national at local elections sa 12 Mayo. Ayon kay …
Read More »Suspensiyon vs Solid North Transit iniutos ng DOTr sa LTFRB
ni MICKA BAUTISTA INIUTOS ng Department of Transportation (DOTr) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na suspendehin ang operasyon ng Solid North Transit Incorporated matapos masangkot ang isa sa mga bus nito sa karambola ng maraming sasakyan sa bahagi ng Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) nitong Huwebes, 1 Mayo 2025. Kinompirmang 10 katao, kabilang ang apat na bata, ang namatay, …
Read More »Drug den sa NE nilansag, 5 tulak timbog
ARESTADO ang limang indibiduwal sa loob ng isang makeshift drug den habang nasamsam ang tinatayang P88,400 halaga ng hinihinalang shabu kasunod ng ikinasang buybust operation ng mga awtoridad sa Barangay Talipapa, Cabanatuan, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Martes, 29 Abril. Kinilala ng PDEA Nueva Ecija Provincial Officer ang mga suspek na sina alyas San, 49 anyos; alyas Dict, 28 anyos; …
Read More »Pasong grocery goods iniimbak para ibenta Bodega sa Tarlac sinalakay
SINALAKAY ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) -Tarlac District Office ang isang bodegang nag-iimbak ng mga pasóng grocery items at pinapalitan ang expiration date upang magmukhang bago at maibenta sa mga sari-sari store sa Capas, lalawigan ng Tarlac. Ayon kay NBI head agent Johnny Logrono, isang impormante ang nagsumbong sa kanila tungkol sa ilegal na gawain sa …
Read More »Absentee voting ng AFP matagumpay na naisagawa sa Fort Ramon Magsaysay
MATAGUMPAY na naisagawa ang Absentee Voting para sa mga sundalo ng iba’t ibang Philippine Army Major Units at SOCOM – AFP sa Fort Ramon Magsaysay, sa Palayan, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Martes, 29 Abril, bilang bahagi ng karapatan at kalayaan ng mga sundalo na mamili at bumoto ng kanilang napiling mga kandidato sa national level, at ito rin ay …
Read More »3 notoryus na pugante naihoyo
TULUYANG nasakote ang tatlong notoryus na puganteng may pinagtataguang kaso sa hukuman sa inilatag na manhunt operations ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan nitong Linggo, 27 Abril. Kinilala ang isa sa mga pugante ng mga operatiba ng Malolos CPS na isang alyas Ivie, natutop sa Brgy. Guinhawa, sa lungsod ng Malolos, dakong 4:00 ng hapon kamakalawa. Dinakip ang suspek sa …
Read More »P2.1-M droga nasamsam, 3 HVI tiklo sa Bataan
SA PATULOY na kampanya laban sa ilegal na droga ng PRO3, nakompiska ang tinatayang P2,152,200 halaga ng hinihinalang shabu sa magkahiwalay na buybust operations sa Abucay at Balanga, sa lalawigan ng Bataan nitong 26-27 Abril. Sa unang operasyon noong 26 Abril, dakong 11:45 ng umaga, nadakip ng mga operatiba ng SDEU ng Abucay MPS sa Brgy. Capitangan ang mga suspek …
Read More »
Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog
NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. 2 Most Wanted Person (MWP) sa tala ng Marilao, Bulacan, dahil sa kasong panggagahasa. Sa ulat na isinumite kay P/Col. Franklin Estoro, officer-in-charge ng Bulacan PPO, matagumpay na naaresto ng mga operatiba ng Marilao MPS ang suspek dakong 12:30 ng hapon, nitong Martes, 22 Abril. …
Read More »P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano
NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay ng impormasyon upang matukoy at maaresto ang salarin ng isang turistang Korean national. Ayon sa lokal na pamahalaan, binawian ng buhay ang Korean national na kinilala sa pangalang “Kim” matapos barilin sa Korean Town area sa lungsod ng Angeles, Pampanga, nitong Linggo, 20 Abril. Sa …
Read More »
Kaugnay sa isyu ng ‘preso caballeros’
Provincial jail warden ng Bulacan pinagbibitiw
NAIS ni Bulacan Governor Daniel Fernando na magbitiw na sa kanilang puwesto ang provincial jail warden ng Bulacan at ilang jail guards o harapin na masuspinde sila dahil sa maanomalyang aktibidad sa nasabing piitan. Ayon sa gobernador, inatasan niya ang Provincial Legal Office at ang Provincial Administrator na magsagawa ng imbestigasyon at magpatupad ng preventive suspension sa mga jail personnel …
Read More »Mister patay sa pamamaril ng estranghero
NAMATAY habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa bayan ng Pandi, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes ng gabi, 21 Abril. Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Rey Apolonio, hepe ng Pandi MPS, isinumbong ang insidente ng pamamaril sa kanilang tanggapan dakong 8:30 ng gabi kamakalawa sa P4 B11 L23 Pandi Residence …
Read More »
Naipit sa trapiko
Driver tiklo sa panunutok ng baril
DINAKIP ng pulisya ang isang lalaking driver matapos ireklamo ng panunutok ng baril laban sa isang driver nang magkagitgitan sa trapiko sa bayan ng Guiguinto, lalawigan ng Bulacan. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Franklin Estoro, officer-in-charge ng Bulacan PPO, lumabas sa imbestigasyon na minamaneho ng biktima ang isang garbage truck sa kahabaan ng C. Mercado St., sa nabanggit na …
Read More »Binaril sa milktea shop 2 kabataan todas
PATAY ang dalawang estudyanteng kagagraduate lang nang pagbabarilin sa loob ng isang milktea shop sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 21 Abril. Ayon sa ulat mula sa San Jose del Monte CPS, naganap ang insidente ng pamamaril sa dining area ng Big Brew Milktea Shop sa Brgy. Paradise 3, sa naturang lungsod. Nabatid na …
Read More »Mailap na illegal recruiter nadakma sa labas ng simbahan
NASAKOTE ang isang babaeng matagal nang wanted sa pagiging illegal recruiter sa labas ng isang simbahan sa bayan ng Balagtas, sa lalawigan ng Bulacan. Ayon kay P/Maj. Mark Vincent Centinaje, hepe ng Balagtas MPS, nagre-recruit ang suspek na kinilalang si alyas Neldy ng mga babae para gawing restaurant server sa Malaysia pero sa prostitusyon ang bagsak. Napag-alamang nahihimok ng suspek …
Read More »
Inabangan, inundayan ng saksak
Lalaki patay sa Norzagaray, Bulacan
BAGO nakatakas, nagawang arestohin ng mga awtoridad ang isang lalaki na pumatay sa kaniyang kaalitan sa bayan ng Norzagaray, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 20 Abril. Ayon sa ulat na ipinadala kay P/Col. Franklin Estoro, officer-in-charge ng Bulacan PPO, nadakip ng mga nagrespondeng tauhan ng Norzagaray MPS ang suspek sa pamamaslang na kinilalang si alyas Gary dakong 7:00 ng gabi …
Read More »3 Bulacan MWPs inihoyo
NASAKOTE ang tatlong indibiduwal na nakatalang pawang mga most wanted persons (MWPs), kabilang ang number 2 MWP sa provincial level ng Bulacan; at number 1 MWP sa city level sa Baliwag, sa magkahiwalay na manhunt operations na ikinasa ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 19 Abril. Sa ulat na isinumite kay P/Col. Franklin Estoro, officer-in-charge ng Bulacan PPO, …
Read More »
Sa Plaridel, Bulacan
P45-M ilegal na diaper nasabat
NASAMSAM ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kontra ilegal na kalakal, ang hindi rehistradong mga disposable diaper sa inilatag na operasyon sa bayan ng Plaridel, lalawigan Bulacan. Sa sabayang pagsalakay ng CIDG Regional Field Unit 3 – Special Operating Team, CIDG Bulacan Provincial Field Unit, at lokal na pulisya, ikinasa ang operasyon sa limang warehouse ng …
Read More »Sa serye ng anti-crime drive sa Bulacan, 7 tulak timbo sa buybust
Sa serye ng pinaigting na anti-criminality operations ng kapulisan sa Bulacan, naaresto ang pitong hinihinalang mga tulak ng ilegal na droga niton Linggo, 13 Abril. Sa ulat na isinumite kay P/Col. Franklin Estoro, officer-in-charge ng Bulacan PPO, nagkasa ng anti-illegal drug operation ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Paombong MPS sa Brgy. Sto. Niño, Paombong. Humantong ang operasyon sa …
Read More »Droga, baril, bala nasamsam, 7 law violators tiklo sa Bulacan
Sa serye ng pinaigting na anti-criminality operations na isinagawa ng pulisya sa Bulacan, nadakip ang limang drug suspect at dalawa pang may palabag sa batas nitong Sabado, 12 Abril. Sa ulat na isinumite kay P/Col. Franklin Estoro, officer-in-charge ng Bulacan PPO, nagkasa ng anti-illegal drug operation ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Bocaue MPS sa Brgy. Wakas, sa bayan …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com