Thursday , June 4 2026
rape

Celebrity doctor tinutugis ng NBI, PNP sa rape case

INATASAN ng korte ang National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) na dakpin ang isang kilalang beauty surgeon ng kilalang mga celebrity dahil sa kinakaharap na kasong kriminal.

Sa ipinalabas na alias warrant of arrest ni Judge  Imelda Porte-Saulog ng Mandaluyong City RTC Branch 214, bukod sa NBI ay pinakikilos din ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng PNP upang madakip si Dr. Joel Mendez, ang president at may-ari ng Mendez Medical Group, na nakabase sa SM Megamall sa Mandaluyong City.

Kabilang sa mga kaso laban kay Mendez na nakabimbin sa nasabing korte ay isang attempted rape at dalawang kasong panghahalay.

Sa rekord ng korte, naganap ang sinasabing panghahalay ni Dr Mendez sa isang 17-anyos estudyante ng kilalang unibersidad sa Lungsod ng Maynila, na naging endorser ng Mendez Medical Clinic.

Ayon sa complainant, dakong 7:30 hanggang 8:30 pm noong Setyembre 29, 2015 nang maganap ang panghahalay sa kanya ni Mendez.

Nasa loob aniya siya ng klinika at sumasailalim sa procedure nang pumasok si Dr Mendez, nilagyan siya ng rubbing cream sa buong katawan hanggang sa kanyang ari ngunit ipinasok ng respondent ang daliri sa kaselanan  ng biktima

Naghubad din aniya ng kasuotan ang naturang doctor saka siya pinatungan na tumigil lamang nang siya ay sumigaw sa loob ng klinika.

Ayon sa complainant, siya  ay kinuhang endorser  ni Dr. Mendez  at isa sa mga pribilehiyo niya bilang endorser ay isang-taon na libreng serbisyo para sa pagpapaganda.

Nagtakda ng tig-P120,000 piyansa ang korte para sa kasong attempted rape at dalawang kasong panghahalay o kabuuang P360,000.

( LEONARD BASILIO )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …