Sunday , December 22 2024

Micka Bautista

Salot ng barangay naikahon 2 tulak timbog sa Bulacan

shabu drug arrest

NAGWAKAS ang maliligayang araw ng dalawang notoryus na tulak nang tuluyang mahulog sa bitag na inilatag ng pulisya sa bayan ng Angat, lalawigan ng Bulacan, nitong Martes ng madaling araw, 15 Nobyembre. Sa ulat kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang dalawang tulak na sina Jonathan Bautista, alyas Aga, at Jay Fernandez, alyas Bote, kapwa mga …

Read More »

Para sa akomodasyon ng mga pasyente <br> OPD NG BMC PINASINAYAAN

MAS MARAMING mga Bulakenyo ang makikinabang sa serbisyong medikal makaraang pasinayaan ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gob. Daniel Fernando ang bagong Outpatient Department ng Bulacan Medical Center (OPD-BMC) sa isang programang isinagawa sa bagong OPD building na matatagpuan sa BMC Compound, Brgy. Guinhawa, sa lungsod ng Malolos, nitong Lunes ng umaga, 14 Nobyembre. Pinondohan ng Department of …

Read More »

Sa Marilao, Bulacan   <br> NAG-AABUTAN NG ‘BATO’ 2 TULAK TIKLO SA KALYE

shabu

ARESTADO ang dalawang pinaniniwalaang mga tulak ng ilegal na droga nang maaktohan ng nagpapatrolyang mga awtoridad na nag-aabutan ng hinihinalang shabu sa isang kalye sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 13 Nobyembre. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, unang nadakip ang suspek na kinilalang si Marianito Estariado, residente sa Brgy. …

Read More »

Baliwag para maging component city  <br> MAYOR FERDIE ESTRELLA TODO KAMPANYA SA BOTONG ‘YES’

Ferdie Estrella Baliwag City Bulacan

GANAP nang naisabatas ang RA 11929, may titulong “An Act Converting the Municipality of Baliwag in the Province of Bulacan into a Component City to be known as the City of Baliwag” noong 30 Hulyo 2022. Nagtakda ang Commission on Elections (Comelec) ng plebisito para pagtibayin ang kombersiyon ng munispyo ng Baliwag sa isang component city na tatawaging lungsod ng …

Read More »

 ‘Sextortion’ nabuko parak inaresto ng kabaro

Sextortion’ nabuko parak inaresto ng kabaro

NASAKOTE ng mga tauhan ng Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) ang isang aktibong pulis dahil sa tangkang ‘sextortion’ sa isang apartel sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado ng madaling araw, 12 Nobyembre. Kinilala ni IMEG Director P/BGen. Warren de Leon ang suspek na si Pat. Julius Ramos, nakatalaga sa Service Support …

Read More »

Sa Bulacan <br> 5 TULAK NABITAG SA BATO;  6 WANTED NABINGWIT;  6 SUGAROL ARESTADO

Bulacan Police PNP

SA HIGIT na pinaigting na operasyon ng pulisya nitong Sabado, 12 Nobyembre, sunod-sunod na nadakip ng pulisya sa Bulacan ang limang drug dealers, anim na wanted criminals, at anim na sugarol sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ng Bulacan. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, arestado sa serye ng drug sting operations ng …

Read More »

4th SINEliksik dinomina  <br> “GUILLERMO: ANG HANDOG NA OBRA” NAGKAMIT NG APAT NA GANTIMPALA

SINEliksik GUILLERMO ANG HANDOG NA OBRA Andrew Alto De Guzman

NAGWAGI ng apat na pangunahing gantimpala at nag-uwi ng kabuuang P170,000 premyo ang dokumentaryong “Guillermo: Ang Handog ng Obra” sa ika-apat na SINEliksik Bulacan Docufest and Docu Special na ginanap sa Nicanor Abelardo Auditorium, Hiyas ng Bulacan Cultural Center, sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan. Nagwagi ng Best Documentary Film, Best Research, Best Cinematography, at Best Editing ang dokumentaryo …

Read More »

Suspek tinutugis <br> NEGOSYANTE NINAKAWAN, SAKA BINOGA

nakaw burglar thief

TUKOY na mga awtoridad nitong Huwebes, 10 Nobyembre, ang pagkakakilanlan ng isa sa mga armadong kalalakihang nanloob sa bahay ng isang negosyante at bumaril sa biktima sa patuloy na follow-up investigation ng pulisya sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan. Naganap ang pagnanakaw at pamamaril noong 4 Nobyembre sa Purok 5, Brgy. Sumapang Bata, sa naturang lungsod dakong 6:10 am. …

Read More »

Dumayo para magtulak ng droga
LIVE-IN PARTNERS TIMBOG SA BULACAN

lovers syota posas arrest

INARESTO ng mga awtoridad ang isang babae at kanyang kinakasama nang mahulihan ng hinihinalang ilegal na droga at baril na kargado ng bala sa ikinasang buy-bust operation sa bayan ng Guiguinto, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 7 Nobyembre. Resulta ang operasyon ng patuloy na surveillance at follow-up operations ng pulisya dahil karamihan sa mga naaresto nila kaugnay ng ilegal na …

Read More »

Ambrosio Cruz, Jr., Bulacan ‘working congressman’

Ambrosio Cruz Jr Boy Cruz

IKINARARANGAL ng kanyang nasasakupan si Cong. Ambrosio Cruz, Jr., kinatawan sa ikalimang distrito ng Bulacan dahil sa kanyang angking galing, talino, at husay sa pamumuno. Siya ay kasalukuyang Vice Chairman ng dalawang House Committee at miyembro rin ng anim na iba pa: Para sa vice chairmanship: Agriculture and Food, at Housing and Urban Development. Miyembro siya sa anim na komiteng …

Read More »

Unang nag-alok ng F2F classes
PRIVATE SCHOOL SA BULACAN NAGPALAWAK NG OPERASYON

Academia de Pulilan

PINALAWAK pa ang kanilang operasyon ng isang pribadong paaralan sa Bulacan na unang nag-alok ng limitadong face-to-face classes noong panahon ng pandemya. Ayon kay Rosalinda Guiao, school principal ng Academia de Pulilan, ang kanilang paaralan ay nagawang magpalawak ng operasyon sa taong ito sa kabila ng pandemic situations na naranasan ng bansa sa loob ng nakaraang dalawang taon. Nitong nakaraang …

Read More »

Gintong Kabataan Awards 2022, ginanap sa Bulacan

Bulacan Gintong Kabataan Awards 2022

“MULA noon hanggang ngayon, ang pagiging Gintong Kabataan ng Bulacan ay naging sagisag na ng dangal ng mga bagong henerasyon ng Bulakenyong itaguyod ang larangang kanilang kinabibilangan, habang patuloy na namumuhay bilang mapanagutang mamamayan ng ating bayan. Narito‘t kasama tayo ng mga marangal na kabataang gumagamit ng kanilang talento, katatagan, imahinasyon at may pagpapasya sa sarili upang umukit ng pangmatagalang …

Read More »

3 tiklo sa ilegal na pagawaan ng paputok

3 tiklo sa ilegal na pagawaan ng paputok

ARESTADO ang tatlo katao matapos maaktohang gumagawa ng paputok nang walang kaukulang permiso sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa Tandang Sora St., Green Breeze 1 Subd., Brgy. Pulong Buhangin, sa bayan ng Sta.Maria, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado ng hapon, 5 Nobyembre. Sa ulat na ipinadala ni P/Lt. Col. Christian Alucod, hepe ng Sta. Maria MPS, kay P/Col. Relly …

Read More »

Business clearance para sa gumagawa’t nagtitinda ng paputok itinigil

paputok firecrackers

PANSAMANTALANG inihinto ng Brgy. Pulong Buhangin, sa bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Bulacan, ang pagbibigay ng business clearance sa mga gumagawa at nagtitinda ng paputok, dalawang araw matapos ang pagsabog sa isang ilegal na pagawaan ng paputok sa Sitio Manggahan, sa nabanggit na barangay. Naglabas ng resolusyon ang Sangguniang Barangay nitong Biyernes, 4 Nobyembre, na nagtatakda ng joint inspection …

Read More »

SINEliksik Bulacan Grand Champion – Best Program for Culture and the Arts

Alexis Castro Bulacan SINEliksik

TINANGGAP ni Vice Gov. Alexis Castro para sa Bulacan ang tropeo ng SINEliksik bilang Grand Champion para sa Best Program for Culture and the Arts na iginawad ng Association of Tourism Officers of the Philippines -Department of Tourism Pearl Awards 2022 na ginanap sa Taal Vista Hotel, Tagaytay noong Biyernes, 28 Oktbre. Kasama niya sina (mula kaliwa) Provincial History, Arts, …

Read More »

Wanted person nakalawit sa Oplan Pagtugis

San Jose del Monte CSJDM Police

NAARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaking pinaghahanap ng batas dahil sa nakabinbing kaso sa hukuman sa kanyang pinagtataguan sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan nitong Martes, 1 Nobyembre. Kinilala ang suspek na si Jomar Marzan na nadakip ng mga operatiba ng CIDG Bulacan katuwang ang 1st PMFC, Bulacan PPO at San Jose del Monte CPS …

Read More »

2 suspek sa pang-aabuso tiklo

Bulacan Police PNP

KAHIT Undas ay hindi tumigil ang pulisya sa Bulacan sa pagbibigay ng proteksiyon sa mga mamamayan gaya ng pagkakaaresto sa dalawang most wanted persons sa serye ng anti-criminality drive sa lalawigan nitong Martes, 1 Nobyembre . Sa ulat na isinumite kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, nadakip ang dalawang most wanted persons sa magkahiwalay na manhunt operations …

Read More »

Bulacan, nagkamit ng Hall of Fame Award para sa local revenue generation

Daniel Fernando Alexis Castro Bulacan local revenue generation

MULING kinilala ang tuloy-tuloy at katangi-tanging kahusayan ng Bulacan sa pagkolekta ng lokal na kita sa ilalim ng administrasyon ni Gob. Daniel Fernando sa paggawad ng Department of Finance – Bureau of Local Government Finance (DOF-BLGF) ng parangal na Hall of Fame para sa Local Revenue Generation sa ginanap na Awarding Ceremony sa Philippine International Convention Center, sa Pasay City, …

Read More »

Sa Cabanatuan, Nueva Ecija
TIRADOR NG MOTORSIKLO DEDO SA SHOOTOUT

dead gun

NAPATAY ang isang hinihinalang motornapper matapos makipagbarilan sa mga operatiba sa lungsod ng Cabanatuan, lalawigan ng Nueva Ecija nitong Lunes ng madaling araw, 31 Oktubre. Batay sa ulat na ipinadala kay PRO3 Regional Director P/BGen. Cesar Pasiwen ng Nueva Ecija PPO, kinilala ang napaslang na suspek na si Crisanto Reyes, sakay ng isang asul na motorsiklong Rusi na target ng …

Read More »

Sa Sta. Maria, Bulacan
BANGKAY NG BINATANG NALUNOD SA ILOG NATAGPUAN NA

Lunod, Drown

MAKALIPAS ang dalawang araw na paghahanap, natagpuan ng mga awtoridad nitong Martes ng umaga, 1 Nobyembre, ang bangkay ng isang binatang nalunod sa ilog sa bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Bulacan, noong Linggo ng hapon, 30 Oktubre. Ayon kay Konsehal Jess De Guzman ng Sta.Maria at siyang nanguna sa isinagawang search and retrieval operation, dakong 9:30 am kahapon nang …

Read More »

Sa Bulacan
LIDER NG ‘CRIMINAL GANG’ TIMBOG 

Arrest Posas Handcuff

NAARESTO ng mga awtoridad ang pinuno ng isang notoryus na ‘criminal gang’ sa isinagawang operasyon sa bayan ng Plaridel, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 31 Oktubre. Kinilala ni P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang suspek na si Jannel Contreras, alyas Miyaw, 33 anyos, nadakip ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit (PIU) sa drug buy-bust operation sa …

Read More »

BUWAN NG MGA KATUTUBO.

BUWAN NG MGA KATUTUBO

Ang pinuno ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism na si Dr. Eliseo S. Dela Cruz, kasama ang mga katutubong komunidad sa Sitio Manalo, Brgy. San Lorenzo, Norzagaray, Bulacan sa idinaos na Taunang Araw ng mga Katutubong Dumagat na may temang “Pagsasakatuparan ng mga Katutubong Karapatan at Kapakanan Batay sa Kanilang mga Pangarap at Hangarin” noong Huwebes, 21 Oktubre. Nasa …

Read More »

Natatanging kooperatiba sa Bulacan kikilalanin

Bulacan PCEDO

BILANG bahagi ng buong buwang pagdiriwang ng Cooperative Month, kikilalanin ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Cooperative and Enterprise Development Office (PCEDO) ang mga katangi-tanging nagawa ng mga kooperatiba at mga kontribusyon nito sa lokal na ekonomiya sa programang “Gawad Galing Kooperatiba Awards” na gaganapin sa darating na Biyernes, 28 Oktubre, ganap na 3:00 pm sa Bulacan …

Read More »

Anak binaril ng ama, patay retiradong pulis arestado

gun dead

DINAKIP ng mga awtoridad nitong Lunes, 24 Oktubre ang isang retiradong pulis na inakusahang binaril ang sariling anak matapos ang matinding sagutan sa kanilang bahay sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan. Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Ronaldo Lumactod, hepe ng San Jose del Monte CPS, kinilala ang suspek na si Enrique Galapate, 62 anyos, inaresto …

Read More »

Pampanga PPO OIC itinalaga

Pampanga Police PNP

PINAMUNUAN ni PRO3 Regional Director P/BGen. Cesar Pasiwen ang paglilipat ng tungkulin sa Pampanga PPO na ginanap sa lungsod ng San Fernando, lalawigan ng Pampanga, noong Sabado, 22 Oktubre. Itinalaga si P/Col. Levy Hope Basilio bilang bagong Officer-In-Charge ng Pampanga PPO kapalit ni P/Col. Alvin Ruby Consolacion na nagsilbi bilang acting provincial director sa loob ng pitong buwan. Si P/Col. …

Read More »