DUMATING ang isang “milagro” kay Alice Dixson na kanyang ibinahagi sa kanyang Instagram. Pero hindi ultra sound ng baby ang picture na hawak niya sa IG kundi dalawang maliit na footprints. Sa kaugnay na balita, nabasa namin sa Instagram ng talent manager na si Manay Lolit na ang pregnancy ni Alice ay through surrogacy. Isang foreigner pala ang second husband niya. Anumang paraan ng …
Read More »Aktres positive sa Covid; produksiyon suwapang sa projects
AYAW ibisto ng isang staff ng produksiyon ang isang aktres na nadale ng COVID-19 sa isang shoot na hindi na lang namin babanggitin kung saan sector ng entertainment industry. Ang kuwentong nasagap namin sa staff, sinusuwapang ng isang kompanya ang pagkuha ng projects kahit nasa pandemic ang bansa. Mahal na nga ang singil, naglalagare pa ang mga staff na kinukuhang magtrabaho …
Read More »Sharon kay Fanny — This is not the end (Paalam Tita Fanny fake news)
DEPRESSING at nakaiiyak ang latest update ni Sharon Cuneta sa kaibigang si Fanny Serrano. Sa huling post ni Shawie sa Instagram account, naka-life support na si Fanny. “HINDI KO NA KAYA. Tita Fanny is now on life support…meaning, without all the machines connected to him,” bahagi ng post ni Sharon kalakip ang litrato na inaayos ni Tita Fanny ang buhok niya. Nakadudurog ng puso ang sumunod …
Read More »Tom nanginig ang tuhod nang mag-propose kay Carla
MAHALAGA ang number 18 para kina Carla Abellana at Tom Rodriguez. ‘Yun ang number ng araw na naging boyfriend and girlfriend sila seven years ago. Kaya naman sa engagement na inayos ni Tom para kay Carla, ‘yung date sa araw na number 18 ang pinili niya. ‘Yun nga lang, sa araw ng proposal, inamin ni Tom sa virtual interview nila ni Carla, …
Read More »Sanya Lopez nasorpresa sa nominasyon sa EDDYS
PASADO sa panlasa ng bumubuo ng EDDYS ang performance ni Sanya Lopez sa pelikulang Isa Pang Bahaghari. Kaya naman kasama si Sanya sa listahang nominado para sa best supporting actress category. “Nasorpresa ako sa nomination mula sa EDDYS. Labis akong natutuwa nang mapansin muli ang pagganap ko sa ‘Isa Pang Bahaghari,’” saad ni Sanya. Makakalaban ni Sanya sa nasabing kategorya sina Via Antonio (Alter Me), Rhen Escano (Untrue), Agot …
Read More »Epal na basher kay Xian: mas bagay na Vico Sotto
MAY epal na basher si Xian Lim nang mag-post ang aktor ng picture sa Instagram na naka-barong tulad ni Manila Mayor Isko Moreno. Si Xian kasi ang final choice ng producers at director na si Joven Tan para gumanap na older Isko sa bio-flick na ginagawa niya ngayon. Ayon sa isang netizen, mas bagay si Xian bilang Pasig City Mayor Vico Sotto. Pero mas maraming bumati at pumuso sa …
Read More »‘Nightshift’ Tweet ni Marvin pinagpiyestahan
PINAGPIPISTAHAN ngayon ng netizens sa social media ang isang pahayag ng aktor na si Marvin Agustin kaugnay ng ipinaiiral na curfew sa Metro Manila. Sa Twitter account ni Marvin naka-post ‘yon at hindi sa Instagram o Face Book nang siyasatin namin kung siya nga ang nag-post. Heto ang tweet ni Marvin nitong nakaraang araw na isine-share ng ilang netizens. “Nalilito ako. May curfew sa gabi para …
Read More »BL serye sa GTV nakabibilib
BUMILIB ang viewers sa tapang kuwento ng My Fantastic Pag-ibig last Saturday. Tungkol ito sa pagmamahalan ng isang normal na lalaki at ang tinatawag na sirena. Bida sa episode sina Alex Diaz bilang sireno at si Yasser Marta bilang normal na tao. Komento ng isang netizen, ”Eto ‘yung super rare na maipalalabas sa Philippine TV eh kudos sa team na lakas loob na gumawa nito. And they …
Read More »Galing ni Shaira pinuri ni Sylvia
NAGPAABOT ng mensaheng papuri ang award-winning actress na si Sylvia Sanchez kay Kapuso actress Shaira Diaz. Ipinaabot ni Sylvia ang pagbati at papuri kay Shaira nang i-post nito sa kanyang Instagram ang TV plug ng kinabibilangang GMA series na I Can See You Season2. Si Shaira ang bida sa episode na titled On My Way To You. “Conrats nak. Deserve mo yan magaling ka,” komento ni Sylvia. Hindi …
Read More »Thia nahirapang pumapel bilang PSG
NAHIRAPANG umastang lalaki ang beauty queen na si Cynthia Thomalla dahil sa character niya sa GMA series na First Yaya na magsisimula ngayong gabi. Papapel na isang member ng Presidential Security Guard si Thia (tawag kay Thomalla) sa series. Eh dahil nasanay siyang rumampa bilang beauty queen, naging awkward sa simula ang character. “Kailangan matigas ang dating ko dahil member ng PSG. Nahirapan noong …
Read More »Cassy nanginig sa pagsalang sa First Yaya
TENSIYONADA si Cassy Legaspi nang tumuntong sa set ng una niyang Kapuso series na First Yaya. Alam niyang sanay sa TV at movies ang parents niyang sina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel kaya alam niyang mataas ang expectations sa kanya ng tao. “I guess people would expect na sanay na ako sa showbiz because in my entire life I was in showbiz. “Noong first …
Read More »Pasaring ni Bea kina Ge at Julia trending
HINDI nagpakabog si Bea Alonzo sa pasabog na rebelasyon ni Gerald Anderson sa interview ni Boy Abunda. Umamin si Gerald kay Boy na happy siyang kasama ngayon si Julia Barretto. May sundot pa itong wala siyang ghinost, huh! Ang buwelta ni Bea sa latest post sa Instagram habang nasa farm nila sa Zambales, ”Time is best spent with family, time that heals all wounds, and TIME AS THE …
Read More »Kapuso series siksik ng matitinding eksena
SIKSIK ng rebelasyon at matitinding eksena ang episodes ng primetime Kapuso series ngayong Lunes, Marso 8. Finale week na ng Anak ni Waray versus Anak ni Biday nina Barbie Forteza at Kate Valdez. Malalaman na kung kaninong anak talaga ang character ni Barbie. Kasunod nito ang pasabog ding rebelasyon sa Love of My Life na two weeks na lang mapapanood sa ere. Aamin na kaya ang character …
Read More »Art exhibit ni Solenn ‘di pa man nagsisimula iniintriga na
NAGKAROON ng issue ang naka-schedule na painting exhibit ng Kapuso artist na si Solenn Heussaff. Eh sa social media account ni Solenn, may ipinost siyang picture ng kanyang artworks na may background na isang mahirap na urban community bilang promo ng exhibit. Deleted na ang post niyang ‘yon matapos bumuhos ang kritisismo sa post. Naglabas ng apology si Solenn sa kanyang Instagram account kahapon …
Read More »Rhian kikay na palaban
HOOKED na hooked ang manonood sa Kapuso series na Love of My Life dahil sa paganda nang pagandang kuwento nito. Eh nagagawa pang makipagsabayan kay Coney Reyes ng younger cast gaya nina Carla Abellana, Rhian Ramos, at Mikael Daez, huh! Swak na swak kay Carla ang role niyang matiisin pero handang lumaban; si Rhian na kikay-kikay pero palaban din at si Coney, magaling na aktres talaga! …
Read More »Saab kay Dr Gap — This man saved my son’s life
REBELASYON ang inihayag ni Saab Magalona, anak ng yumaong rappeer na si Francis Magalona at Pia sa Twitter tungkol kay Dr. Gerardo Hizon Legaspi o kilala rin sa tawag na Dr. Gap. Si Dr. Gap ang unang nakatanggap ng Covid-19 vaccine sa bansa last March 1. Kasalukuyan siyang director sa Philipine General Hospital. Naging pribado ang buhay ni Saab nang magkaroon ng asawa at anak. Kaya naman sa tweet …
Read More »Kaputol ni Cong Alfred pinarangalan ng FDCP
ISA si Congressman Alfred Vargas sa pinarangalan kamakailan ng Film Development Council of the Philippines sa katatapos na Film Ambassadors’ Night. This time, para sa pelikulang Kaputol na produced ng AV Cinema ni Cong. Alfred ang parangal pati na sa cast nito. “Completing a film born out of passion is a reward in itself. Being honored for it is an inspiration and validation that we are on the right …
Read More »Heart may pa-bday sa mga batang ulila
PINILI ng Kapuso artist na si Heart Evangelista na i-celebrate ang kanyang belated 36th birthday kasama ang mga madre sa Jardin de Maria Orphanage sa Sorsogon. Last February 14 ang kaarawan ni Heart. Hindi na bago ang pagtulong sa kanya but this time, mga batang walang magulang o guardian ang binigyan niya ng biyaya. “With the sisters of the Jardin de Maria Orphanage …
Read More »Sanya huhusgahan na
HUHUSGAHAN na ang Kapuso artist na si Sanya Lopez dahil malapit nang umere ang biggest break niya sa TV, ang First Yaya. Ang First Yaya ang kapalit ng magtatapos na Anak ni Waray versus Anak ni Biday nina Barbie Forteza at Kate Valdez. Bukod kay Sanya, sa series din ang unang sabak ni Joaquin Domagoso, anak ni Manila Mayor Isko Moreno, sa aktingan. Si Cassey Legaspi ang ka-loveteam niya sa series. …
Read More »Netizens to Aljur & Kylie: fight for your marriage
NAGSUSUMAMO ang followers ni Aljur Abrenica na ipaglaban ang at kasal at relasyon sa asawang si Kylie Padilla. Eh sa latest post ni Aljur sa Instagram, kasama pa niya sa picture ang dalawang batang anak nila ni Kylie, huh! “Fight for your marriage, nakaawa ang mga bata. Put God in the center of your relationship. Pag-usapan ninyo whatever is the problem. Don’t give up,” komento …
Read More »Ogie kating-kati na sa Kilabotitos
KATING-KATI nang gawin ni Ogie Alcasid ang naudlot na Kilabotitos concert nila ni Ian Veneracion. Last year ito naka-schedule eh dahil inabutan ng pandemyang dala ng COVID-19, na-postpone ito. So nagdesisyon sina Ogie at Ian na gawin itong virtual concert na magaganap sa March 26 via KTXph. “Nabitin kami ni Ian. Sayang naman ‘yung preparasyon namin. Marami ang na-disappoint. Ini-refund namin ‘yung pera ng nakabili …
Read More »Aiko may ngiti Prima Donnas may Book 2
NATUPAD ang kahilingan ng followers ng Kapuso afternoon drama na Prima Donnas dahil magkakaroon ito ng Book 2 this 2021! Ang magandang balita ay inanunsiyo ng program manager ng series na si Redgynn Alba sa cast sa isang zoom meeting matapos ibahagi ang commendation ni Atty. Felipe L. Gozon sa program cast at sa bumubuo ng team Prima Donnas. Dagdag ni Ms. Alba, ”I would like to …
Read More »Nathalie mabenta sa TV at movies
PAMINSAN-MINSAN lang ang suportang ibinibigay ng former husband ni Nathalie Hart sa anak nilang si Penelope na isang taon nang hindi nakikita dahil sa pandemic. Mabuti na lang, mabenta pa rin si Nathalie sa TV at movies. Guest siya ngayong Sabado sa episode na millennial queer women, magkakaroon siya ng series sa TV5, at may tinatapos na movie, ang Kunwari Mahal Kita kasama sina Joseph Marco at Ryza Cenon. Nagtayo …
Read More »Spox Roque trending sa ‘virgin pa’ sa EB
NAGING “pulutan” ang Kapuso broadcast journalist na si Joseph Morong nang maging “judge” si Presidential Spokesperson Harry Roque sa Bawal Judgmental segment ng Eat Bulaga noong Sabado. Kung nasusubaybayan ninyo, si Joseph ang kadalasang nagtatanong kay Spox Harry sa tuwing may media briefing sa Malacanang. Maurirat sa kanyang tanong si Morong to the point na makulit! Eh may choice na si Roque kaya lalong nadiin sa ilang …
Read More »Netizens nawindang kay Aiko
NADAGDAG sa listahan ng GMA dramas na binigyan ng commendation ng Chief Executive ng network ay ang afternoon drama na Prima Donnas. Ang commendation mula kay GMA President at CEO na si Atty. Felipe L. Gozon ay dahil sa, ”hard work at passion for excellence” kaya naman tinawag niya ang buong team na best assets ng kuompanya. Ang mga GMA program na unang nabigyan ng commendation ay …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com