Monday , October 25 2021

Mr. M walang balak isama ang mga nasa Star Magic (Sa paglipat sa GMA)

I-FLEX
ni Jun Nardo

HAPPY to be a  Kapuso!” ‘Yan ang bungad ng  director at star-builder na si Johnny Manahan nang pumirma ng contract sa GMA. Pero magsisilbi siyang consultant sa GMA Artist Center at entertainment shows. Hindi siya magdidirehe ayon sa pahayag niya sa virtual mediacon niya kahapon.

Paretiro na ang director matapos ang shows sa TV niya at ibang commitments. Pero kating-kati pa siya magtrabaho kaya naman nang makausap ang kaibigan sa GMA at ilang boss, nagkasundo at bahagi na ngayon ng GMA.

Sa pagiging Kapuso, wala siyang balak isama ang nasa Star Magic na naging bahagi ng pag-build up niya.

“Wala. Sila na ang bahalang magdesisyon. Abangan na lang natin,” saad ni direk Johnny.

Malawak ang responsibilidad na ibinigay sa kanya. Uunahahin niya ang imaging ng younger breed of stars at pinatutulong din siya sa ongoing musical variety ng Kapuso Network.

About Jun Nardo

Check Also

Tom Rodriguez, Carla Abellana, Wedding Ring

Tom at Carla opisyal ng mag-asawa

I-FLEXni Jun Nardo OPISYAL ng mag-asawa sina Tom Rodriguez at Carla Abellana. Kahit makulimlim ang panahon, natuloy …

Ara Mina, Dave Almarinez

Ara suportado ang asawang si Dave Almarinez

I-FLEXni Jun Nardo ITINAYA ni Ara Mina ang pangalan niya na hindi magsisisi ang mamamayan sa lone …

Blind Item, Men

Male starlet pinagpasasaan ng sakrekwang kalalakihan

NAGULAT kami roon sa nakita namin sa aming newsfeed noong isang araw sa isang social media …

Tom Rodriguez, Carla Abellana, Wedding

Kasalang Tom & Carla napaka-pribado

HATAWANni Ed de Leon MAGKASAMA ang dating mag-asawang sina Rey PJ Abellana at Rea Reyes, sa paghahatid sa …

Mel Sarmiento, Kris Aquino

Kris Aquino inalok na ng kasal ni dating DILG Sec Mel Sarmiento

ni MARICRIS VALDEZ NAGULAT ang lahat sa bagong pasabog post ni  Kris Aquino sa kanyang Instagram, ito ay …

Leave a Reply