ANONG klaseng Presidente si Noynoy Aquino? Aba’y mga ‘igan, limang buwan na lamang at bababa na ang ‘Mama’ sa kanyang puwesto’y mukhang namanhid na ang buong katawan sa katotohanan, partikular sa totoong nangyayari sa mga Boss n’ya, ang katarantaduhan sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT), na lumikha at lilikha pa ng malalaking perhuwisyo at abuso sa taong bayan! Pero, ‘deadma’ lang si Pnoy, samantala tuloy–tuloy naman sa kanyang kapalpakan si Department of Transportation and Communication (DOTC) Sec. Joseph Emilio PABAYA ‘este’ Abaya!