MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang isang indibidwal na sangkot sa ilegal na bentahan ng baril sa ikinasang entrapment operation sa Brgy. Poblacion, Baliwag, Bulacan, nitong Miyerkoles ng gabi, 28 Enero. Ayon sa ulat ni P/Lt. Col. Jayson San Pedro, hepe ng Baliwag CPS, ang naarestong suspek ay isang 33-anyos na residente ng Brgy. Sto. Cristo, sa nabanggit na …
Read More »Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko
ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan ng cash-in transaction sa bayan ng Bocaue, lalawigan ng Bulacan. Batay sa ulat mula kay P/Lt. Col. Gilbert Diaz, hepe ng Bocaue MPS, nakasuot ang suspek at kaniyang kasamahan ng damit na may markang PULIS at nagpakilalang mga alagad ng batas. Nabatid na dumating ang …
Read More »8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan
NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo nang naiulat na nawawala sa bayan ng Pulilan, lalawigan ng Bulacan, habang patuloy na pinaghahanap ang nawawala niyang anak. Nadiskubre ang bangkay dakong 3:30 ng hapon noong Sabado sa isang sapa sa Pulilan–Baliuag Bypass Road, Brgy. Dulong Malabon, sa nabangit na bayan, matapos malanghap ng …
Read More »
Sa loob ng 24 oras…
NEGOSYANTE DINUKOT, P5 MILYONG RANSOM NAPURNADA, TATLONG KIDNAPER TIMBOG
Sa pamamagitan ng mabilis at sama-samang aksyon ng pulisya ay matagumpay na nailigtas ng mga awtoridad ang isang negosyante na dinukot sa Lungsod ng Cabanatuan sa Nueva Ecija nitong Lunes, Enero 26, 2026, at naaresto ang lahat ng tatlong suspek na sangkot sa krimen sa loob ng wala pang 10 oras mula ng maganap ang insidente. Ayon sa inisyal na …
Read More »Asia’s Biggest ACE Store Opens at Baliwag, Bulacan
A new benchmark in home and building retail is set to begin on January 16, 2026, as ACE Builders opens its largest store in Asia at SM City Baliwag. Covering over 6,000 square meters, this newest branch is the most expansive ACE store to date, offering a wide and complete range of construction supplies, home improvement products, and lifestyle essentials—all …
Read More »
Natunton sa Quezon City
7 notoryus na kawatan sa Central Luzon timbog
Sa pamamagitan ng mabilis na koordinasyon, patuloy na pagsubaybay, at determinadong gawain ng pulisya, naaresto ang pitong suspek sa mga insidente ng nakawan at narekober ang mga tinangay nilang vault, at iba pang piraso ng ebidensya kasunod ng serye ng mga insidente ng pagnanakaw sa mga establisyimento sa Gitnang Luzon at lungsod Quezon. Naganpa ang pinakahuling insidente noong madaling araw …
Read More »
Sa pagbubukas ng ika-16 Minasa Festival
Bustos pinaningning ang ipinagmamalaking kultura
Opisyal nang binuksan ng Pamahalaang Bayan ng Bustos ang ika-16 na pagdiriwang ng Minasa Festival nitong Martes, 13 Enero, sa BMA Park, Bustos, Bulacan na may temang “Minasa ng pagkakaisa, Tagumpay ng bawat isa!”, kung saan naging makulay na entablado ang nasabing parke na nagtampok sa kultura, pagkakaisa, at progresibong ekonomiya ng bayan. Bilang pagpupugay sa makasaysayang pamana at sa …
Read More »Higit P1.3-M shabu nasabat sa 1 araw na operasyon ng PRO3 vs ilegal na droga
NAGTALA ang Police Regional Office 3 (PRO3) ng mga makabuluhang tagumpay sa kampanya nito laban sa ilegal na droga nitong Linggo, 11 Enero. Nadakip ang tatlong indibidwal na nakatala bilang mga high value target at nakakumpiska ang higit sa P1.3-milyong halaga ng hinihinalang shabu sa magkakahiwalay na operasyon sa Bulacan, Pampanga, at Nueva Ecija. Pahayag ni P/BGen. Ponce Rogelio Peñones, …
Read More »City level MWP sa Bulacan arestado
MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang isang city level most wanted person na may kasong murder sa bisa ng warrant of arrest sa Brgy. Sulivan, lungsod ng Baliwag, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 11 Enero. Ayon sa ulat mula kay P/Lt. Col. Jayson San Pedro, hepe ng Baliwag CPS, kinilala ang nadakip na suspek na si alyas Roffer, 28 …
Read More »Sasakyan na sangkot sa “pasalo-benta” scheme narekober ng PNP-HPG sa Bulacan
SA PATULOY na kampanya ng Philippine National Police–Highway Patrol Group (PNP-HPG), sa pamumuno ni PBGeneral Hansel M. Marantan, direktor ng HPG, laban sa pandaraya at ilegal na transaksyon ng mga sasakyang de-motor, ay nagresulta sa pagbawi ng isang pampasaherong sasakyan sa pamamagitan ng kusang-loob na pagsuko sa Bulacan Provincial Highway Patrol Team (PHPT). Isang residente ng San Miguel, Bulacan ang …
Read More »Batakan tinibag ng PDEA; Operator, 3 runner tiklo sa Porac, Pampanga
BINUWAG ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Pampanga Provincial Office ang isang drug den at inaresto ang apat na suspek sa droga matapos isagawa ang isang buybust sa Brgy. Sta. Cruz, sa bayan ng Porac, lalawigan ng Pampanga, nitong Miyerkoles, 7 Enero. Kinilala ng pinuno ng PDEA team ang naarestong operator na si alyas Teds, 59 anyos, …
Read More »Most wanted criminal ng CamSur nabitag sa Bulacan
NAHULOG sa kamay ng batas ang isang indibidwal na nakatala bilang most wanted person sa municipal level na may kinakaharap na kasong frustrated murder sa operasyong inilatag sa Brgy. Caingin, sa bayan ng San Rafael, lalawigan ng Bulacan. Ayon sa ulat ni P/Lt. Col. Protom Guevarra, hepe ng San Rafael MPS, kinilala ang suspek na si alyas Juliet, 57 anyos, …
Read More »12 timbog sa Oplan Roulette sa ‘Gapo
ARESTADO ang 12 indibidwal nang ipatupad ng Olongapo CPS, katuwang ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Olongapo CFU, ang kampanya laban sa ilegal na sugal sa isang peryahan sa Magsaysay Drive, Brgy. East Tapinac, sa lungsod ng Olongapo, lalawigan ng Zambales, nitong Miyerkoles ng gabi, 7 Enero. Isinagawa ang operasyon alinsunod sa PD 1602, na inamyendahan ng RA 9287, …
Read More »
Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT
NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa dalawang parsela sa Port of Clark, lalawigan ng Pampanga. Ayon sa ulat mula sa Bureau of Customs (BoC), nagmula ang kargamento, unang idineklara bilang car mats, sa bansang Austria at patungong Lungsod ng Davao sa ilalim ng parehong consignee. Ngunit sa isang pisikal na pagsusuri …
Read More »Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan
NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang isa pa nilang kasama, na itinuturong responsable sa pagpapasabog ng nakamamatay na paputok bago ang pagsalubong ng Bagong Taon noong 31 Disyembre, sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan. Dahil sa malakas na pagsabog ng sinasabing ‘deadly firecracker,’ nasira ang ilang mga bahay at siyam …
Read More »Lalaki nalunod noong bisperas ng Bagong Taon, Katawan natagpuan makalipas ang 2 araw
MATAPOS ang dalawang araw na paghahanap, natagpuan na ang bangkay ng isang lalaking pinaniniwalaang nalunod sa ilog sa Brgy. San Mateo, bayan ng Norzagaray, lalawigan ng Bulacan, noong bisperas ng Bagong Taon, 31 Disyembre. Sa ulat, kinilala ang biktimang si Kevin Ramboyong, 27 anyos, residente ng Malaria, North Caloocan, na natagpuang lumulutang sa bahagi ng Bitbit River, sa Brgy. San …
Read More »Murder suspect sa Bulacan tiklo sa Nueva Ecija
NADAKIP ng mga awtoridad sa lungsod ng Cabanatuan, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Sabado, 3 Enero, ang isang lalaking suspek sa insidente ng pamamaril Plaridel, Bulacan. Naganap ang insidente ng na pamamaril sa parehong araw sa harap ng isang gasolinahan sa Cagayan Valley Rd., Brgy. Tabang, sa nabanggit na bayan kung saan binawian ng buhay ang isang 40-anyos na lalaking …
Read More »Parang kendi lang kung magbenta ng shabu sa kalye, 2 tulak nakalawit
DALAWANG personalidad na kabilang sa isinasangkot sa droga ang naaresto ng mga awtoridad sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. Camias, San Miguel, Bulacan. Batay sa ulat ng San Miguel MPS sa pangunguna ni PLt. Colonel Voltaire C. Rivera, OIC, kinilala ang mga suspek na sina alyas “Undo,” 32 anyos, residente ng Brgy. Partida, San Miguel at alyas “Charo,” 47 anyos, …
Read More »Mga pulis na sangkot sa PHP14-M robbery sa contractor sa Pampanga sinibak
LIMANG pulis, apat na nakatalaga sa Angeles City at isa sa Zambales ang kasalukuyang iniimbestigahan kaugnay ng umano’y P14-milyong robbery laban sa isang private contractor sa Brgy. Sta.Cruz, Porac, Pampanga. Ayon kay Angeles City police chief Col. Joselito Villarosa Jr., ang mga pulis na sangkot sa insidente ay agad nang inalis sa kanilang puwesto habang nagpapatuloy ang masusing imbestigasyon upang alamin …
Read More »Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council
UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan (CPIMP) sa Bulacan, inilabas ni Gob. Daniel Fernando ang Executive Order No. 22, series of 2025, na nagbibigay ng direktiba sa pagbuo ng Provincial Infrastructure Coordinating Council (PICC). Binigyang-diin ng gobernador ang kritikal na pakikiisa ng lahat ng lokal na pamahalaan, mula barangay hanggang mga …
Read More »
Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025
BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, responsableng pamumuno, at mabuting pamamahala, kinilala ang Bulacan bilang SubayBAYANI Award Exemplar for 2025 sa ginanap na prestihiyosong pagpaparangal kamakailan sa Manila Hotel, sa lungsod ng Maynila. Kinikilala ng SubayBAYANI Awards ang mga lokal na pamahalaan na hindi lamang naghahatid ng konkretong resulta at magandang …
Read More »11 timbog sa drug bust sa Bulacan
MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga sa magkakahiwalay na operasyon kontra-droga sa lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles, 3 Disyembre. Batay sa ulat ng mga hepe ng pulisya ng San Jose Del Monte, Hagonoy, Pulilan, Meycauayan, Malolos, at Bocaue C/MPS, nagsagawa ng magkakahiwalay na drug bust operations ang kani-kanilang Station Drug Enforcement …
Read More »
Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo
ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang 450 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng hindi bababa sa P3,060,000 ang nakumpiska sa matagumpay na buybust operation na isinagawa ng mga awtoridad nitong Huwebes ng hapon, 4 Disyembre, sa Brgy. Caypombo, bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Bulacan. Sa ulat ni P/Lt. Col. …
Read More »Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft
SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC Branch 265 at nagpiyansa para sa mga kasong graft kaugnay ng kontrobersiyal na POGO hub sa kanyang bayan. Nagsumite si Capil ng cash bond na P630,000, kaya binawi ng korte ang utos nang pag-aresto na may petsang 27 Nobyembre at ang inilabas na warrant of …
Read More »Alkalde ng San Simon, Pampanga nagtatago na
NAGTATAGO na ang suspendidong alkalde ng San Simon, Pampanga na si Abundio Punsalan, Jr., matapos siyang silbihan ng dalawang warrant of arrest kaugnay ng mga kasong graft at malversation of public funds dahil sa sinabing ilegal na pagbili ng isang ari-arian na nagkakahalaga ng P45 milyon noong 2023. Ayon kay P/Col. Eugene Marcelo, provincial director ng Pampanga PPO, hindi natagpuan …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com