DERETSO sa selda makaraang madakip ang 17 kataong pawang mga lumabag ng batas sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan nitong Linggo, 21 Agosto. Ayon kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, unang dinampot ang apat na suspek na kinilalang sina Jerby Lumabas, alyas Miyo, Lovely Sarmiento, Marco Balatbat, at Ranny Sarmiento, pawang mga …
Read More »
Sa Subic, Zambales
DRUG DEN BINAKLAS, 3 TULAK TIMBOG
SINALAKAY at binaklas ng mga awtoridad ang isa pang drug den habang naaresto ang tatlong hinihinalang tulak sa ikinasang operasyon sa Subic, Zambales nitong Lunes ng madaling araw, 22 Agosto. Ayon sa ulat, naisakatuparan ng operating teams ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Zambales ang operasyon dakong 2:30 am sa Sitio Matangib, Brgy. Cawag, sa nabanggit na bayan. Kinilala ang …
Read More »Live-in partners mula sa Quezon bangkay na natagpuan sa Bulacan
NATAGPUAN ang mga bangkay ng isang babae at isang lalaki sa bahagi ng NIA farm road sa Brgy. Camias, sa bayan ng San Miguel, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes ng umaga, 22 Agosto. Sa ulat, nakatanggap ang San Miguel MPS ng tawag sa telepono na nagsasabing mayroong nakitang mga bangkay sa nabanggit lugar kaya agad nagpunta ang mga awtoridad. Nadiskubre …
Read More »
Palutang-lutang sa ilog
NAWAWALANG ESTUDYANTE NATAGPUANG PATAY
NATAGPUANG palutang-lutang sa ilog nitong Sabado ng umaga, 20 Agosto, ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng naiulat na ilang araw nang pinaghahanap sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan. Kinilala ang biktimang si Juliana Marie Billones, 21 anyos, first year college student, at residente sa Brgy. Nagbalon, sa nabanggit na bayan. Sa tala ng Marilao MPS, iniulat …
Read More »Bulacan PPO handa na sa Balik Eskwela 2022
INILUNSAD ng Bulacan PPO ang programang Ligtas Balik Eskwela kaugnay sa nakatakdang face-to-face classes ngayong araw ng Lunes, 22 Agosto. Inihayag ni P/Col. Charlie Cabradilla, provincial director ng Bulacan PPO, 297 police officers kabilang ang Covid-19 patrollers ang itatalaga sa iba’t ibang pampubliko at pribadong paaralan at mga unibersidad gayondin sa mga estratehikong lugar at iba pang pasilidad na kinakailangang …
Read More »Carnapper, drug dealer, kinalawit ng Bulacan Police
MAGKASUNOD na dinakip sa inilatag na anti-crime drive ng pulisya ang isang lalaking hinihinalang carnapper at isang pinaniniwalaang drug dealer sa lalawigan ng Bulacan nitong Sabado, 20 Agosto. Sa ulat mula kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang suspek na si John Lagrimas, 26 anyos, arestado sa pagnanakaw ng motorsiklo sa ikinasang follow-up operation ng …
Read More »Top 6 MWP ng Central Luzon nalambat
NAARESTO ng mga awtoridad ang top 6 regional most wanted person ng Central Luzon sa inilatag na manhunt operation sa Purok 4, Jesus St., Brgy. Pulungbulu, Angeles City, Pampanga kamakalawa. Kinilala ni Region 3 top cop BGen. Cesar Pasiwen, ang arestadong si Seferino Quiambao Jr., 26 anyos, residente sa Purok 7 Palat, Porac, Pampanga. Si Quiambao ay inaresto ng magkasanib …
Read More »‘Aiko’ tiklo sa droga
ISANG babaeng high value individual ang naaresto ng mga awtoridad sa isinagawang manhunt operation sa Mabalacat City, Pampanga kamakalawa. Sa ulat ni P/Lt. Col. Protom Guevarra, hepe ng Mabalacat City Police Station (CPS) kay P/Col. Alvin Ruby Consolacion, acting provincial director ng Pampanga PPO, ang magkasanib na elemento ng Mabalacat CPS, 302nd MC RMFB 3 Polar Base at 2nd PMFC …
Read More »Pagpapasuso ng ina at karapatan ng mga bata, isinusulong sa Bulacan
ITINAMPOK ang kahalagahan ng pagpapasuso ng ina at karapatan ng mga bata sa idinaos na Child Development Workers in Emergencies sa selebrasyon ng COVID-19 cum Breastfeeding Awareness Month sa Bulacan Capitol Gymnasium sa Lungsod ng Malolos, Bulacan kamakalawa. Binigyang diin ng breastfeeding advocate na si Gng. Lyn Sunshine G. Castro, maybahay ni Bise Gob. Alexis C. Castro at siyang panauhing …
Read More »Santuwaryo ng mga isda sa Bulacan inilatag ng BFAR
BINUHAY ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang kauna-unahang brush park o kublihan ng mga isda (fish sanctuary) sa Bulacan. Ang fish sanctuary na may sukat na 1,000 square meter ay sinimulan sa Angat River system sa bahagi ng Calumpit, Bulacan. Ayon kay Wilfredo Cruz, BFAR Central Luzon director, ang proyekto ay nasa ilalim ng “Balik Sigla sa …
Read More »
Target Bulakenyang boobsy
‘BOY DAKMA’ NG BULACAN TINUTUGIS P.1-MILYON PATONG SA ULO
NAALARMA ang kababaihan sa Bulacan matapos mapaulat na may lalaking umiikot habang sakay ng motorsiklo at tinatarget ang mga babaeng naglalakad sa lansangan para dakmain ang malulusog na dibdib at saka haharurot para tumakas. Huling naging biktima ng suspek ang isang 16-anyos dalagita sa San Rafael, Bulacan, na biglang dinakma ang dibdib habang naglalakad mag-isa sa kahabaan ng NIA Road …
Read More »Suspek sa pagpatay sa dalagitang biker kinilala na
SA pagpapatuloy ng imbestigasyon sa pagpatay sa dalagitang biker na si Princess Marie Dumantay, 15 anyos, Grade 9 student ng Grace Ville National High School at residente ng Block 19 Lot 32 Phase 6A Grace Ville, Tower Ville, sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, nagkaroon na ng lead ang mga awtoridad sa kaso nitong Miyerkoles, 17 …
Read More »Tirador ng aso, nasakote ng CIDG
NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking pinaniniwalaang sangkot sa illegal dog meat trade sa bayan ng Bulakan, lalawigan ng Bulacan, nitong Martes, 16 Agosto. Kinilala ang naarestong suspek na si Hernando Polintan alyas Bitoy, 54 anyos, isang barangay utility worker at residente ng Nia Road, Libo St., Brgy. San Nicolas, sa nabanggit na bayan. Naaresto si Polintan sa ikinasang …
Read More »
20 taong nagtago
PUGANTENG MWP NASAKOTE
MATAPOS ang may 20 taong pagtatago, tuluyan nang naaresto sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan ang isang puganteng may kasong pagpatay sa Region 8. Sa ulat na ipinadala ni P/Lt. Col. Ferdinand Germino, hepe ng Malolos CPS, kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang nadakip na puganteng si Cordio Arcinal, 60 anyos, residente ng …
Read More »
Makeshift drug den sinalakay
4 MAGKAKAPAMILYANG TULAK NADAKMA
BINAKLAS ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at mga tauhan ng San Jose Del Monte CPS ang isang makeshift drug den kasunod ng kanilang ikinasang buybust operation sa Brgy. Kaypian, lungsod ng San Jose del Monte, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Martes ng gabi, 16 Agosto. Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina John Bryan Cordova, …
Read More »
Nabuking sa palusot na shabu
2 TULAK TIKLO SA BULACAN
BIGO ang dalawang pinaniniwalaang notoryus na tulak na mailusot ang ibibiyahe sana nilang shabu nang maaresto ng mga nakaalertong pulis sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 15 Agosto. Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Ferdinand Germino, acting chief of police ng Malolos CPS, kinilala ang dalawang nadakip na suspek na sina Zaldy Feliciano, ng Angeles, Pampanga; at …
Read More »“Ituro at ikuwento sa ating mga anak ang mayamang kasaysayan ng Bulacan.” – Sen. Villanueva
HINIKAYAT ni Senate Majority Floor Leader Senator Joel Villanueva ang mga Bulakenyo na ipasa sa susunod na henerasyon ang mayamang kasaysayan ng lalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng pagtalakay sa paksa tungkol dito sa mga hapag-kainan sa ginanap na Ika-444 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Bulacan sa Bulacan Capitol Gymnasium, sa lungsod ng Malolos, nitong Lunes, 15 Agosto. Sa kanyang talumpati …
Read More »P/BGen. Pasiwen itinalaga na bilang Central Luzon Top Cop
IPINAUBAYA na ni P/BGen. Matthew Baccay ang kanyang puwesto kay P/BGen. Cesar Pasiwen nitong Martes, 16 Agosto. Idinaos ang seremonya ng Change of Command sa PRO3 Patrol Hall, Camp Olivas, lungsod ng San Fernando, lalawigan ng Pampanga, kasama si Area Police Command-North Luzon Commander P/MGen. Felipe Natividad bilang presiding officer. Sinalubong ng Arrival Honors ang bagong Regional Director na dati …
Read More »
Sa ika-444 anibersaryo ng pagkatatag ng Bulacan
VILLANUEVA, FERNANDO, CASTRO NANGUNA SA SELEBRASYON AT PAGBIBIGAY-PUGAY 
PINANGUNAHAN ng Bulakenyong Senador at Senate Majority Leader Emmanuel “Joel” Villanueva, kasama sina Gobernador Daniel Fernando at Bise Gob. Alexis Castro, ang pagdiriwang ng ika-444 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Bulacan sa Bulacan Capitol Gymnasium, sa lungsod ng Malolos, nitong Lunes, 15 Agosto. Sa temang “Katatagan ng mga Bulakenyo, Hiyas ng Nagkakaisang Pilipino,” nagsimula ang programa sa pag-aalay ng bulaklak sa …
Read More »
Sa Bulacan
7 TUPADA BOYS, 2 KAWATAN, 2 TULAK TIMBOG
NADAKIP ng mga awtoridad ang ang pitong nagtutupada, dalawang suspek sa insidente ng nakawan, at dalawang hinihinalang tulak sa pinatindi pang operasyon kontra kriminalidad sa lalawigan ng Bulacan nitong Linggo, 14 Agosto 2022. Ayon kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, naaresto ang dalawang suspek sa naging maagap na pagresponde ng mga tauhan ng Paombong MPS sa …
Read More »Natagpuang bangkay ng teenage lady biker kinilala ng 62-anyos ama
KINILALA ng kanyang sariling ama ang lady biker na unang iniulat na nawawala at natagpuan ang katawan sa madamong bahagi ng Bypass Road, sa Brgy. Bonga Menor, bayan ng Bustos, sa lalawigan ng Bulacan nitong Biyernes, 12 Agosto. Kinilala ng kanyang amang si Rolando Dumantay, 62 anyos, residente sa Brgy. Graceville, San Jose del Monte, ang biktimang si Princess Marie …
Read More »Bulacan, kaisa sa paghubog ng mga lider para sa susunod henerasyon
BILANG PAKIKIBAHAGI sa bansa sa obserbasyon ng Linggo ng Kabataan 2022, nagsagawa ang pamahalaang panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Youth, Sports and Public Employment Service Office ng isang linggong aktibidad para sa mga kabataang lider, edad 13 hanggang 17 anyos na kabilang sa Boy/Girl Officials 2022 upang sila ay magkaroon ng karanasang nauugnay sa mabuting pamamahala at pamumuno. …
Read More »
Kumagat sa pain
TULAK TUWING MADALING ARAW TIMBOG SA PARAK
NASAKOTE ng mga awtoridad ang isang pinaniniwalaang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy bust operation sa bayan ng Bocaue, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo ng madaling araw, 14 Agosto. Inaresto ng magkasanib na mga operatiba ng Bocaue MPS, SOU3 at PNP DEG sa isinagawang buy bust operation ang suspek na kinilalang si George Orquiola, Jr., residente sa Brgy. …
Read More »Lolong manyakis naihoyo sa Zambales
NASUKOL ng mga awtoridad ang isang matandang lalaking may kasong panggagahasa sa inilatag na manhunt operation sa sa bayan ng Masinloc, lalawigan ng Zambales nitong Sabado, 13 Agosto. Sa ulat na tinanggap ni PRO3 Regional Director P/BGen. Cesar Pasiwen, nagtulong-tulong ang mga elemento ng Masinloc MPS, PIU Zambales, 1st PMFC, 305th MC RMFB3, RID3 at PNP Maritime-Iba, na nagsagawa ng …
Read More »Dalagita nasagip sa cybersex den 3 suspek arestado
NAILIGTAS ng mga awtoridad ang isang babaeng menor de edad mula sa isang cybersex den kung saan nadakip ang tatlo katao sa Brgy. Sta. Cruz V, sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado ng hapon, 13 Agosto. Ayon kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting Provincial Director ng Bulacan PPO, nagsagawa ang mga tauhan ng San Jose …
Read More »