Friday , June 21 2024
Covid-19 positive

4,000 kaso ng CoVid-19 kada araw ikinabahala

IGINIIT  ni Senadora Imee Marcos na dapat agad tutukan ng gobyerno ang posible pang pagtaas ng mga kaso ng CoVid-19 na maaaring lumobo sa 4,000 kaso kada araw, na una nang binabala ng health experts.

“Ilang buwan pa ang hihintayin bago ang maramihang pagba­bakuna at ang EUAs (emergency use approvals) ay nakatengga pa rin. Ang unang dapat harapin ay maiwasang tumaas pa ang posibleng tamaan ng coronavirus dahil sa mga nakasa­nayang fiesta at kapos na kapasidad ng mga ospital dahil sa pagpapalit ng mga tauhan na kadalasan tuwing buwan ng Enero,” ani Marcos.

“Ang Aklan ay kasado na para sa kanilang Ati-Atihan, may Dinagyang sa Iloilo, at Sinulog sa Cebu sa mga darating na araw. Nariyan din ang Panag­benga sa Baguio sa unang bahagi ng Pebrero,” diin ni Marcos.

Dagdag ni Marcos, “ang paulit-ulit na backlog sa pagre-report ng mga resulta ng CoVid-19 test ay nagpapalabo lang sa larawan ng kasalukuyang infection rate sa bansa.”

Maging ang DOH ay aminadong mahina ang kapasidad ng mga ospital tuwing buwan ng Enero kung kalian nagpapalit ng mga tauhan, natatapos ang mga kontrata, at maaaring hindi ma-renew ang ilang job orders, dagdag ni Marcos.

“Ano ba talaga ang ating plano laban sa CoVid habang naghihintay ng bakuna?” tanong ni Marcos.

“Dapat magsimula na tayong mag-recruit ng mas maraming doktor, nurse, at medical volunteers para dagdagan ang kapasidad ng ating mga ospital, dahil hindi pa nabubuo ang hinihilng natin na medical reserve corps,” ani Marcos.

Isinusulong ni Marcos ang pagbubuo ng isang medical reserve corps noon pang Hunyo sa ilalim ng Senate Bill 1592, pero hindi gina­wang prayoridad ang nasabing panukala.

(NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Samuel Pabonita Pasay Police

POGO sa Pasay, krimen walisin — Pasay cop

INAMIN ni Pasay City Chief of Police Col. Samuel Pabonita, malaking bagay para sa seguridad …

3,000 Caviteños Cayetano DSWD

3,000 Caviteños nagpasalamat sa suporta mula sa mag-utol na Cayetano at DSWD

PINAIGTING ng mga tanggapan nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano ang kanilang pagbisita sa …

062124 Hataw Frontpage

Indigenous gas dev’t bedrock ng PH sa kinabukasan ng enerhiya — Prime Energy exec

TAHASANG sinabi ng isang executive officer ng Prime Energy Resources Development (Prime Energy) na hindi …

062124 Hataw Frontpage

2 medyas na puno ng dolyares nawalis sa NAIA3

HATAW News Team TINATAYANG P1.1 milyon ang halaga ng mga dolyares na nadiskubre sa dalawang …

shabu drug arrest

2 tulak huli sa Malabon, Vale buybust

DERETSO sa hoyo ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos matimbog sa magkahiwalay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *