Friday , June 21 2024
prison rape

Rapists ng kolehiyala tiklo

SA MAIGTING na Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO), inaresto ng mga awtoridad ang tatlong lalaking kabilang sa most wanted persons na isinasangkot sa gang rape ng isang 19-anyos kolehi­yala, nitong Martes, 19 Enero.

Ayon kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan Police Provincial Office, kinilala ang mga nadakip na suspek na sina John Cedric Ocampo, top 18 regional most wanted person (1st Quarter 2021); Errol John Randolf Ocampo, Top 17 Regional Most Wanted Person (1st Quarter 2021), kapwa residente sa Brgy. San Roque, sa bayan ng Angat; at Robert Charles Villanueva, residente sa Brgy. Sta. Cruz, nakatala bilang top 8 most wanted person sa Bulacan sa Municipal Level (1st Quarter 2021).

Naaresto ang mga suspek sa magkaka­hiwa­lay na manhunt operations sa mga barangay ng San Roque at Sta. Cruz, sa bayan ng Angat, ng tracker team ng Angat Municipal Police Station (MPS) sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong panggagahasa na inisyu ni Hon. Ma. Cristina Laderas, Presiding Judge ng RTC Branch 85, lungsod ng Malolos City, noong 22 Mayo 2019 na walang inirekomendang piyansa.

Nabatid na sangkot ang tatlong akusado sa panggagahasa sa isang 19-anyos kolehiyala sa Sabang, bayan ng Angat, 18 Nobyembre 2018.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Samuel Pabonita Pasay Police

POGO sa Pasay, krimen walisin — Pasay cop

INAMIN ni Pasay City Chief of Police Col. Samuel Pabonita, malaking bagay para sa seguridad …

3,000 Caviteños Cayetano DSWD

3,000 Caviteños nagpasalamat sa suporta mula sa mag-utol na Cayetano at DSWD

PINAIGTING ng mga tanggapan nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano ang kanilang pagbisita sa …

062124 Hataw Frontpage

Indigenous gas dev’t bedrock ng PH sa kinabukasan ng enerhiya — Prime Energy exec

TAHASANG sinabi ng isang executive officer ng Prime Energy Resources Development (Prime Energy) na hindi …

062124 Hataw Frontpage

2 medyas na puno ng dolyares nawalis sa NAIA3

HATAW News Team TINATAYANG P1.1 milyon ang halaga ng mga dolyares na nadiskubre sa dalawang …

shabu drug arrest

2 tulak huli sa Malabon, Vale buybust

DERETSO sa hoyo ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos matimbog sa magkahiwalay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *