Tuesday , December 10 2024

Sampalan–suntukang Duterte at Roxas kahiya-hiya

Bato BalaniSUS! Sino ang hindi makapagmumura sa eksena ng dalawang ‘Presidentiables’ na ito?…”Pag nagkita kami sa isang kanto, dito sa kampanya, sasampalin ko ‘yan,” wika ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte….”Sasampalin n’ya ako? Subukan n’ya,” sagot naman ni Liberal Party Standard Bearer Mar Roxas. “Gawin mo na lang kung anong gusto mong gawin! At sampalan? Bakit pa sampalan? Pambabae ‘yan! Suntukan na lang, di ba? Simpleng–simple lang ito,” dagdag–hamon pa ni Roxas. Sila ba ang gusto n’yong mamuno ng P’nas?

Mga tinamaan kayo ng lintek! Ang dami–dami n’yong dapat pag–usapan! Hindi ‘yang ‘Sampalan at Suntukan!” Para kayong walang pinag-aralan! At kung maghamunan, parang mga istambay lang sa kanto! Ano ba ‘yan! Nakakawala kayo ng respeto! Bagama’t nakakalalaki ang binibitawang salita, aba’y huwag nang magpatulan pa! Kapwa hindi makatutulong sa inyo ang pagpapalitan ng maaanghang na salita!

Aba’y…imbes na ‘Suntukan at Sampalan,’ ang ‘Plataporma’ n’yo ang ibahagi sa taumbayan, na s’yang dapat na pinag–uusapan at binabatikos! Ipaliwanag sa kanila, ang tunay na motibo ninyo sa pagtakbo bilang Pangulo ng bansa at ang kapakinabangang mahihita nila sa pamumuno ninyo!  

Ika nga ni Duterte kasama si Cayetano …”Tayo na, baguhin na natin ang bayan!” Aba’y sandali…Hindi ba dapat ang pagbabago ay nagsisimula sa sarili? Tingnan muna ang sarili sa salamin! Paano mo babaguhin ang Bayan kung hindi ka magiging isang magandang ehemplo sa kanila? Paano ka susundin, kung hindi ka naman karespe–respeto, para mapasunod mo sila? Ang respeto ay hindi takot para makamit mo ito sa tao. Ito’y hindi tinuturo bagkus kusang lumalabas sa puso at isipan para sa taong pagkakalooban mo nito…

Si Mayor Duterte ay nakilalang ‘nagmumurang’ Pulitiko. “Willing to pay” sa bawat mura na lalabas sa kanyang bibig imbes na iwasan ito, dahil hindi ito magandang katangian ng isang Lider. Nagpapatumba umano ng mga kriminal sa lipunan na hindi dumadaan sa tamang proseso? Paano na ang “Human Rights?” Ang tao ay hindi parang hayop na binabaril na lamang ng walang kalaban–laban! Hayaan silang maipagtanggol ang kani–kanilang sarili laban sa karahasan.

Ano bang mga katangian ng isang Pangulo ang karapat–dapat na iluklok sa darating na Eleksyon 2016? Sadyang matalino na ang tao mga ‘igan, at hinding–hindi na muling magpapaloko pa!…Pero wait…may pahabol si “Pipit…” Delikado umano si Mayor Rodrigo “Digong” Duterte. Maaaring matulad ito kay Sen. Grace Poe, kapag naghain ng reklamo ang Human Rights! Tsugi! He He He… Dagdag pa ng aking “Pipit” mga ‘igan…Hindi umano Pilipino si Mayor Duterte! Ha?…Sus Ginoo! Ito umano ay isang Hapon / Japanese Citizen. Ha? Yak!!! At hindi umano Rodrigo Duterte ang tunay na pangalan ni Mayor. E ano? Siya ay si Mr. Digong ‘Harigatu’  Mukasampal”…He He He…Joke Joke Joke!!!

***

Dagdag-Balani: Isang dating Barangay Chairman sa Unang Distrito ng Maynila, na  itinalagang isa sa mga Opisyal ng Manila City Hall, na pinatalsik si Manila Mayor ‘Erap” Estrada dahil kinasuhan sa Ombudsman ng “Graft and Corruption,” ang patuloy pa ring nangongotong sa mga “Vendors” sa Kamaynilaan. Ipinagmamalaki umano ng Mamang ito na bata siya ni Mayor Erap! Paging Mayor Erap . . . Sadya po bang ganito ang mga bata ninyo? Puro katiwaliaan at katarantaduhan ang pinag-gagagawa? Huwag n’yo pong hayaang sirain ng mga ulupong na ito ang inyong magandang imahe sa tao. Tuldukan ng hindi na pamarisan pa . . . Abangan po ang isyung ito . . .

About Johnny Balani

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

YANIG ni Bong Ramos

Abolished na police department/s ipinangongolekta pa rin

YANIGni Bong Ramos DALAWANG departamento ng pulisya na matagal na panahon nang abolished ang ipinangongolekta …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *