Sunday , December 14 2025

Maricris Valdez Nicasio

Awra, Grand Winner sa Your Face Sounds Familiar Kids

HINIRANG na kauna-unahang Your Face Sounds Familiar Kids grand winner ang tinaguriang Breakout Child Star na si Awra Briguela matapos makakuha ng pinakamataas na pinagsamang score ng jury at public text votes sa grand showdown ng programa noong Linggo ng gabi (April 9). Nagkamit ng 95.41% score si Awra na hinangaan ang galing niya sa pag-rap at nakaaaliw na performance …

Read More »

The Greatest Love, nagpakita ng galing at nagpaangat sa career ni Sylvia (Pagmamahal at respeto, natanggap)

AMINADO si Sylvia Sanchez na emotional siya nang pag-usapan ang ang respeto at pagmamahal ng taong ibinigay sa kanya sa kauna-unahang pinagbidahang teleserye, ang The Greatest Love. “Iba ang ginawa ng ‘TGL’ sa buhay ko, sa career ko, for 27 years, ito ‘yung nag-angat sa akin. Ito ‘yung nagpakita ng kakayahan ko bilang artista,” panimula ni Sylvia sa thanksgiving presscon …

Read More »

Asawa ni Cristine, gumagastos ng P500K-P800K para sa laruan

IBINUKING ni Cristine Reyes ang asawang si Ali Khatibi kung gaano ito kagastos sa pagbili ng mga laruan. Sa guesting ng mag-asawa para sa summer episode ng Magandang Buhay, nina Karla Estrada, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal, naikuwento ng dalawa ang ukol sa mga natutuhan nila ngayong nagsasama na sila. Pagbubuking ni Ali, medyo magastos si Cristine. Na kaagad namang …

Read More »

Star music singer, ‘di hadlang ang pagkakaroon ng ADHD

ISA kami sa humanga kay L. A. Santos (Leonard Antonio), dahil sa napaka-positibong pananaw nito sa buhay. Na bagamat ipinanganak na may Attention Deficit Hyperactivity Disorder (ADHD), hindi iyon naging hadlang para matupad ang pangarap niya. Noong Martes, inilunsad si L.A. bilang pinakabagong recording artist ng Star Music kasabay ang paglulunsad ng kanyang self-titled album. Noong Disyembre lamang pumirma ng …

Read More »

OgieD Productions, Inc., Summer Acting Workshop

DALAWANG taon nang ginagawa ng OgieD Productions Inc., ni Ogie Diaz, ang Summer Acting Workshop. Ito ang ginagawa ng magaling na komedyanta sa mga nagpapa-manage sa kanya. Sinasala muna niya nang husto na kapag napili ay pinagwo-workshop niya. Marami nang talents ang OgieD Productions, Inc. na galing sa workshop na may mga guesting at shows sa ABS-CBN. Kaya sa mga …

Read More »

Lhuillier at Calayan, nagsanib-puwersa sa beauty at wellness

NASAKSIHAN namin ang pormal na paglulunsad ng partnership ng Calayan Medical Group Inc., na pinamamahalaan nina Lalen Calayan at Selina Sevilla at ng mag-asawang Michel at Amparito Lhuillier kamakailan na isinagawa sa Hola Espana sa Mandaue City, Cebu. Sa inagurasyon ng MLCalayan Skincare and Aesthetics Center, sinabi kapwa nina Lalen at Selina gayundin ng mag-asawang Lhuillier na palalawakin at palalakasin …

Read More »

Manay Lolit at Piolo nagkita, nagyakapan

NA-APPRECIATE ni Manay Lolit Solis ang ginawang pagbati sa kanya at pagyakap ni Piolo Pascual sa presscon ng Northern Lights: A Journey To Love na mapapanood na sa Marso 29 handog ng Regal Entertainment Inc., Spring Films, at Star Cinema. Kung ating matatandaan, idinemanda ang veteran columnist noong 2007  nang lumabas sa column niya sa Pilipino Star Ngayon, ang Take …

Read More »

Yen, wala pang anak at single pa rin

IGINIIT ni Yen Santos sa pa-presscon ng Regal Films para sa Northern Lights: A Journey To Love na hindi niya anak ang nakitang kasa-kasama niya nang minsang mamasyal. Aniya, kapatid niya iyon. Nagtataka nga si Yen kung bakit hindi mamatay-matay ang usaping may anak siya mula sa politician eh hindi naman niya iyon pinatulan. Tatlong taong gulang pa lamang ang …

Read More »

Angel, nega na sa Darna; papalit, susuportahan

DESMAYADO man na hindi na makagaganap bilang Darna, excited naman si Angel Locsin sa sinumang mapipili ng ABS-CBN para gumanap sa nilikhang karakter ni Mars Ravelo. Ani Angel, ibibigay niya ang 100 percent support sa sinumang mapipili ng Kapamilya Network. Sinabi pa ng aktres na mayroon siyang bet para gumanap na Darna at positibo siyang mapipili iyon. Bago lumabas ang …

Read More »

Kiko, pressured sa acting dahil sa kanyang pamilya

UNANG mainstream movie ni Kiko Estrada ang Pwera Usog na handog ng Regal Entertainment Inc., na napapanood sa mga sinehan sa kasalukuyan. Kaya naman sobrang nagpapasalamat ang batang actor sa ibinigay na chance para maipakita ang talent niya sa acting. Naka-dalawang indie movie na rin si Kiko pero aniya, iba ang Pwera Usog. “I love the set, sobrang ganda, stress …

Read More »

It’s Showtime, nanguna sa rating games dahil sa Tawag ng Tanghalan (Noontime show kulang ‘pag walang Vice Ganda)

HINDI itinanggi ng It’s Showtime hosts na malaki ang naitulong ng Tawag ng Tanghalan para muli nilang makuha ang pangunguna sa ratings game. Sa Thanksgiving presscon noong Martes para sa Tawag ng Tanghalan grand finalists, (na sa Sabado na magaganap ang final showdown sa Resorts World Manila), sinabi ni Vice na malaking blessing ang naturang segment sa kanilang show. “Ina-acknowledge …

Read More »

Tagumpay ni Coco, mahihigitan pa ni Ronwaldo — Direk Joel

NAPANOOD ni Direk Joel Lamangan si Ronwaldo Martin sa pelikulangPamilya Ordinaryo at nagalingan siya sa ipinakitang galing umarte ng nakababatang kapatid ni Coco Martin. Kaya naman kinuha niya ito para makasama ni Raymond Francisco para sa pelikulang Bhoy Intsik handog ng Frontrow Entertainment. Ani Direk Lamangan, malalampasan ni Ronwaldo ang naabot ng kapatid “Opo malalampasan n’ya pa si Coco,” anang …

Read More »

Yen kinilig sa kaguwapuhan ni Piolo, nahirapang makipagtrabaho

HANGGANG sa presscon ng Northern Lights: A Journey To Love na handog ng Regal Entertainment, Spring Films, at Star Cinema, kitang-kita ang pagkakilig at pamumula ni Yen Santos. Aminado ang aktres na nahirapan siyang makipagtrabaho kay Piolo at sa ikaapat na araw pa bago siya napanatag. “Opo, totoo pong hindi ako makatingin kay Piolo kaya nahirapan akong magtrabaho, ha ha …

Read More »

Apo Whang-Od, idolo at fan ni Coco Martin

NAKATUTUWA ang larawang nakuha namin na ipinadala ng isang kaibigan. Iyon ay ang larawan ni Apo Whang-Od na nakasuot ng T-shirt na may mukha ni Coco Martin. Napag-alaman naming idolo ng living legend at natitirang mambabatok (traditional Kalinga tattooist) ang actor. Katunayan, hindi ito natutulog o bumibitaw sa panonood ng FPJ’s Ang Probinsyano hangga’t hindi natatapos ang teleserye. Si Apo …

Read More »

Niño, naiyak sa 7th birthday celeb ni Alonzo

TEARS of joy. Ito ang nakita namin nang hingan ng pananalita si Niño Muhlach sa pagsisimula ng 7th birthday ng kanyang anak na si Alonzo na ginanap sa Circle of Fun, Quezon City Circle, Quezon City kahapon. Ikinatuwa ni Onin (tawag kay Niño) na kahit kabi-kabila ang commitment ng kanyang anak (paglabas sa Your Face Sounds Familiar: Kids, paglabas sa …

Read More »

Mocha, magre-resign na sa MTRCB!

MAINIT na pinag-uusapan ngayon ang video post ni Mocha Uson sa kanyang blog ukol sa hamon niyang magre-resign sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) dahil tila nababalewala ang misyong niyang matanggal ang self-regulation at SPG sa telebisyon. Aniya, bago pa man siya itinalaga bilang isa sa Board Member ng  MTRCB, misyon na niyang matanggal ang soft porn …

Read More »

Gusto ko lang kumita, hindi ako naghahangad ng kakaibang papel — Ogie Diaz

DALAWAMPU’T LIMANG taon na sa showbiz si Ogie Diaz. Marami na siyang teleserye at pelikulang nagawa. At tulad ng iba, bago narating ni Ogie ang tutok ng tagumpay, marami rin siyang pinagdaanan. Bago pinasok ni Ogie ang pag-arte, isa ring manunulat si Ogie, sa Mariposa Publications na pag-aari ni Nanay Mareng Cristy Fermin at pagkaraan ay nagkaroon sila ng talk …

Read More »

Sa tinuran ni LJ na hindi nadadalaw ni Paulo ang anak — Ginagawa ko ang obligasyon ko bilang ama sa anak ko

HINDI na bago sa amin ang pagtanggi ni Paulo Avelino na magsalita sa isyung kinasasangkutan niya lalo’t hindi naman kasama sa pelikula o TV show ang sangkot sa usapin. Pero napilit pa rin siyang kahit paano’y magsalita pagkatapos ng presscon proper ng I’m Drunk, I Love You na pinagbibidahan nila nina Dominic Roco at Maja Salvador na handog ng TBA …

Read More »