Thursday , June 13 2024
Cigarette yosi sigarilyo

2 miyembro ng sindikatong nagpapakalat ng pekeng sigarilyo sa Bulacan, timbog

HULI sa ikinasang entrapment operation ng pulisya nitong Miyerkoles, 6 Enero, ang dalawang miyembro ng sindikatong nagpapakalat ng mga pekeng sigarilyo sa lalawigan ng Bulacan.

Sa ulat mula kay P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan provincial director, kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Bernard Allen Contrillas, residente sa Brgy. Mojon; at Joshua Alcoriza, resi­den­te sa Brgy. Sumapang Matanda, sa lungsod ng Malolos.

Nabatid na nagkasa ng entrapment at buy bust operation ang mga tauhan ng Bulacan Provincial Intelligence Unit (PIU) sa Brgy. San Vicente, sa naturang lungsod, dahil sa ulat na may nagpapakalat ng mga pekeng sigarilyo sa lugar.

Nagpanggap ang isa sa mga pulis na isang buyer at nang magkaabutan ng mga pekeng sigarilyo at pera ay agad inaresto ang dalawang suspek.

Nakompiska mula sa mga suspek ang 25 ream ng pekeng Marlboro red cigarette o kabuuang 250 pakete, P27,000,  buy bust money, at isang motor­siklong Yamaha Mio Sporty na ginagamit sa ilegal na gawain.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Migz Zubiri Pope Francis

Pope Francis binulungan si Migz: Protektahan ang pamilyang Filipino

“PINAKIUSAPAN ako ni Pope Francis to ‘protect the family,’ at isasapuso ko ang sinabi niyang …

Imelda Papin PCSO

Imelda Papin kompiyansang maraming matutulungan sa kanyang Isang Linggong Serbisyo

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAHAPON ang unang araw ng OPM icon at Jukebox Queen Imelda …

shabu drug arrest

Tulak timbog sa Navotas buybust ops

ARESTADO ang isang lalaki na sinabing sangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga matapos kumagat …

Pastor Quiboloy

Warrant of arrest isinilbi vs Quiboloy, 5 iba pa

NAGTUNGO ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at Special Action Force (SAF) …

Bagong Pilipinas Hymn

Hymn at pledge ng Bagong Pilipinas pang-Executive lang — SP Escudero

TAHASANG sinabi ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na hindi maaring ipilit sa senado, sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *