Wednesday , July 24 2024
NPA gun

 Anim na dating rebelde sumuko

Anim na dating miyembro ng Militiang Bayan ang boluntaryong sumuko sa mga awtoridad sa Aurora province at sumumpa ng kanilang katapatan sa gobyerno kamakalawa.

Ayon kay PRO3 Director PBGEN JOSE S HIDALGO JR, ang mga sumuko ay dating kasapi ng grupong Regional Sentro Gravidad ng Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley (KR-CV) na kumikilos sa lalawigan ng Isabela.

Isinuko rin nila ang dalawang hand grenades, isang improvised 12-gauge Shotgun, 1-meter detonating cord, isang blasting cap; tatlong pirasong 12-gauge ammunition; isang pirasong M14 magazine; 10 piraso ng 7.62mm ammunition, watawat ng CPP-NPA at maraming subersibong libro at dokumento. 

Gayundin, pinagkalooban sila ng financial assistance at assorted goods matapos silang ihatid sa kani-kanilang komunidad. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Sonny Angara DepEd

Panawagan kay Angara
SUWELDO NG MGA GURO ITAAS, ‘KORUPSIYON’ SA DepEd DAPAT TUGUNAN — TINIO

NANAWAGAN si dating ACT Teachers Rep. Antonio “Tonchi” Luansing Tinio kay bagong-upong Department of Education …

FEHI, DHSUD sanib-puwersa para sa programang pabahay

FEHI, DHSUD sanib-puwersa para sa programang pabahay

NAGSANIB-PUWERSA ang kompanyang Far East Holdings Inc. (FEHI) at ang Department of Human Settlement and …

First Lady Liza Araneta-Marcos, namahagi ng mobile clinics

First Lady Liza Araneta-Marcos, namahagi ng mobile clinics

NAMAHAGI si First Lady Louise “Liza” Marcos, sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH) ng …

Isko Moreno

Isko Moreno llamado sa muling pagtakbo sa Maynila

HATAWANni Ed de Leon ANO tatakbo na naman si Isko Moreno bilang mayor ng Maynila sa 2025? …

prison

300 PDLs mula Bilibid inilipat sa Iwahig Prison sa Palawan

INILIPAT ang may 300 persons deprived of liberty (PDLs) mula sa New Bilibid Prison (NBP) …