Wednesday , November 20 2024

Leonard Basilio

4 konsehal, 2 ex-konsi ng Maynila inireklamo dahil sa pangongotong

INIREREKLAMO ng grupo ng mga negosyante ang apat na konsehal ng Maynila at dalawa pang dating konsehal na umiikot sa mga establisimiyento at humihingi ng ‘linggohan’ kapalit ng proteksiyon at  kalayaan na makapagnegosyo sa Lungsod. Ipinagmamalaki umano ng mga konsehal na mayroon silang malakas na koneksiyon sa city hall officials at binabantaan ang mga negosyante na hindi magbibigay sa kanila …

Read More »

6 drug suspect utas sa Maynila

shabu drugs dead

ANIM katao na hinihinalang sangkot sa droga ang namatay sa loob ng pitong oras sa magkakahiwalay na insidente sa Maynila kamakalawa. Kinilala ang unang napatay na si Nora Lintag, 42, vendor, binaril ng dalawang hindi nakilalang lalaking lulan ng motorsiklo habang nakikipag-inoman sa Port Area, Maynila. Kasunod na namatay ang isang 23-anyos pedicab driver na si Asrap Dalanda makaraan barilin …

Read More »

Celebrity doctor tinutugis ng NBI, PNP sa rape case

rape

INATASAN ng korte ang National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) na dakpin ang isang kilalang beauty surgeon ng kilalang mga celebrity dahil sa kinakaharap na kasong kriminal. Sa ipinalabas na alias warrant of arrest ni Judge  Imelda Porte-Saulog ng Mandaluyong City RTC Branch 214, bukod sa NBI ay pinakikilos din ang Criminal Investigation and Detection Group …

Read More »

Massage therapist, dyowa swak sa aborsiyon

arrest prison

NILALAPATAN ng lunas sa Ospital ng Sampaloc ang isang massage therapist makaraan manganib ang buhay nang ipalaglag ang sanggol sa kanyang sinapupunan sa Sampaloc, Maynila. Kinilala ang suspek na si Analiza Narce, 22, residente sa Loreto St., Sampaloc. Sinasabing nagawang ipalaglag ni Narce ang sanggol nang puwersahin ng kanyang kasintahang si Rommel Abinal, 39, ahente ng Land Transportation Franchising abd …

Read More »

14-anyos dalagita niluray ng kapitbahay

prison rape

CAMP OLIVAS, Pampanga – Paika-ika ang isang 14-anyos dalagita nang samahan ng kanyang ina sa San Simon Police Station upang ireklamo ang lasing na kapitbahay na ilang ulit gumahasa sa biktima sa Brgy. San Agustin, bayan ng San Simon kamakalawa ng madaling-araw. Sa ulat ni Chief Inspector Jose Charlmar F. Gundaya, hepe ng San Simon Police, sa tanggapan ni Chief …

Read More »

4 drug suspect utas sa police ops sa Maynila

dead gun police

PATAY ang apat lalaking hinihinalang sangkot sa ilegal na droga makaran lumaban sa mga pulis nang maaktohan habang nagsasagawa ng pot session sa ilang barong-barong sa Parola Compound, Binondo, Maynila kahapon. Kinilala ang mga napatay na sina Gerry Bon Tagalog, alyas Jonjon, alyas Mar Barquillo, at alyas Jessie Panis, pawang may gulang na 40 hanggang 45-anyos. Batay sa sketchy report …

Read More »

‘Porno king’ swak sa 69 kaso ng abuso (Australian pedophile)

INIREKOMENDA ng DoJ na sampahan ng 69 kasong kriminal ang hinihinalang Australian pedophile, binansagang “porno king” at nasa likod ng kontrobersiyal na “Destruction of Daisy” sex and physical abuse videos. Ang suspek na si Peter Gerard Scully ay nadakip ng NBI-Anti Human Trafficking Division sa kasong pagmolestiya sa mga bata kabilang ang walong buwan gulang sanggol. Sa 151-pahinang resolusyon na …

Read More »

200 bahay natupok sa Port Area

TINATAYANG aabot sa 400 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na tumupok sa 200 bahay sa Port Area, Manila kamakalawa ng gabi. Batay sa ulat ng Manila Fire Department, nabatid na dakong 8:35 pm nang magsimulang sumiklab ang apoy sa tatlong palapag na bahay ng isang Maritess Abanes sa Atlanta Street, sakop ng Brgy. 651, Zone 68. Umabot ng …

Read More »

Delivery truck driver kakasuhan sa bomb joke

INIREKOMENDA ni DoJ Assistant State Prosecutor Phillip Dela Cruz ang pagsampa ng kaso sa deliver truck driver bunsod nang pagbibiro na may bomba ang minamaneho niyang sasakyan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Kasong paglabag sa Section 1 ng Presidential Decree 1727 ang isasampa laban sa driver na si Marlon Soriano, may katapat na parusang limang taon pagkakakulong o P40,000 …

Read More »

1 patay, 1 nakatakas sa drug ops

PATAY ang isang lalaki habang nakatakas ang kanyang kasama makaraan lumaban sa mga pulis sa pagsalakay sa hinihinalang drug den sa Binondo, Maynila kamakalawa ng hapon. Kinilala ang napatay na si Ronnie Bucao, 50, tubong Sta. Maria, Isabela at naninirahan sa San Roque, Tarlac. Habang tinutugis ng mga awtoridad ang hinihinalang tulak na si Esmundo Ariola, alyas Dudoy, residente ng …

Read More »

MAG-ASAWA TIKLO SA PASIG DRUG DEN

SWAK sa kulungan ang isang mag-asawang sangkot sa pagmamantina ng drug den sa Pineda, Pasig City makaraan ang pagsalakay ng mga ahente ng National Bureau of Investigation Anti-Illegal Drug Division kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga suspek na sina Marcos Castañeda Jr., 42, at Alma Castañeda, 35, pitong buwang buntis, at may anim na anak. Sinalakay ng NBI-AIDD ang bahay …

Read More »

6 habambuhay kulong sa P2-B drug case

MAKUKULONG nang habambuhay ang anim responsable sa isang malaking drug case sa bansa noong 2013. Sa promulgation ng Olongapo Regional Trial Court Branch 75, guilty ang naging hatol ng korte sa mga personalidad na naaktohang nagde-deliver ng shabu na nagkakahalaga ng P2 bilyon sa Subic. Kabilang sa mga napatunayan sa kasong drug possesion at transportation sina Joselito Escueta, Coronel Desierto, …

Read More »

5 patay sa police ops sa Maynila

LIMA ang patay sa police operations sa Maynila kabilang ang tatlong lumaban sa drug buy-bust at dalawang holdaper na sinita ng nagpapatrolyang mga pulis sa magkahiwalay na lugar sa lungsod. Napatay si Noel Aguili-ngan alyas Nognog habang ang dalawa niyang kasama ay naaresto sa ikinasang drug operation ng Station Anti-Illegal Drugs Division ng Manila Police District Station 11 sa Gate …

Read More »

Contractor, sub-con bawal sa job fair

BAWAL nang sumali sa ano mang job fair na pangangasiwaan ng Department of Labor and Employment (DoLE), ang mga contractor at sub-contractor. Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, layon ng hakbang na mabawasan ang endo at labor-only contract ngayong 2016, at para tulu-yan nang masawata sa 2017. Ito ay dahil karamihan ng illegitimate contractualization o endo ay nangyayari sa …

Read More »

Basura ibabalik sa Canada

NAPAGKASUNDUAN ng inter-agency committee na binubuo ng Bureau of Customs, DFA, DENR at DoJ na ipadala pabalik sa Ca-nada ang tone-toneladang basurang inimport ng Chronic Plastics Inc. noong 2013. Sa pahayag ng BoC, bukod sa port congestion, lubhang peligroso sa kalusugan ang mga basura  at  ginagastusan ng gobyerno ang pag-iimbak. Nasa limampung 40-footer container vans ang tatlong taon nang nakaimbak …

Read More »

WPD alertado

MAS lalong pinaigting ng Manila Police District (MPD) ang ipinatutupad na ‘police  visibility’  sa vital installations sa lungsod ng Maynila. Ayon kay MPD Director, Senior Supt. Joel Napoleon Coronel, ito ay bilang pagtugon sa “state of lawless violence” na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong bansa. Aniya, kabilang sa mga lugar na mahigpit ni-yang pinababantayan ang paligid ng Malacaiñang, …

Read More »

Murder vs Tanto inihain

PINAKAKASUHAN ng murder ng DoJ ang road rage suspect na si Vhon Martin Tanto. Sa walong pahinang resolusyon na pirmado nina Prosecutor General Claro Arellano at Senior Deputy State Prosecutor Theodore Villanueva, kasong murder at serious physical injury ang nakatakdang isampang kaso laban kay Tanto. Si Tanto ang suspek sa pagbaril at pagpatay sa siklistang si Mark Vincent Garalde at …

Read More »

Bagong Zika case sa PH kinompirma ng DoH

KINOMPIRMA ng Department of Health (DoH) ang panibagong kaso ng Zika virus sa bansa. Ayon kay Health Undersecretary Gerry Bayugo, ang pasyenteng isang babae, nasa 40s ang edad at may-asawa, ay mula sa lalawigan ng Iloilo. Ang nasabing babae ang pang-anim na kaso ng Zika sa bansa mula noong 2012. Aniya, nagpositibo sa Zika virus ang pasyente sa isinagawang pagsusuri …

Read More »

2 patay sa shootout sa checkpoint

PATAY ang dalawang lalaki, kabilang ang isang pulis makaraan humarurot mula sa isang checkpoint sa Malate, Maynila at makipagbarilan sa mga pulis nitong Linggo ng gabi. Kinilala ang mga napatay na sina PO2 Manuel Fuentes at Alexander Escobal. Sa pinaigting na police checkpoint, pinatigil ang mga suspek sa Adriatico St., ngunit imbes huminto ay pinaharurot ang sinasakyang motorsiklo kaya’t sumem-plang …

Read More »

4 iskul nabulabog sa bomb threat

NABULABOG ang apat paaralan malapit sa Malacañang Palace sa San Miguel, Maynila kaugnay sa bantang pagpapasabog. Makaraan ang masusing inspeksiyon, kinompirma ng mga awtoridad na walang bombang nakatanim sa Centro Escolar University (CEU), San Beda College, Eulogio “Amang” Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST) at College of the Holy Spirit-Manila (CHSM). Ang EARIST nitong Linggo ng gabi ang unang …

Read More »

Sumaklolo sa holdap, kelot pinatay

PATAY ang isang lalaki makaraan barilin nang tulungan ang kasamang hinoholdap sa Sta. Cruz, Maynila nitong Huwebes ng hapon. Kinilala ng pulisya ang biktimang namatay na si Arnold Ramos habang sugatan ang kaibigan niyang si Hector Roldan. Ayon sa ulat, lumuwas sa Maynila si Roldan para bumili ng mga piyesa ng sasakyan. Ngunit hinoldap siya ng mga suspek. Nang aktong …

Read More »

9 patay sa anti-drug ops sa Maynila

shabu drugs dead

UMABOT sa siyam hinihinalang tulak ng droga ang namatay sa magkakahiwalay na anti-drug operations ng pulisya sa Quiapo, Tondo, at San Andres sa lungsod ng Maynila kamakalawa at kahapon ng umaga. Ayon sa ulat ng pulisya, lima ang napatay sa operasyon sa Quiapo, tatlo sa Tondo at isa sa San Andres. Kinilala ang tatlo sa limang napatay sa buy-bust operation …

Read More »

Suspek sa Davao bombing nakapuslit sa NBI

NAKATAKAS sa nakabarilang mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) at tauhan ng Armed Forces of the Phiippines (AFP) ang suspek na sangkot sa tangkang pagbomba sa Francisco Bangoy Internationa Airport sa Davao City noong 2003. Gayonman, nakuha ng NBI ang naiwang high-powered rifle, pampasabog, mga armas, granada, at Icom-two way radio ng suspek na si Abdul Manap Mentang …

Read More »

Tulalang babae naligis ng tren

NAKALADKAD ng ilang metro ang isang 41-anyos babaeng sinasabing may diperensiya sa pag-iisip, bago tuluyang namatay makaraan mabangga nang rumaragasang tren ng Philippine National Railways (PNR) habang naglalakad sa riles sa Sampaloc, Maynila kamakalawa ng umaga. Ayon kay PO2 Benito Mateo, imbestigador ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), ang biktima ay si Marlene Macapagal, residente ng 1732 Mindanao Avenue, …

Read More »

17-anyos coed tumalon mula 4/f ng condo, patay

PATAY ang isang estudyante makaraan tumalon mula sa ikaapat palapag ng isang condominium building sa Malate, Maynila bunsod ng problema sa pamilya. Binawian ng buhay habang isinusugod sa Philippine General Hospital (PGH) ang biktimang si Romelyn Saria, 17, residente ng 292 Alapan 2nd, Imus, Cavite. Ayon sa ulat ni SPO2 Bernardo Cayabyab kay Senior Inspector Rommel Anicete, hepe ng Manila …

Read More »