LALARGA na ngayong hapon ang finals ng women’s at men’s volleyball ng NCAA Season 91 sa Filoil Flying V Center sa San Juan City. Tampok na laban sa alas-kuwatro ang Game 1 ng women’s finals na paglalabanan ng San Sebastian College at College of St. Benilde. Nakuha ng Lady Stags ang unang puwesto sa finals pagkatapos na walisin nila ang …
Read More »Tanduay Rhum handa na sa D League
OPISYAL na inilabas ng Tanduay Rhum ang lineup nito para sa PBA D League Aspirants Cup na magsisimula sa Enero 21. Pangungunahan ng mga beteranong sina Jaypee Belencion, Lucas Tagarda, Joseph Eriobu, Adrian Santos, Rudy Lingganay at Pari Llagas ang kampanya ng Rhum Masters sa ilalim ni coach Lawrence Chiongson. Nakuha ni Chiongson ang mga baguhang sina Ryan Wetherell, Ryusei …
Read More »Semis target ng AMA
KAHIT wala na ang ilang mga dati nitong manlalaro, pakay pa rin ng AMA Online Education na makapasok sa semifinals ng PBA D League Aspirants Cup simula sa Enero 21. Lumipat na sina James Martinez at Jay-R Taganas sa Jumbo Plastic Linoleum ng Pilipinas Commercial Basketball League kaya napilitan si coach Mark Herrera na kunin ang mga bagong manlalaro bilang …
Read More »PBA D League lalarga na sa Enero 21
MAGBUBUKAS na sa Enero 21, Huwebes, ang unang torneo ng 2016 season ng PBA D League sa Filoil Flying V Center sa San Juan City. Ang Aspirants Cup ay magiging unang torneo ng D League kung saan siyam na koponan ang kasali. Unang maglalaban sa alas-dos ng hapon ang Caida Tile Masters kontra Tanduay Rhum Masters pagkatapos ng opening ceremonies …
Read More »UAAP volleyball magsisimula sa Enero 30 at 31
SA HULING weekend ng buwang ito magsisimula na ang Season 78 women’s volleyball ng University Athletic Association of the Philippines. Unang maglalaban sa Enero 30, Sabado, ang Adamson University at University of the East sa alas-dos ng hapon kasunod ang sagupaang Far Eastern University at De La Salle University sa alas-kuwatro. Kinabukasan ay maglalaban ang defending champion Ateneo de Manila …
Read More »Racal, Pogoy pararangalan ng UAAP-NCAA Press Corps
BIBIGYAN ng parangal ng UAAP-NCAA Press Corps sina Kevin Racal ng Letran at Roger Pogoy ng Far Eastern University sa taunang College Basketball Awards sa Enero 26 sa Saisaki-Kamayan sa Greenhills. Parehong pinili bilang Pivotal Players sina Racal at Pogoy dahil sa kani-kanilang papel upang magkampeon ang Knights at Tamaraws sa NCAA at UAAP, ayon sa pagkakasunod. Nag-average si Racal …
Read More »FBA balik-aksyon sa Marso
MATAGAL ang pahinga ng Filsports Basketball Association (FBA) pagkatapos ng unang season nito noong 2015. Sinabi ng komisyuner ng FBA at ang dating PBA player ng Purefoods at Ginebra na si Vince Hizon na sa Marso magsisimula ang unang torneo ng kanyang liga. “We have two new teams coming in but I don’t want to pre-empt the announcement,” wika ni …
Read More »Ginebra masarap talunin — Pringle
PARA sa 2015 PBA Rookie of the Year na si Stanley Pringle, masarap ang pakiramdam para talunin ng kanyang koponang Globalport ang Barangay Ginebra San Miguel. Nagbida si Pringle sa 84-83 na panalo ng Batang Pier sa overtime kontra Gin Kings noong Linggo ng gabi sa Mall of Asia Arena upang makopo ang ikatlong silya sa semifinals ng Smart BRO …
Read More »Referees sa laro ng Ginebra, Globalport iimbestigahan
NANGAKO si PBA Commissioner Andres “Chito” Narvasa, Jr. na parurusahan niya (kung pumalpak) ang apat na reperi na nagtrabaho sa kontrobersiyal na laro ng Globalport at Barangay Ginebra San Miguel noong Linggo kung saan nanalo ang Batang Pier sa overtime, 84-83, upang umabante sa semifinals. Sa isang statement kahapon ng umaga, sinabi ni Narvasa na kakausapin niya ang mga reperi …
Read More »Ginebra tinanggap pagkatalo sa globalport (Protesta hindi na itinuloy)
HINDI na itinuloy ng Barangay Ginebra San Miguel ang plano nitong i-protesta ang 84-83 na pagkatalo nito kontra Globalport noong Linggo sa quarterfinals ng Smart BRO PBA Philippine Cup sa Mall of Asia Arena. Kinompirma ni PBA Media Bureau Chief Willie Marcial na walang opisyal ng Ginebra ang pumunta sa opisina ng liga kahapon upang maghayag ng protesta. Ibinigay ng …
Read More »Webb: Bagsak ako bilang coach
INAKO ni Purefoods Star head coach Jason Webb ang responsibilidad sa masakit na pagkatalo ng Hotshots kontra Barangay Ginebra San Miguel sa Smart BRO PBA Philippine Cup quarterfinals kamakalawa ng gabi sa harap ng halos 22,000 na katao sa Mall of Asia Arena sa Pasay. Sinayang ng Hotshots ang kanilang 74-56 na kalamangan sa huling quarter at yumukod sila sa …
Read More »Cone, Jarencio saludo kay Jacobs
BUKOD kay Lim Eng Beng, isa pang personalidad sa PBA ang pumanaw bago ang Pasko. Sumakabilang-buhay ang dating coach ng RP team na si Ron Jacobs sa edad na 72 pagkatapos ng mahabang panahong nakaratay siya sa kama dahil sa stroke na tumama sa kanya noong 2002. Nagsilbi si Jacobs bilang coach ng Northern Consolidated na nagkampeon sa PBA bilang …
Read More »Dozier balik-Alaska
KINOMPIRMA ni Alaska Milk head coach Alex Compton ang pagbabalik ng beteranong import na si Rob Dozier para sa PBA Commissioner’s Cup na magsisimula sa Pebrero. Si Dozier ay naging import ng Aces nang nagkampeon sila sa torneong ito noong 2013 at nakuha niya ang parangal bilang Best Import. Nakabalik siya noong 2014 ngunit natalo ang Alaska sa semifinals kontra …
Read More »Ravena, Valdez Kumita ng P500,000 para sa mga nasalanta ng bagyo
PAREHONG natuwa ang dalawang pambatong atleta ng Ateneo de Manila na sina Kiefer Ravena at Alyssa Valdez sa suporta ng mga kaibigan nila sa UAAP basketball at volleyball sa charity game na FASTBR3AK na ginanap noong Disyembre 23 sa The Arena sa San Juan. Kumita ng P500,000 sina Ravena at Valdez at ibinigay nila ang halaga sa Philippine National Red …
Read More »Ginebra, Star magbabakbakan (Sa Araw ng Pasko)
SIGURADONG mapupuno ang Mall of Asia Arena sa araw ng Pasko dahil sa pinakahihintay na sagupaan ng magkaribal at magkapatid na koponang Barangay Ginebra San Miguel at Purefoods Star Hotdog sa pagsisimula ng quarterfinals ng Smart BRO PBA Philippine Cup. Twice-to-beat ang Gin Kings sa seryeng ito kahit natalo sila sa Hotshots, 86-78, sa kanilang paghaharap sa elimination round noong …
Read More »Jumbo plastic kampeon sa PCBL
NASUNGKIT ng Jumbo Plastic Linoleum ang titulo ng Founders Cup ng Pilipinas Commercial Basketball League pagkatapos na padapain nito ang Caida Malolos Tiles, 78-73, noong Linggo ng gabi sa Game 2 ng best-of-three finals sa Malolos Sports and Convention Center sa Bulacan. Nakahabol ang Giants mula sa 31-14 na kalamangan ng Tile Masters sa ikalawang quarter at nakuha nila ang …
Read More »Uichico kompiyansa pa rin sa TnT
KAHIT natalo ang Talk n Text kontra Barangay Ginebra San Miguel sa pagtatapos ng elimination round ng Smart BRO PBA Philippine Cup noong Linggo ay hindi nag-aalala si Texters coach Jong Uichico. Pasok pa rin sa Top 6 ang Tropang Texters kaya hawak nila ang twice-to-beat na bentahe kontra sa kapatid na koponang North Luzon Expressway. Gagawin ang unang laro …
Read More »RP kasali sa FIBA 3×3 World Championships
TULOY na ang pagsali ng Pilipinas sa 2016 FIBA 3×3 World Championships na gagawin mula Oktubre 11 hanggang 15 sa Guangzhou, China. Isa ang ating bansa sa 20 na kasali sa torneo na gagawin sa ikatlong sunod na pagkakataon. Ito ang unang beses para sa Pilipinas na kasali sa men’s competition. Nakuha ng Pilipinas ang puwesto sa torneo pagkatapos na …
Read More »Ayo: Hindi pera ang dahilan kung bakit ako lumipat sa La Salle
IGINIIT ng bagong head coach ng De La Salle University na si Aldin Ayo na lumipat siya mula sa Letran dahil sa kanyang problema sa pamilya. Sa panayam ng www.spin.ph, sinabi ni Ayo na nahiwalay na siya sa kanyang asawa’t dalawang anak dahil sa kanyang debosyon sa trabaho sa Knights na ginabayan niya sa titulo ng NCAA noong Oktubre. Bukod …
Read More »Gamboa bukas sa pagbabago ng PCCL
PAYAG ang tserman ng Philippine Collegiate Champions League (PCCL) na si Rey Gamboa na baguhin ang format ng National Collegiate Championship sa susunod na taon pagkatapos na biglang pinutol ang torneo ngayong taong ito dahil sa masamang panahon at ang pagsabay nito sa Pasko. Inamin ni Gamboa na napilitan siyang baguhin ang iskedyul ng NCC dahil inilipat ng UAAP ang …
Read More »Baldwin: Bigyan n’yo ako ng tsansa sa Ateneo
UMAPELA ang bagong head coach ng Ateneo de Manila University sa UAAP na si Thomas “Tab” Baldwin sa Basketball Coaches Association of the Philippines na bigyan siya ng pagkakataong makipag-usap sa kanila tungkol sa pagharang ng grupo sa pagkuha sa kanya ng Blue Eagles. Sa panayam ng ilang mga taga-media sa ensayo ng Gilas Pilipinas noong Lunes ng gabi, sinabi …
Read More »Wilson POW ng PBA
ISANG dahilan kung bakit umaangat ang Barako Bull sa Smart BRO PBA Philippine Cup ay ang mahusay na laro ni William Wilson. Nanguna si Wilson sa 105-98 na panalo ng Energy kontra Talk n Text noong Huwebes kung saan nagtala siya ng career-high na 28 puntos at 20 rebounds. Dahil dito, napili ang dating forward ng De La Salle University …
Read More »Baguio, CDO fallback ng PBA para sa All-Star Game
KUNG mabulilyaso ang plano ng Philippine Basketball Association na gawin ang All-Star Weekend sa Dubai, puwede itong gawin sa Baguio o Cagayan de Oro. Gagawin ang PBA All-Star Weekend mula Marso 4 hanggang 6, 2016. “Dubai is interested, and there are many others from the local side. And so we’ve formed a committee that will evaluate the best opportunity for …
Read More »Titulo sa UAAP target ni Pumaren sa Adamson
NANGAKO ang bagong head coach ng Adamson University na si Franz Pumaren na ibibigay niya ang titulo ng UAAP men’s basketball sa Falcons sa Season 79 ng liga sa susunod na taon. Opisyal na hinirang ng pamantasan si Pumaren para hawakan ang Falcons simula sa Enero at ito’y magsisilbing pagbabalik niya sa pagiging coach ng UAAP pagkatapos ng kanyang paggabay …
Read More »Kapatid ni Baldwin kritikal — Villavicencio
KINOMPIRMA ng team manager ng Talk n Text na si Virgil Villavicencio na kritikal ngayon ang kalagayan ng nakatatandang kapatid ng team consultant ng Tropang Texters at head coach ng Gilas Pilipinas na si Tab Baldwin. Katunayan, nasa Amerika pa rin si Baldwin upang alagaan ang kanyang kapatid. “Coach Tab’s brother has a malignant tumor,” wika ni Villavicencio pagkatapos ng …
Read More »