Abby Viduya Priscila Almeda Leandro

Abby viduya aktibo muli sa showbiz

I-FLEX
ni Jun Nardo

BALIK-SHOWBIZ pala ang aktres na si Abby Viduya o si Priscila Almeda na sumikat sa showbiz noong panahon ng Seiko Films.

Abby Viduya na ang gamit niyang screen name ngayon at kasama siya sa cast ng Kapuso adventure-serye na Lolong. Bida sa series si Ruru Madrid.

Sa pagbabalik-showbiz ni Abby, siyempre, lumutang ang balitang nagkabalikan na sila ng former teenage boyfriend na si Jomari Yllana, huh!