Friday , June 14 2024
harassed hold hand rape

10-anyos nene, 2 taong sex slave ng ama

KALABOSO ang isang lalaki nang arestohin ng pulisya nitong Lunes, 4 Enero, kaugnay ng panggagahasa sa anak na babae sa loob ng dalawang taon sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan.

Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, ang nadakip na suspek na kinilalang si Charlie Rosales, 46 anyos, at residente sa Brgy. Graceville, sa nabanggit na lungsod.

Batay sa ulat, unang ipinagtapat ng 10-anyos biktima (itinago ang pangalan) sa kapatid na lalaki na ginagahasa siya ng kanilang ama kapag silang dalawa lamang ang tao sa kanilang bahay.

Ipinagtapat din ng biktima na sinimulan siyang gahasain ng ama noong siya ay walong taong gulang pa lamang at ang pinakahuli ay nitong Linggo, 3 Enero, dakong 5:00 pm, sa loob ng kanilang bahay.

Dagdag ng biktima, sa tuwing makakaraos ang ama sa panggagahasa sa kanya ay pinagbabantaan siya nitong papatayin na ikinatakot niya.

Isinumbong ng kapatid na lalaki ng biktima ang insidente sa mga tanod ng Brgy. Graceville na agad umaksiyon at nagresulta sa pagkaaresto ng suspek.

Isinuko ng barangay ang nadakip na suspek sa San Jose del Monte City Police Station (CPS) at inihahanda na ng mga awtoridad ang pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 8353 (Incestuous Rape) laban sa suspek.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Sam Verzosa Yul Servo

VM Yul at Rep Sam magsasalpukan sa pagka-Manila mayor 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAPARAMDAM na ang bofriend ni Rhian Ramos na si partylist representative Sam Versoza sa ilang barangay …

DOST assists Damugu sudsud weavers in Talakag, Bukidnon

DOST assists Damugu sudsud weavers in Talakag, Bukidnon

The Department of Science and Technology Regional Office X recently made strides in its mission …

SANKEI 555 Ball Joint

Produktong Japan ginaya
NBI NAGHAIN NG SUBPOENA SA EXPO BOTH NG SANKEI 555

SA IMPORMASYONG imitasyon at hindi orihinal ang produktong naka-display, inihain ng National Bureau of Investigation …

Federation of Free Farmer FFF

Rice Tariffication Law (RTF) naging pahirap 
MAGSASAKANG PINOY UNANG TATAMAAN NG MABABANG TARIPA

AMINADO si Leonardo “Ka Leony” Montemayor, Chairman ng Federation of Free Farmers (FFF) na malaki …

Migz Zubiri Pope Francis

Pope Francis binulungan si Migz: Protektahan ang pamilyang Filipino

“PINAKIUSAPAN ako ni Pope Francis to ‘protect the family,’ at isasapuso ko ang sinabi niyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *