Young Creative Challenge YC2 Imee Marcos

Galing ng Pinoy ipinakita sa Young Creatives Challenge

I-FLEX
ni Jun Nardo

NAGTAPOS na ang grand battle of creativity na Young Creatives Challenge (YC2) na nilahukan ng mahuhusay na creatives buong bansa.

Ginanap ang awarding sa Samsung Hall sa SM Aura na special guest si Senator Imee Marcos na may pakana ng proyekto sa pakikipagtulungan sa Department of Trade and Industry.

Hinirang ang magagaling na songwriters, screenwriters, playwrights, animators, graphic novelists, game developers, at online content creators.

Bisitahin ang Face Book page ng  Young Creatives Challenge para sa listahan ng mga nagwagi na ang galing ng Pinoy ang ipinamalas nila.