Saturday , May 18 2024
arrest posas

2 manyakis na amain, timbog sa Bulacan

ARESTADO ang dalawang lalaki ng mga awtoridad nitong Linggo, 10 Enero, mata­pos ireklamo ng pangga­gahasa ng kanilang mga anak-anakan sa lalawigan ng Bulacan.

Sa ulat mula sa Pandi Municipal Police Station (MPS), unang nadakip ang suspek na kinilalang si Anton Nazar Paelma sa panggagahasa sa 12-anyos anak ng kanyang live-in partner sa Brgy. Pinagkuartelan, sa bayan ng Pandi, sa naturang lalawigan.

Batay sa sumbong ng biktima, naalimpu­nga­tan siya sa pagtulog nang maramdamang may ginagawang kalas­waan sa kanya ang suspek.

Pinilit aniyang man­laban ngunit nanaig ang lakas ng kinikilalang ama-amahan hanggang tuluyan siyang maangkin ng suspek.

Isinumbong ng biktima at mga kaanak sa mga opisyal ng barangay na nagresulta sa pag-aresto sa suspek saka isiuko kay Paelma sa himpilan ng Pandi MPS.

Samantala, sa ulat mula sa Bustos Municipal Police Station (MPS) ay inaresto ang isang alyas Del Sumaway dahil sa pang­gagahasa sa kanyang 18-anyos anak-anakan sa Brgy. Talam­pas, sa bayan ng Bustos, sa nabanggit na lalawigan.

Ayon sa biktima, nakaupo siya sa kama nang biglang lumapit ang suspek at marahas siyang inutusan na isara ang pinto ng kuwarto at patayin ang ilaw.

Pagkatapos ay sapilitan siyang pinahiga ng suspek sa kama at inilugso ang kanyang puri.

Agad isinumbong ng biktima sa tanggapan ng Bustos MPS na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

DANIEL FERNANDO Bulacan

 Fernando determinadong tuparin ang pangako sa bawas trapiko at ligtas na komunidad

Determinado si Gobernador Daniel R. Fernando na tuparin ang kanyang pangako na bawasan ang trapiko …

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

NASAKOTE ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Provincial Office ang isang …

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

DEAD-ON-THE-SPOT ang isang ginang na sakay ng tricycle matapos holdapin at barilin ng mga lalaking …

dead gun police

Ikinumpisal bago nalagutan ng hininga
MAGKAIBIGAN ITINUMBA NG 4 KAALITAN

BINAWIAN ng buhay ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin ng apat na pinaniniwalaang kanilang mga kaalitan …

051724 Hataw Frontpage

Tutol sa adelantadong renewal ng prangkisa
SOLON NAGBABALA MERALCO MATUTULAD SA SMNI NI QUIBOLOY

MULING nadagdagan ang tumututol sa ‘adelantadong’ renewal ng prangkisa ng distribution utility na Manila Electric …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *