Saturday , January 31 2026

Jun Nardo

Sarah wa ker sa birthday ni Richard, Zion ang isinama sa concert

Sarah Lahbati Zion

I-FLEXni Jun Nardo MAS binigyang-halaga ni Sarah Lahbati na makasama ang anak na si Zion kaysa nakaraang birthday ni Richard Gutierrez. Ang anak na si Zion ang kasama ni Sarah sa concert ng British band na Coldplay sa Philippine Arena. Sa totoo lang, kanya-kanya nang buhay sina Chard at Sarah kaya wala na silang dapat aminin o itanggi pa kaugnay ng kanilang relasyon, huh! Balik showbiz na …

Read More »

Anne Curtis mala-diyosa sa atomic blonde look 

Anne Curtis

I-FLEXni Jun Nardo ANOTHER diyosa look ang plinex ni Anne Curtis sa kanyang social media account. “Atomic blonde” ang pasabog ni Anne dahil sa kanyang bagong hairstyle na nakakapanibago,huh! Eh alam naman niyo si Anne, walang takot mag-experiment dahil confident siya sa looks niya, huh. Pero kahit nakikita si Anne sa It’s Showtime, marami pa rin ang nakaka-miss sa kanyang umaaarte sa TV …

Read More »

Sofia kinompirma BF na si Prince

Prince Clemente Sofia Pablo

NAKAHINGA ng maluwag si Sofia Pablo nang amining boyfriend na niya ang Kapuso artist na si Prince Clemente. Si Pince ang naging escort ni Sofia sa 18th birthday niya at nakasama sa ilang biyahe abroad. Para matigil na raw ang emo-emo ng kanyang fans, minabuti niyang kompirmahin ang relasyon kay Prince. Siniguro naman ni Sofia na kasama pa rin sa priorities niya ang …

Read More »

Anak ni Pokwang na si Malia napatili sa regalo ng pamilya Dantes 

Malia Pokwang Marian Rivera

I-FLEXni Jun Nardo IPINAGMALAKI ni Pokwang ang regalo mula sa pamilya Dantes – Dingdong, Marian, Zia, at Sixto – ang regalong ibinigay nila para sa anak niyang si Malia. Ipinakita ni Pokie sa kanyang Instagram ang regalo pati na ang unboxing ni Malia. Saad ni Malia, “Thank you very much! I love this gift!” at sabay napatili nang makita ang ilan sa regalo. Pinasalamatan din ni Pokwang ang mag-asawa na …

Read More »

Ruru magaling na kaya balik-trabaho

Ruru Madrid

I-FLEXni Jun Nardo BACK to reality na si Ruru Madrid matapos maospital. Si Ruru na rin ang nagpahiwatig sa kanyang Instagram ng, “I’m back!” para malaman ng publiko na he’s willing and able na sa trabaho, huh. Hindi muna napanood nitong nakaraang araw si Ruru Kay Matteo Guidicelli at sa tatay niya sa series na si Gary Estrada ang focus ng kuwento.

Read More »

Sports car ni Daniel naibenta na, bahay ibinebenta rin daw?

Daniel Padilla sports car

I-FLEXni Jun Nardo NAIBENTA na ang sports car ni Daniel Padilla ayon sa reports. Isang buyer mula sa Pampanga ang nakabili ng mamahaling sasakyan ng young actor. Kay Boss Toyo ng Pawnstars unang inialok umano ang kotse. Pero tinanggihan umano ito, huh! Ang latest chika kay Daniel, ang bahay naman daw niya umano ang ibinebenta. Wala naman masamang magbenta ng gamit kung hindi na ito masyadong …

Read More »

Pops aminadong kinakabahan sa pagbabalik-concert

Pops Fernandez

I-FLEXni Jun Nardo LAGING gamit ni Pops Fernandez ang salitang always kapag pumipirma ng autograph para sa fans. Kaya naman ito ang ginamit niya sa 40th anniversary concert sa February na gagawin sa Newport Performing Arts. Sabi ni Pops nang mag-guest sa Marites University, “It will be a happy concert, sing and dance gaya ng ginagawa ko noon. I feel nervous of course dahil …

Read More »

Yorme Isko kuntento sa bagong titulo ng noontime show — kilala naman ng tao, basta magpapasaya kami

Isko Moreno Tahanang Pinakamasaya

I-FLEXni Jun Nardo TWENTY-FOUR years na ang marriage ni Yorme Isko Moremo sa wife niyang si Dynee. Patunay ang wedding nila na wala sa haba o iksi ng engagement ang tibay ng pagmamahalan ng dalawang tao. “Isang buwan lang kami, nagpakasal kami agad. And now, going silver na ang marriage namin. Hindi mo alam talaga at wala sa haba o iksi ang itatagal …

Read More »

Film critic at veteran columnist na si Mario Bautista pumanaw na

Mario Bautista

I-FLEXni Jun Nardo NAGLULUKSA ang showbiz entertainment industry sa pagpanaw ng beteranong kolumnista at film critic na si Mario Bautista sa edad na 77 na kinompirma ng mga anak niya sa social media account nila. Una naming napanood sa TV si Mario sa programang Let’s Talk Movies n nagre-review ng local movies. Hanggang sa naging bahagi rin kami ng buhay niya noong panahon ng …

Read More »

Ruru bumigay ang katawan itinakbo sa E.R.

Ruru Madrid Bianca Umali

HINDI kinaya ni Ruru Madrid ang trabaho dahil bumigay na ang katawang-lupa niya nitong nakaraang mga araw. Inilabas  ni Ruru sa Instagram ang picture niyang nakahiga sa ospital bed matapos isugod sa E.R. dahil sa trangkaso, masakit ang lalamunan at hirap magsalita. Pinayuhan ng doctor ang Sparkle actor na magpahinga nang maayos para sa mabilis niyang recovery. Nalungkot si Ruru dahil kahapon, dapat ay may …

Read More »

Jasmine at Liezel bardagulan kay Rayver

Jasmine Curtis Smith Liezel Lopez Rayver Cruz

I-FLEXni Jun Nardo MAINGAT ang GMA Creatives sa bagong primetime series na Asawa Ng Asawa Ko. Eh ang kuwento ay tungkol sa pagpapakasal ng isang lalaking may asawa dahil nawala ang una niyang asawa na inakalang patay na. May legal provision sa batas kaugnay ng absence ng isang tao ng ilang taon. May legal provision sa batas kaugnay ng tinatawag na presumptive death. …

Read More »

 Sarah kinuyog ng mga Gutierrez in-unfollow sa Instagram

Sarah Lahbati Richard Raymond Ruffa Annabelle Rama

I-FLEXni Jun Nardo KUYOG ang ginawang pag-unfollow ng Gutierrez family kay Sarah Lahbati sa Instagram—Richard, Ruffa, Raymond. Pati si mother nilang si Annabelle eh tinabla na si Sarah, huh! Buwan na nang pagpistahan ang hiwalayan nina Richard at Sarah pero wala pang kompirmasyon sa dalawa. Eh kung ang pag-unfollow sa IG ang basehan na hiwalay na talaga ang dalawa, aba, sobra-sobra nang basahen ito para sabihing tapos …

Read More »

Elle bugbog-sarado kina Kristoffer, Myrtle, Clare, Royce, at Teejay

Makiling

I-FLEXni Jun Nardo DUSA ang dinanas ng bidang si Elle Villanueva sa pahirap scenes sa kanya ng limang kontrabida niya sa Public Affairs series ng GMA na Makiling na ngayong hapon mapapanood. Bugbog-sarado, sugat-sugat, at kung ano-anong pasakit ang dinanas niya sa mga kontrabida niyang sina Kristoffer Martin, Myrtle Sarrosa, Clare Castro, Royce Cabrera, at Teejay Marquez na ang tawag ay Crazy 5. Buti na lang, sa bawat mahihihirap na eksena ni …

Read More »

Isa lang ang ‘Eat Bulaga!’ Rito ‘yun sa TV5! — TVJ

TVJ Eat Bulaga Dabarkads

I-FLEXni Jun Nardo PASKO at Bagong Taon ang ambiance sa TV5 studio last Saturday nang umapir ng live ang Legit Dabarkads sa Eat Bulaga sa pangunguna nina Tito, Vic and Joey para isapubliko muli ang desisyong pabor sa kanila ng Regional Trial Court ng Marikina City kaugnay ng kasong Copyright Infringement at Unfair Competition laban sa GMA at TAPE, Inc.. Ibinahagi ni Tito Sotto ang ilang salient points sa judgment na naglabasan na sa media lalo …

Read More »

Annabelle Rama laban-bawi sa pag-like sa post ni Sarah

Sarah Lahbati Annabelle Rama

I-FLEXni Jun Nardo LABAN-BAWI na dating segment ng Eat Bulaga ang ginawa ni Tita Annabelle Rama sa pag-like sa isang post ng dating manugang na si Sarah Lahbati. Hindi na namin inalam kung anong post ito ni Sarah na ni-like ni Tita A. Pero wala pa yatang 24 hours nang ni-like, binawi na ni Tita A ang pag-like, huh. Sa isyu ng Gutierrez at Sarah, mas matapang …

Read More »

Kita ng MMFF umabot na sa P700-M 

I-FLEXni Jun Nardo NGITING-TAGUMPAY ang pamunuan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) dahil umabot na sa mahigit P700-M ang kinita ng 2023 Metro Manila Film Festival ayon sa reports. Of course, wala pang official report sa resulta ng festival kahit naglalabasan na sa social media ang figures na kinita ng pelikulang Rewind na umabot na raw sa P300-M plus, huh! Malayong second placer ang Mallari ni Piolo Pascual at third …

Read More »

Angelica at Gregg ikinasal na sa US

Angelica Panganiban Gregg Homan Kim Chui Bela Padilla

I-FLEXni Jun Nardo IKINASAL na last December 31, 2023 si Angelica Panganiban sa partner niyang si Gregg Homan sa Amerika. Ilan sa dumalo sa wedding ni Angelica ay ang kaibigang sina Kim Chui at Bela Padilla. Sa IG post ni Angelica, caption niya sa picture na ipinakikita ang wedding ring, “Patuloy na mananalig at maniniwala sa pag ibig. Sa kabila ng lahat ang pagmamahal pa rin ang …

Read More »

Anne Curtiz na-shadow ban sa IG 

Anne Curtis Instagram Shadow Ban

I-FLEXni Jun Nardo NA-SHADOW ban (kung ano man ‘yon) ng Instagram ang post ni Anne Curtis na hubad siya at tanging mga braso at kamay ang nakatakip sa pisngi ng kanyang boobs! Sa picture, ipinakita ni Anne ang maliit na tattoo sa bandang itaas ang katawan niya. Siyempre pa, humamig ito ng mahigit 400K likes at thousand comments as of this writing. Sumulat si …

Read More »

Derek nilinaw pagiging homebody ni Ellen — She’s not a party goer

Derek Ramsay Ellen Adarna

I-FLEXni Jun Nardo NAGUGULAT na si Derek Ramsay kapag may kumakatok sa kanyang bahay (sa Alabang Village?) at nagtatanong kung for sale ang bahay niya. “Hindi lang kasi once o twice ‘yung kumakatok. Marami na at gustong bilhin ang bahay. Siyempre, sinasabi ko na hindi for sale ang house,” chika ni Derek nang ma-interview namin siya via Zoom sa Marites University. Pero pumapasok sa …

Read More »

Paul maalaga sa kutis

Paul Salas

I-FLEXni Jun Nardo TODO ang paghanga ng Sparkle artist na si Paul Salas sa chief executive officer ng BeautyWise na si Abdania Galo dahil sa murang edad niyang 18 eh namamahala na sa isang kompanya. Si Paul ang  kinuhang endorser ng kompaya na lalaki. Naniniwala rin kasi si Ma’am Abdania na kahit ang lalaki ay dapat alagaan ang kutis at maging maalaga sa katawan lalo na …

Read More »

Kelvin ‘di apektado ng tsikang pumatol sa foreign singer

Kelvin Miranda

I-FLEXni Jun Nardo HINDI apektado ang Sparkle artist na si Kelvin Miranda sa pagtuturo sa kanya na pumatol sa isang foreign singer sa halagang P1-M per night. Eh nagagawa pang maki-chika at humarap sa tao ni Kelvin sa thanksgiving party ng Regal Entertainment last week, huh! Medyo nabago ang looks ni Kelvin ngayon dahil marahil sa gagawing GMA series na Sanggre, huh. Siya lang kasi ang nag-iisang lalaki na …

Read More »

Viva Films 3 beses nang ginawaran ng Producer of the Year ng 6th The EDDYS

VIVA Films Eddys

I-FLEXni Jun Nardo IKATLONG beses nang nahirang na Producer of the Year ang Viva Films ng The EDDYS o ng Entertainment Editors Choice November  26. Of course, patunay ito ng commitment ng Viva Films na magbigay ng content sa iba’t ibang platform para bigyan ng entertainment ang publiko sa bansa. Ang Viva Films ngayon ang most prolific film producer na nagpabalik ng mga tao sa sinehan nang ipalabas nila …

Read More »

 Irespeto nila ang proseso! — sigaw ng abogado ng TAPE Inc.

Eat Bulaga

I-FLEXni Jun Nardo IPINAUBAYA na ng TAPE, Inc. ang theme song ng Eat Bulaga dahil may bago na ring  host ang show nilang Eat Bulaga at may sarili na rin itong theme song. Kahit may desisyon na ang adjudicator ng Bureau of Legal Affairs ng Intellectual Property Office sa pagpabor ng trademark registration kay Joey de Leon, wala naman sa desisyon ng adjudicator na ipinagbabawal sa TAPE …

Read More »

Zeinab Harake at Derek nagkagatan ng labi 

Derek Ramsay Zeinab Harake

I-FLEXni Jun Nardo WILD kung wild ang bakbakan sa kama nina Derek Ramsay at ang influencer na si Zeinab Harake sa festival movie ng Quantum Films na Kampon na simulang mapapanood sa December 25. Ayon kay Derek, wild ang scenes nila ni Zeinab dahil lust at one night stand lang ang lampungan nila. May mga kagat labi raw at talagang bigay na bigay sila. Sey naman ni Zeinab, …

Read More »

Cassy naaksidente, tumama ang ulo habang nag-e-exercise 

Cassy Legaspi John Gabriel Vilma Santos

I-FLEXni Jun Nardo NAGKARON pala ng freak accident si Cassy Legaspi habang nasa shooting ng festival movie rito sa Pinas na kabilang siya. Nasa isang tent daw si Cassy na tila nag-e-exercise. Malapit siyang nakikita ni John Gabriel na kasama rin sa movie habang nasa bandang malayo naman si Darren Espanto. Kuwento ni John nang mainterview sa Marites University, “Pinanonood ko lang si Cassy sa stretching …

Read More »