Sunday , April 21 2024
Arjo Atayde Maine Mendoza

Birthday greetings ni Cong Arjo kay Maine umani ng negatibong komento

I-FLEX
ni Jun Nardo

BINATIKOS ng netizens ang political Facebook page ni QC Congressman Arjo Atayde kaugnay ng birthday greetings niya sa asawang si Maine Mendoza.

Ikinawindang ng netizens ang paggamit  ni Cong. Arjo sa logo ng House of Representatives sa greetings sa asawa. (Sayang lang at hindi namin agad nakuhanan ng picture dahil hindi na namin makita sa page).

Umani rin noon ng batikos ang post sa Instagram ni Mariel Padilla, asawa ni Senator Robin Padilla, habang gumagamit ng umano’y gluta drip sa office ng asawa.

Umani rin ng batikos ang post na ito ni Mariel hindi lang sa netizens pati na sa isang lady senator, huh! Kawalan umano ng respeto sa Senado ang ginawa ni Mariel.

Naresolbahan na ang issue at humngi na ng paumanhin si Mariel pati na si Sen Robin sa ginawa ng asawa na walang intensiyong bastusin ang Senado.

Hay…Opisyal, celebrity at kilalang personalidad, hindi talaga ligtas sa mapanuring mata ng netizens.

About Jun Nardo

Check Also

Gary Valenciano Star Magic ABS-CBN

Gary V handang umarteng muli sa harap ng kamera, bahagi na ng Star Magic family 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANIBAGONG career milestone ang naitala ng pambansang Mr. Pure Energy …

Marco Gallo Heaven Peralejo Marven

MarVen nagsabog ng sweetness sa mediaconmmute 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NILANGGAM tiyak ang bus na sinakyan namin noong Miyerkoles ng …

Beaver Magtalas Mutya Orquia

Mutya at Beaver may chemistry sa big screen

ni Allan Sancon HALOS mapuno ang SM The Block Cinema 3 sa dami ng mga …

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …