DAHIL sa malapit na malapit na ang eleksiyon sa bansa, malapit na malapit na rin ang oras ng mga tiwaling politiko, upang sila’y maibulgar sa kanilang mga katarantaduhang pinaggagagawa, at gagawin pa lang, manalo lamang sa eleksyon. Sadya nga bang kapit sa patalim sila, makuha lamang ang posisyong kanilang hinahangad? E, paano kung malapit na malapit din ang ating “Pipit” …
Read More »Pasko na sa Maynila… Pagkatapos ng eleksyon
‘IKA nga ng marami, ang Pasko ay para sa bata lamang, dahil sa mga bago at magagarang damit at sapatos, na karaniwang tuwing Pasko lamang nila nakakamit! Maging mga regalo, pera at masasarap na pagkain, na sa araw ng Pasko lamang nila natitikman, partikular ng maliliit nating mga mamamayan! Pero, ano’t Abril pa lamang ay balita nang mapapaaga ang Pasko …
Read More »Bato-bato sa langit nakokonsensiya ang galit
WIKA nga ng aking Pipit mga ‘igan, “Walang lihim na hindi nabubunyag.” Lalabas at lalabas ang katotohanan. Sisingaw at sisingaw ang baho nito, kung kaya’t ingat lang sa aking Pipit na sadyang matinik sa pagtuklas ng mga katiwalian at katarantaduhan ng tinagurian pa man ding mga lingkod–bayad ‘este’ bayan partikular sa administrasyong Erap! ‘Igan, bato–bato sa langit ang tamaa’y huwag …
Read More »Mayor Alfredo Lim buhay nami’y sagipin
SADYANG hindi na mapipigilan pa mga ‘igan ang pagpapahayag ng tunay na damdamin at saloobin ng sambayanang Manilenyo! Kaliwa’t kanan ang hinaing at daing! Iisa ang naisin at layunin, ang maibalik muli para maglingkod ang tinaguriang “Ama ng Libreng Serbisyo,” ang dating Alkalde ng Maynila, Mayor Alfredo S. Lim. Sa pag-ikot-ikot ng aking Pipit mga ‘igan, isang bagay lamang ang …
Read More »Muslim–Kristiyano nagsanib kay Lim
HINDI mahulugang karayom mga ‘igan ang mga taong nagpakita nang buong suporta sa orihinal na “Ama ng Libreng Serbisyo” at ang tunay na Lingkod-Bayang Inyong Maaasahan (LIM), na si dating alkalde ng lungsod ng Maynila Alfredo S. Lim, sa unang araw ng kanyang kampanya – pag-arangkada kamakailan lang. Ngunit sa mga sumunod pang mga araw ng pangangampanya, sus ginoo, kagulat–gulat …
Read More »Lim modelong lider – Atienza
SADYANG hindi na mapigilan mga ‘igan ang paghanga ni Buhay Party-list representative Lito Atienza kay dating alkalde ng lungsod ng Maynila Alfredo S. Lim, nang papurihan niya bilang isang napakagaling na lider at tunay na nagmamahal at kumakalinga sa mahihirap nating kababayan partikular sa Maynila. Buti na lamang mga ‘igan at nauntog na si Mang Lito he he he at natanggap …
Read More »Mga illegal sa Lawton bubusisiin
NAMATAAN ng aking Pipit mga ‘igan ang napakalawak na illegal terminal at ang mga nagkalat na illegal vendors diyan sa Lawton, Lungsod ng Maynila. Nakakasulasok ang amoy! Napakarumi ng kapaligiran! Magkakasakit ka rito ng ‘di oras, tumayo ka lamang ng kahit na ilang minuto! Sus ginoo! Talaga namang nakakamatay ang amoy! Papaanong hindi ‘yan mangyayari, ang nasabing lugar, ay illegal …
Read More »Umatake kay Poe inatake
NAGBUNYI mga ‘igan ang lahat ng sumusuporta kay Senadora Grace Poe nang ideklara ng Korte Suprema na maaari na siyang umarangkada sa pagtakbo bilang pangulo ng bansa. Salamat naman at nanaig ang katotohanan! Sa totoo lang, sa pagkakataong ito, ang na-ging desisyon ng Korte ay isang pagpapahayag ng pagbibigay karapatan o kapangyarihan sa taumbayan upang magdesisyon at mamili ng politikong …
Read More »Presidential Debate walang kuwenta
KAMAKAILAN lang mga ‘igan ay una nang umarangkada sa Capitol University sa Cagayan De Oro City, ang Comelec Presidential Debate na dinaluhan ng limang (5) kumakandidato para presidente ng bansa, na sina Vice President Jejomar Binay, Davao city mayor Rudy Duterte, Senator Grace Poe, former DILG Sec. Mar Roxas at Senator Miriam Defensor-Santiago. Umani ng maraming batikos ang nasabing Debate. …
Read More »Karapatan ng taga-Pasay, Ipaglalaban ni Noel “Onie” Bayona
THREE months to go ay election na. Karamihan sa mga dating kandidato ay muling lumahok sa political exercises para sa May 9, national at local elections. May incumbent, may talunan at may bagito. Sa darating na halalan, dapat nating salain sa ating isipan kung sino sa mga kandidatong politiko sa inyong distrito, probinsiya, munsipalidad o lungsod ang dapat ninyong isulat sa …
Read More »MDSW tutukan ng COA
MATAPOS magkawindang–windang ang panunungkulan ni Dr. Honey Lacuna-Pangan bilang Hepe ng Manila Department Social Welfare (MDSW), inakala ng lahat na matutuldukan na ang kawalang sistema sa pagpapatakbo ng nasabing Departamento. Pero, sus, isang malaking pagkakamali pala mga ‘igan! Mantakin n’yong sa dami-dami ng kuwalipikadong tao na dapat iluklok, kapalit ni Madam Honey, aba’y ang kanyang asawang si Dr. Arnold Pangan …
Read More »Anti-Political Dynasty isulong
MATAPOS lagdaan mga ‘igan ni PNoy nitong Enero 19 (2016), ang Republic Act No. 10742, na nagbabawal sa pagtakbo ng Sangguniang Kabataang (SK) Officials na kamag-anak (anak, apo, pamangkin, pinsan atbp.) ng sino mang elected officials sa barangay, bayan, siyudad at probinsiya, ay unti-unti nang mabubuwag ang political dynasty sa Pinas. Sadyang napakaganda ng nasabing panukala, na sa baba palang …
Read More »Veto ni PNoy sa SSS pension increase labanan
KUNG ayaw maraming dahilan! Kung gusto maraming paraan! Ito mga ‘igan ang nangyayari ngayon sa usaping P2,000 increase ng mga pensiyonado ng Social Security System (SSS). Maraming dahilan na kabati-batikos! Anong malulugi? Anong mauubos ang pondo ng SSS? Sus, maraming tanong, na ito ang dahilan kung bakit hindi nilagdaan ni PNoy ang House Bill 5842 na naglalayong madagdagan nga ng …
Read More »Kapalpakan ng DOTC kanino isisisi?
ANONG klaseng Presidente si Noynoy Aquino? Aba’y mga ‘igan, limang buwan na lamang at bababa na ang ‘Mama’ sa kanyang puwesto’y mukhang namanhid na ang buong katawan sa katotohanan, partikular sa totoong nangyayari sa mga Boss n’ya, ang katarantaduhan sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT), na lumikha at lilikha pa ng malalaking perhuwisyo at abuso sa taong …
Read More »Lubluban sa kampanya asahan
SADYANG papalapit nang papalapit ang “campaign period” mga ‘igan! Kung kaya’t asahan na natin, sa susunod na buwan ang lubluban “time” ng mga kandidatong tatakbo sa 2016 elections. Ganito na ba talaga karumi ang politika sa bansa? Sino ba ang dumudumi nito? Ano ba ang dapat asahan ng taumbayan sa tuwing sasapit ang totoong “campaign period?” Sa buwan ng Pebrero …
Read More »Sampalan–suntukang Duterte at Roxas kahiya-hiya
SUS! Sino ang hindi makapagmumura sa eksena ng dalawang ‘Presidentiables’ na ito?…”Pag nagkita kami sa isang kanto, dito sa kampanya, sasampalin ko ‘yan,” wika ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte….”Sasampalin n’ya ako? Subukan n’ya,” sagot naman ni Liberal Party Standard Bearer Mar Roxas. “Gawin mo na lang kung anong gusto mong gawin! At sampalan? Bakit pa sampalan? Pambabae ‘yan! Suntukan …
Read More »Lim llamado sa Maynila
TUNAY na magiging matindi mga ‘igan ang salpukan sa kung sino ang karapat-dapat na iluklok sa pagiging Alkalde sa Lungsod ng Maynila sa darating na “Election 2016.” Ang “Ama ng Libreng Serbisyo” ba na si dating Mayor Alfredo S. Lim, si “Erap Para sa Mahirap,” Mayor Joseph Ejercito Estrada ba o si “Bagong Maynila,” outgoing 5th District Congressman” Amado Bagatsing? …
Read More »Urong–sulong ni Duterte hindi patok sa pinoy
SA simula pa lamang ‘igan, ay sinambit na ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang mga katagang… “wala siyang ambisyong maging Pa-ngulo ng bansa…pagod na pagod na siya, kung kaya’t gusto na n’yang magretiro sa larangan ng politika. Ngunit kabaliktaran ngayon ang nangyayari! Hayun at todo ang kampanya at sinisigurado na ang kanyang pagkapanalo at titiyaking magiging maayos, tahimik at …
Read More »Gawain ni Barangay Chairman… illegal?
KAMAKAILAN lang mga ‘igan, sa Bulwagan ng Manila City Hall, Oktubre 16, 2015, nang lagdaan ang Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Meralco at ng City of Manila hinggil sa kanilang “Energizing Partnership Program.” Dahil dito, ang Programang tinatawag na “Elevated Metering Centers (EMC) Conversion Project” ng Meralco, na aprubado ng “Energy Regulatory Commission (ERC) ay inindorso sa Manila …
Read More »“Tanim–Laglag Bala” pakana ng mga artista . . .
NAKAKAGULAT mga ‘igan, subalit ‘yan ang totoo! Pakana ng mga Artista, ‘este’ mga Artistahin, ang katarantaduhang “Tanim/Laglag–Bala Operation” na nagaganap d’yan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Mantakin n’yong praktisadong–praktisado ang mga damuho sa kanilang kagaguhang ginagawa, na napakalaking perwisyo sa tao at kahihiyan naman ang dala sa ating bansa! Sus ginoo… Papaanong hindi mga Artistahin ang mga gung–gong na …
Read More »Bukas kotse, laganap sa Maynila!
SADYA nga bang ganito na kasama ang Maynila? Malayang-malaya at walang takot na nakagagawa ng karahasan sa kanilang kapwa ang masasamang loob at mapagsamantala? Wala nang pinipili ‘igan, lahat tinatalo ng mga dorobo! Mantakin n’yong maging si “Bato-Bato Balani” ay nabiktima ng “Bukas Kotse gang!” Sus grabe! Noong Nobyembre 6, 2015, Biyernes, mga alas 12:00 ng tanghali, ipinarada ni “Bato-Bato” …
Read More »Manila–DSWD inutil nga ba?
MGA ‘IGAN, talamak na sa Maynila ang masasamang elemento. Kaliwa’t kanan ang mga naglipanang holdaper, snatcher at mga “drug-addicts.” Ang matindi rito, menor-de-edad” ang pasimuno! Kaya naman, isa ito sa nagiging problema ng ating mga Kapulisan, maging ng mga Barangay Chairman, partikular sa Maynila. Subalit, ayon sa aking “Pipit,” kahit pag-aksayahan ng panahon ng mga Pulis at ng mga Barangay …
Read More »Pulis–Maynila tulisan… sino?
MATAGAL na umanong ilegal na nag-o-operate mga ‘igan, ang dalawang (2) business establishments, na ayon sa aking ‘pipit’ ay pagmamay–ari ng isang ‘mamang’ pulis–maynila. (Ha?) Dagdag ng aking ‘pipit,’ ito ang “Rush Hour Gym” at ang “Benjo’s Resto Bar “ ni Mamang Pulis–Maynila, na no business permit sa New Panaderos St., Sta. Ana, Manila. Pero…naku, walang takot na nakapag-o-operate ang …
Read More »Patok sa Eleksyon… magpapatalbugan!
APAT na mga ‘igan ang kilalang tatakbong presidential candidates ng bansa, na siguradong bakbakan ang tapatan, sa nalalapit na “2016 national election. Nag-file na ng kani-kanilang certificate of candidacy (COC) sina Vice President Jojomar Binay, Ex–DILG Secretary Mar Roxas, Senadora Miriam Defensor–Santiago at Senadora Grace Poe. Matinding labanan ito mga ‘igan! Siyempre, magpapasiklaban ang bawat isang Kandidato at Kandidata sa …
Read More »Bakbakang Erap–Lim kaabang-abang sa Maynila
SA Maynila, magiging mainit ang sagupaang “Erap–Lim”…laban na talaga namang kaabang-abang! Laging sambit ngayon ng mga pobreng Manilenyo, umaasa kami na ang mamumuno sa amin ay Lider na tunay na makatutulong sa aming mahihirap…” Aba’y teka, bakit? Hindi ba nakatulong si Mayor “Erap” Estrada na inyo, na binansagan pa man ding… “Erap Para Sa Mahirap?” Bakit hanggang ngayon ay ganoon …
Read More »