Thursday , August 18 2022

NCAA volleyball finals magsisimula na

010616 uaap volleyball
LALARGA na ngayong hapon ang finals ng women’s at men’s volleyball ng NCAA Season 91 sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

Tampok na laban sa alas-kuwatro ang Game 1 ng women’s finals na paglalabanan ng San Sebastian College at College of St. Benilde.

Nakuha ng Lady Stags ang unang puwesto sa finals pagkatapos na walisin nila ang elimination round na may siyam na sunod na panalo sa pangunguna ni Gretchel Soltones.

Kailangan ng dalawang panalo ang SSC para makuha ang titulo habang tatlong panalo naman ang kailangan ng Lady Blazers sa finals.

Nakuha ng CSB ang huling puwesto sa finals pagkatapos na talunin nito ang defending champion Arellano, 25-20, 25-22, 25-23, sa stepladder semifinals noong Biyernes.

Ito ang unang pagsabak ng Lady Blazers sa finals pagkatapos ng pitong taon.

Sa men’s division naman ay maglalaban sa Game 1 ang defending champion Emilio Aguinaldo College kontra Perpetual Help sa alas-dos ng hapon habang magtutunggali ang EAC-ICA at Perpetual sa Game 1 ng juniors finals sa alas-11:30 ng umaga.

Llamado ang Generals sa finals dahil sa mahusay na laro ni Howard Mojica na nagtala ng 31 puntos sa limang set na panalo nila kontra San Beda sa Final Four noon ding BIyernes.

Ang Game 2 ay gagawin sa Biyernes at mapapanood ang aksyon sa NCAA volleyball nang live sa ABS-CBN Sports+Action Channel 23.

( James Ty III )

About James Ty III

Check Also

Daniel Maravilla Quizon Chess

Titulo idedepensa ni Quizon sa Kamatyas chess rapid tiff

MANILA — Nakatakdang idepensa ni International Master Daniel Quizon ang tangan na titulo sa pagtulak …

Creamline Kingwhale PVL Cignal

Creamline  humataw vs Kingwhale Taipei sa PVL Championship

HINDI naigupo ng KingWhale Taipei ang Creamline Cool Smashers nang muling makamit ang kampeonato sa …

Lydia de Vega

Lydia de Vega ginupo rin ng cancer

HATAWANni Ed de Leon NAKALULUNGKOT ang mga balita nitong linggong ito. Naunang nabalita si Cherie Gil na …

Christopher Castellano Elizsa Gayle Cafirma

Antipolo City, Rizal team lalahok sa Sen. Manny Pacquiao Tuna Festival chess meet

MANILA — Nagbigay ng kahandaan ang Antipolo City, Rizal team players na lalahok sa Sen. …

Chess

Prince Maverick naghari sa GM Balinas Training Center 1st Anniversary

NAGPAKITANG GILAS ang 19-anyos na si Prince Maverick Cornelio ng Poblacion, Pamplona matapos makaipon ng …

Leave a Reply