Aga Muhlach Charlene Gonzales Andres Atasha

Pamilya Muhlach mapapanood sa isang sitcom sa TV5

I-FLEX
ni Jun Nardo

DA Pers Pamily ang title ng sitcom ng Muhlach family – Aga, Charlene, Atasha, Andres – sa TV5.

First time lalabas sa sitcom ang pamilya Muhlach. Una nang sumalang si Atasha sa Eat Bulaga and who knows, sumunod na ang kakambal niyang si Andres na nililigawan na rin ng ibang shows para makasama nila, huh.

Ang isa pa palang show saa TV5 na mapapanood ay ang  Miles Ocampo starrer na Padyak Princessna produced ng APT Entertanment at mapapanood din sa Buko Channel.

Matindi na naman ang bakbakan ng shows sa tanghali, huh!