Thursday , June 4 2026

Illegal operation nina Vincent at Bong sa BOC

00 pitik tisoyBUREAU of Customs AOCG DepComm. & IAS chief Atty. AGATON TEODORO UVERO ang tumutulong to increase the revenue collection of Customs. He is also the most trusted man by the commissioner to do the job.

Ngunit tila may ilang elemento ngayon diyan sa Bureau ang sumisira sa kanyang pangalan dahil sa mga kumakalat diumanong isyu.

Ito ay ang sinasabing  “that someone is doing a dirty job of collecting TARA from the players.”

Ito ay nakarating na rin sa kanyang kaalaman and he already ordered to investigate kung sino ang sumisira sa kanyang opisina.

DepComm Uvero gave a very strict instruction on the NO TAKE POLICY na ipinag-uutos ng ating gobyerno under the PNoy administration.

Marami na kasing ‘wise guys’ na nagpapanggap na sila raw ay mga kolektong para sa AOCG at IAS, ‘yan ay ayon sa brokers.

Itinuturo nila sina alias VINCENT, BONG at ERIC ang mga tulisan na ginagamit ang AOCG at IAS sa pangongotong.

 Walang pong alam si Atty. Uvero sa mga kawalanghiyaan ng mga taong ‘yan.

 Kaya kung may alam kayo at kilala ninyo ang mga demonyong ito ‘e ipagbigay-alam lang ninyo agad kay Atty. Uvero.

 Maraming salamat mga ‘tol.

***

Dahil  sa dami nang mga anomalya, Red Tapes, at corruption sa bakuran ng Bureau of Customs (BOC) kaya ang programa na computerization ay ginawang solution sa lahat ng problema sa smuggling na isa sa malaking problema ng ahensiya.

And the proposed Customs Modernization Tariff Act (CMTA) is to modernize the procedures that will ensure transparency in transaction within the Customs. Malaki ang maitutulong nito sa IMPORT and EXPORT INDUSTRY at sa revenue collection problem.

Ang tanong lang naman dito sa computerization program ay kung walang mga taga-Customs ang apektado sa kanilang mga trabaho na hanggang ngayon ay naghihintay ng resulta sa korte dahil sa cancellation of the contract.

Sa CMTA naman ang balita, tila apektado ang mga license brokers sa kanilang ipinaglalaban kaya pilit na minamadali sa congress to approve and to amend.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ricky "Tisoy" Carvajal

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …