ARESTADO ang walo kataong pawang lumabag sa batas sa serye ng police operations sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Martes, 2 Pebrero. Ayon kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, nadakip ang unang apat na suspek sa manhunt operations na inilatag ng tracker teams ng San Jose Del Monte, Malolos, at Santa Maria police stations katuwang ang Bulacan …
Read More »Misis trabahong-kalabaw sa Makati; Mister ‘doble-kayod’ sa ‘makating’ kulasisi
NAPUTOL ang maliligayang sandali ng isag mister at ng kalaguyo nang ireklamo at ipahuli sa mga awtoridad ng misis na nagtatrabaho sa Makati City, nitong Linggo, 31 Enero, sa bayan ng San Miguel, lalawigan ng Bulacan. Magkasamang himas-rehas ngayon sa kulungan ng San Miguel Municipal Police Sation (MPS) ang magkalaguyong kinilalang sina Jeffrey Lacanilao ng Brgy. Camias; at Evalyn Hipolito, …
Read More »Notoryus na carnapper sa CL nasakote sa Laguna 5 wanted persons, arestado
NASAKOTE ang itinuturing na most wanted sa Region 3 gayon din ang lima pang wanted persons sa serye ng pinatinding search and warrant operations na inilatag ng Bulacan PNP hanggang nitong Sabado, 30 Enero. Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan Police Provincial Office, ang Region 3 Most Wanted na si Edmund Iglesia (Regional MWP 1st Qtr 2021), …
Read More »3 tong-its players, na-hit ng pulis, deretso hoyo
NADAKIP ang tatlong sugarol sa ikinasang anti-illegal gambling operations ng mga tauhan ng Malolos City Police Station (CPS) sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 30 Enero. Sa ulat na ipinadala ng Malolos CPS kay Bulacan police director P/Col. Lawrence Cajipe, kinialala ang mga nadakip na suspek na sina Jayson Teodoro ng Purok 1, Brgy. Dakila; Rhesie Dauba …
Read More »15 sabungero tiklo sa tupada
ARESTADO ang 15 lalaki na naaktohan ng pulisya na nagpupustahan sa tupada sa bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 30 Enero. Magkatuwang ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) PFU Bulacan at mga elemento ng Sta. Maria Municipal Police Station (MPS) sa inilatag na anti-illegal gambling operations na nagresulta sa pagakakdakip sa 15 suspek na kinilalang sina …
Read More »Kawatang online seller timbog sa entrapment operation ng pulisya
ISANG lalaking hinihinalang nagnanakaw sa kompanya ng fiber optic cable at copper wires na kanyang pinagtatrabahuan saka inilalako sa online selling, ang nadakip sa bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Bulacan, nitong Biyernes, 29 Enero. Sa ulat mula sa Sta. Maria Municipal Police Station (MPS), kinilala ang suspek na si John Erick Ochoa, residente ng Brgy. Guyong, sa naturang bayan. …
Read More »Holdaper sa Sampol market sugatan sa enkuwentro (Umaatake tuwing madaling araw)
SUGATAN ang isang holdaper matapos manlaban at makipagbarilan laban sa mga awtoridad sa Brgy. Bagong Buhay I, sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, nitong Martes ng madaling araw, 19 Enero. Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, Provincial Director ng Bulacan PNP, ang sugatang suspek na si Philip Espellogo, residente sa Brgy. Sta. Cruz 1, sa nabanggit na …
Read More »Rapists ng kolehiyala tiklo
SA MAIGTING na Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO), inaresto ng mga awtoridad ang tatlong lalaking kabilang sa most wanted persons na isinasangkot sa gang rape ng isang 19-anyos kolehiyala, nitong Martes, 19 Enero. Ayon kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan Police Provincial Office, kinilala ang mga nadakip na suspek na sina John Cedric Ocampo, top 18 regional …
Read More »2 manyakis na amain, timbog sa Bulacan
ARESTADO ang dalawang lalaki ng mga awtoridad nitong Linggo, 10 Enero, matapos ireklamo ng panggagahasa ng kanilang mga anak-anakan sa lalawigan ng Bulacan. Sa ulat mula sa Pandi Municipal Police Station (MPS), unang nadakip ang suspek na kinilalang si Anton Nazar Paelma sa panggagahasa sa 12-anyos anak ng kanyang live-in partner sa Brgy. Pinagkuartelan, sa bayan ng Pandi, sa naturang …
Read More »13 sugarol timbog sa Bulacan
HINDI nakapalag ang 13 katao matapos dakpin ng pulisya nang maaktohanng nagsusugal sa ikinasang anti-illegal gambling operations ng mga awtoridad sa lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 9 Enero. Ayon kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, naaresto ang 13 suspek sa pinagting na kampanya ng pulisya laban sa ilegal na sugal sa mga bayan ng Pandi, Doña Remedios …
Read More »10 tulak, 4 wanted swak sa kalaboso
ARESTADO ang 10 hinihinalang tulak ang apat na pinaghahanap ng batas sa ikinasang buy bust at manhunt operations ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan hanggang kahapon, 10 Enero. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, nagresulta sa pagkakadakip sa magkakahiwalay na buy bust operations na ikinasa ng Station Drug Enforcement Units ng Meycauayan CPS, …
Read More »2 miyembro ng sindikatong nagpapakalat ng pekeng sigarilyo sa Bulacan, timbog
HULI sa ikinasang entrapment operation ng pulisya nitong Miyerkoles, 6 Enero, ang dalawang miyembro ng sindikatong nagpapakalat ng mga pekeng sigarilyo sa lalawigan ng Bulacan. Sa ulat mula kay P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan provincial director, kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Bernard Allen Contrillas, residente sa Brgy. Mojon; at Joshua Alcoriza, residente sa Brgy. Sumapang Matanda, sa lungsod …
Read More »Caretaker ng palaisdaan todas sa boga
PATAY ang caretaker ng isang palaisdaan nang pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang salarin sa bayan ng Hagonoy, lalawigan ng Bulacan, nitong Martes, 5 Enero. Sa imbestigasyon ng mga tauhan ng Hagonoy Municipal Police Station (MPS), kumakain ang biktimang si kinilalang si Alexander de Guia sa isang kubo kasama ang kinakasama nang biglang dumating ang dalawang armadong lalaki na may takip …
Read More »10 drug personalities, 6 sugarol, 2 wanted persons nasakote (Sa anti-crime drive ops ng Bulacan PNP
SUNOD-SUNOD na nasakote ng mga awtoridad ang 18 katao, pawang nahuling lumabag sa mga ipinaiiral batas sa serye ng anti-crime drive operations sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ng Bulacan hanggang kahapon, 6 Enero. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, nadakip ang 10 sa mga suspek dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga …
Read More »10-anyos nene, 2 taong sex slave ng ama
KALABOSO ang isang lalaki nang arestohin ng pulisya nitong Lunes, 4 Enero, kaugnay ng panggagahasa sa anak na babae sa loob ng dalawang taon sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan. Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, ang nadakip na suspek na kinilalang si Charlie Rosales, 46 anyos, at residente sa Brgy. Graceville, …
Read More »Writ of kalikasan vs Bulacan airport ibinasura ng SC
HINDI pinayagan ng Supreme Court (SC) en banc ang petitition for writ of kalikasan na inihain ng mga mangingisda at civil society groups laban sa konstruksiyon ng international airport sa Bulacan. Base sa impormasyopn mula sa Korte Suprema, ibinasura ang petisyon laban sa San Miguel Aerocity, Inc., dahil sa kakulangan ng merito dahil nabigong mag-comply sa required form at substance. …
Read More »Duterte iniliban total firecracker ban (Isip nagbago)
ILANG araw makalipas ang Bagong Taon, nagbago ang isip ni Pangulong Rodrigo Duterte at sinabing hindi na itutuloy ang nauna niyang planong magpatupad ng total firecracker ban sa bansa. Aniya sa isang public briefing, isinaalang-alang niya ang mawawalang kabuhayan ng mga taga-Bulacan, partikular sa bayan ng Bocaue na kinaroroonan ng industriya ng paputok. Pinapayagang muli ang pagbebenta ng paputok, ngunit …
Read More »31 law breakers nalambat sa Bulacan (Sa unang araw ng 2021)
ARESTADO ng mga awtoridad ang 31 kataong lumabag sa batas sa isinagawang anti-crime operations sa lalawigan ng Bulacan nitong 1 Enero. Ayon kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, kabilang sa nadakip ang 12 drug personalities sa magkakahiwalay na buy bust operations na ikinasa ng Station Drug Enforcement Units ng Balagtas, Pandi, at Meycauayan municipal/city police stations. Nakuha …
Read More »Tulak nanlaban, patay kasabwat nadakma sa buy-bust
NAGWAKAS ang buhay ng isang lalaking sinabing notoryus na tulak matapos pumalag at manlaban sa pulisya sa isang buy bust operation sa San Jose Del Monte City, Bulacan bago ang magpalit ng taon. Ayon sa pulisya, dakong 8:30 pm ay aarestohin si Elpidio Dykee ngunit nakipagbarilan sa mga pulis sa Skyline Village, Brgy. Sto. Cristo hanggang mapaslang. Bago nakatakas ay …
Read More »Bulacan dams muling umapaw (Sa ulang dulot ng 2 LPA)
SINISI sa dalawang low pressure areas (LPA) na nagpapaulan sa malaking bahagi ng bansa ang patuloy na pagtaas ng lebel ng tubig sa dalawang dam sa lalawigan ng Bulacan. Ayon sa PAGASA Hydrometeorology Division Flood Forecasting and Warning Section, binuksan ang isang gate ng Angat Dam ng 0.5 metro (60cms) upang magpakawala ng tubig dakong 2:00 pm nitong Linggo, 27 …
Read More »19 law breakers nalambat ng Bulacan police (Anti-Crime Operations sa Araw ng Pasko)
ARESTADO ang 19 kataong lumabag sa batas sa kampanya ng pulisya ng Bulacan laban sa krimen hanggang noong mismong araw ng Pasko, 25 Disyembre. Batay sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, direktor ng Bulacan PPO, unang nasakote ang walo katao sa magkasanib na operasyon laban sa ilegal na sugal ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit (PIU), Balagtas …
Read More »Lider ng bagong robbery hold-up group sa Bulacan patay sa enkuwentro
NAPASLANG ang pinuno ng sumisibol na bagong robbery hold-up group sa lalawigan ng Bulacan nang makipagbarilan sa mga awtoridad noong Biyernes ng madaling araw, 18 Disyembre. Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, ang napatay na suspek na si Dante Tecson, Jr., alyas Jun, residente sa Barangay Calumpang, sa bayan ng San Miguel, sa naturang lalawigan. Batay …
Read More »NLEX cash lanes target ibalik ngayong araw (Sa pagpapahinto ng Bulacan LGUs sa RFID)
TARGET nang ibalik ng North Luzon Expressway Corp. (NLEX) ang mga cash lane ngayong Lunes, 14 Disyembre. Ayon kay Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC), Chief Communications Officer Romulo Quimbo, bubuksan na nila ngayong araw ang cash lanes sa mga toll gate. Dagdag ni Quimbo, tugon ang hakbang na ito sa kabi-kabilang reklamo dahil sa mga aberyang nararanasan ng mga motorista …
Read More »4 tulak, 2 wanted persons, 6 law violators, timbog ng Bulacan police
NADAKIP ng mga awtoridad ang apat na drug peddler, dalawang wanted persons at anim na law violators sa ikinasang anti-crime operations ng pulis-Bulacan hanggang Linggo ng madaling araw, 13 Disyembre. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, direktor ng Bulacan Police Provincial Office, nagresulta sa pagkakaaresto ng apat na drug suspects sa iba’t ibang buy bust operations na isinagawa …
Read More »Ex-PBA cager Bulacan mayor positibo sa CoVid-19
INIANUNSIYO ng isang dating star player ng PBA at ngayon ay alkalde ng bayan ng Bulakan na siya ay positibo sa CoVid-19. Sa pahayag na nakapaskil sa kanyang Facebook page, napag-alamang asymptomatic carrier si Bulakan Mayor Vergel Meneses matapos ang RT-PCR test. Ayon sa alkalde, siya ay kusang-loob na nagpasuri ng RT-PCR noong nakaraang Miyerkoles, 9 Disyembre, at bilang pagsunod …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com