Monday , December 23 2024

hataw tabloid

Debotong parak dedo sa hit & run

SUMUBSOB na walang buhay ang debotong pulis na si Dave Elopitan nang mabundol ng jeep na biyaheho ng gulay habang lulan ng kanyang motorsiklo sa kanto ng San Marcelino at Remedios streets, sa Paco, Maynila. (ALEX MENDOZA) PATAY ang debotong pulis nang banggain ng at takbuhan ng isang jeepney na naghahatid ng gulay sa Paco. Maynila kaha-pon ng madaling araw. …

Read More »

Tibo binasted bebot tinarakan ng balisong sa ulo

TARAK ng balisong sa ulo ang natanggap ng isang babae nang hindi pansinin ang panliligaw ng isang lesbian sa Malabon City, kamaklawa ng gabi. Ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Mylene dela Cruz, 19-anyos, ng Block 10-D, Lot 20, Phase 1, E-1, Pla-Pla St., Brgy. Lo-ngos ng lungsod, sanhi ng saksak sa ulo ng balisong, …

Read More »

BoC examiner 6 taon kulong sa 5 kaso ng perjury (SALN dinaya )

ANIM na taon kulong ang inihatol ng korte sa examiner ng Bureau of Customs,  na napatunayang nandaya sa kanyang  statement of assets, liabilities and net worth (SALN) at nagkasala ng limang beses na paglabag sa Anti-graft and Corrupt Practices Act o Republic Act 3019. Sa ponente ni Judge Amalia S. Gumapos-Ricablanca ng  Manila Metro-politan Trial Court (MTC) Branch 15,  ipinag-utos …

Read More »

Habeas corpus ni Delfin Lee kinatigan ng CA

PINAGPAPALIWANAG ng Court of Appeals (CA) ang NBI at PNP na umaresto noong nakaraang linggo kay Globe Asiatique president Delfin Lee, kung ano ang kanilang naging basehan para arestuhin at ikulong ang negosyante sa kasong syndicated estafa. Ito’y makaraan pa-boran ng CA Special 1st Division ang petition for writ of habeas corpus ng kampo ni Lee. Sa kautusan ni Associate …

Read More »

FOI bill ‘di urgent kay PNoy

MALABONG sertipikan bilang urgent ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang Freedom of Information (FOI) bill na bagamat lusot na sa Senado ay nakabinbin pa rin sa mababang kapulungan ng Kongreso. Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, maingat ang Pangulong Aquino sa paggamit ng kanyang kapangyarihan para mag-certify ng panukalang batas. Ayon kay Coloma, mas mainam na magkaroon nang malayang …

Read More »

Palasyo walang paki sa prepaid na koryente

WALANG plano ang Palasyo na pigilan ang Manila Electric Company (Meralco) sa pagpapatupad ng prepaid electricity service (PRES), na mistulang electronic load sa cellular phone, kahit may posibilidad na pwedeng ikarga rito ang power rate hike upang hindi mamalayan ng milyon-milyong consumer. “Meralco’s prepaid scheme in the supply of electricity falls within the ambit of authority of the ERC, which …

Read More »

3-M Pinoy tambay isinisi sa kalamidad

GINAWANG ‘escape goat’ ng Palasyo ang nagdaang mga kalamidad sa paglobo ng bilang ng mga walang trabaho sa bansa. Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., palalakasin ng administrasyong Aquino ang programang lilikha ng trabaho lalo na sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad. Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, tumaas ng 7.5 percent ang unemployment rate noong Enero …

Read More »

Benepisyo ng beterano pinapupunuan ni Trillanes

UPANG mapunuan ng gobyerno ang kakulangan sa benepisyo ng mga beterano at retiradong sundalo, isinulong ni Senador Antonio ”Sonny” F. Trillanes ang pagpasa ng Senate Bill No. 166, naglalayong maglaan ng pondo upang agarang mabayaran ng gobyerno ang mga kakulangan sa pensyon at benepisyo ng mga beterano. Sa pagdinig ng Committee on National Defense and Security, sinabi ng chairman nito …

Read More »

15-anyos 2 taon sex slave ni tatay

“GUSTO ko mabulok siya sa kulungan!” Pahayag ng 15-anyos dalagita, na kinilala sa alyas na Maribeth, nang dumulog sa Taguig City police, na inireklamo ang sariling amang si Daniel, na gumahasa sa kanya simula noong 2012. Sa pahayag ng dalagita kay PO3 Magdalena Palacsa, imbestigador ng Women & Children’s Protection Desk, 13-anyos pa lamang siya nang una siyang gahasain ng …

Read More »

Hi-tech human trafficking namamayagpag sa www.manilatonight.com (Paging CIDG WACCO & NBI Anti-Cybercrime Unit)

ISANG website (www.manilatonight.com) ang nagkakamal ngayon ng sandamakmak na kwarta dahil sa pag-a-advertise ng malalaswang serbisyo na iniaalok ng iba’t ibang SPA-KOL sa Metro Manila. Ang website na ito ay mina-manage umano ng isang Christopher Villarin na ang bank account ay Bank of Philippine Island 1990013388. Ang serbisyong iniaalok ni Villarin sa mga may-ari ng SPA-KOL ay i-advertise ang mga …

Read More »

Freedom of Information (FoI) bill magtagumpay kaya o ngumanga lang ulit sa Kamara?

ALAM man natin na daraan pa sa matinding deliberasyon sa KAMARA ang Freedom of Information (FOI) Bill matapos itong ipasa at aprubahan sa Senado sa ilalim ng chairmanship ni Madam Senator Grace Poe, hangad natin na sana’y huwag itong matulad noong chairmanship ni Rep. Ben Evardone na dumaan sa sangkatutak na obstacle o sandamakmak na delaying tactics para huwag lamang …

Read More »

Alyas Tata sal-Salasar, tongpats ng ilegalista sa Quiapo

LANTARAN pa rin at talamak ang bentahan ng SEX GADGETS at mga gamot na pampatigas daw, at pampalaglag sa paligid ng simbahan sa Quiapo, Maynila dahil protektado ng isang tulis ‘este’ pulis na isa sa sinasabing kotong cops sa Manila City Hall. Parang kending naka-display ang mga maninininda ng sex gadgets dahil may tongpats na lespu. Malaki raw kasi ang …

Read More »

Raket ni Dinky ibinisto ng madre (Cash for testimony ng Yolanda victims ‘pampabango’ ng DSWD)

HINAMON ng Malacañang ang madreng nagbulgar ng sinasabing “cash-for-testimony” raket ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Dinky Soliman para pabanguhin ang imahe ng DSWD sa Yolanda relief operations, na maglabas ng ebidensya kaugnay sa nasabing anomalya. Hamon ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., kay Benedictine Sister Edita Eslopor na magharap ng konkretong katunayan dahil hindi aniya tungkulin …

Read More »

Jerry Yap, itinanghal na Darling of the Press

Ed de Leon DARLING of the Press pala si Boss Jerry Yap doon sa katatapos na Star Awards for Movies. Wala namang doubts about it, at siguro hindi na nga sila nagkaroon pa ng ibang choice kasi sino ba naman sa mga nominee nila ang talagang tumingin sa kapakanan ng entertainment press kagaya ng ginawa ni Jerry Yap? There was …

Read More »

Annabelle, may bagong apo?

Ed de Leon TINATANONG nila ni Annabelle Rama, dahil alam nila na vocal iyon sa kahit na anong issue kung doon raw ba sa reality show nila ay may lalabas siyang “bagong apo”. Kasi sinabi nilang kasama pati ang kanilang mga apong sina Lorin at Venice. Simple lang ang isinagot ni Annabelle Rama, “manood na lang kayo”. Hindi siya nag-deny …

Read More »

Aga, Piolo, John Lloyd, Dennis,at Baron, PMPC’s Dekada Awardees

ni  Roldan Castro STAR-STUDDED ang naganap na 30th PMPC Star Award for Movies na ginanap sa Solaire Grand Ballroom. Nanghinayang lang kami na wala si Jericho Rosales sa mga actor na tumanggap ng Dekada Awards dahil may prior commitment siya. Ang gandang tingnan na sama-sama sa entablado na tumanggap ng naturang parangal sina Aga Muhlach, Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, …

Read More »

Ikaw Lamang, parang pelikula sa ganda!

ni  Reggee Bonoan SAYANG at hindi namin nakita si Direk Malu Sevilla sa nakaraang Celebrity Screening ng Ikaw Lamang na ginanap sa Trinoma Cinema 7 noong Linggo para mabati at makausap tungkol sa napakagandang serye nina Coco Martin, Jake Cuenca, Julia Montes, at Kim Chiu. Kaya habang tinitipa namin ito kahapon ay tinext namin kung first time bang gumawa ni …

Read More »

Mag-inang nagbabaliw-baliwan!

ni  Pete Ampoloquio, Jr. Palihim na iritada raw ang retokadang si Sarah Geronimo (she should be thankful that enhancements are in vogue these days for if not, she would have been too plain looking, no one would be interes- ted to take a look at her too plebeian physiognomy..Hahahahahahahahahahahaha! Yuck!) sa tuwing tinatanong ng press ang real score sa kanilang …

Read More »

Maraming salamat Philippine Movie Press Club (PMPC)

NAGPAPASALAMAT po tayo sa pagkilalang iginawad sa atin ng Philippine Movie Press Club (PMPC) bilang DARLING OF THE PRESS nitong nakaraang gabi sa Solaire Grand Ballroom sa Parañaque City. Hindi po natin inaasahan na tayo’y maging nominado at lalo na nang tayo’y manalo. Hindi naman po tayo showbiz personality pero marami po tayong kaibigan at kakilala sa industriyang naghahatid ng …

Read More »

Money laundering at drug trading ng mga ilegalista sa casino bubusisiin na ni Sen. Nancy Binay

SA WAKAS ay mayroon na rin nakarinig sa matagal na nating pinupuna at binabatikos na ‘MONEY LAUNDERING’ at ‘DRUG TRAFFICKING’ ng mga dayuhan at lokal na ilegalista sa iba’t ibang casino sa bansa. Ang impormasyong nakatawag pansin umano kay Sen. Nancy Binay ay ang ‘paglalabada’ ng drug money sa mga Casino. Naalarma raw si Sen. Binay sa mga ulat na …

Read More »

Action agad ng MIAA

  MARAMING thank you po sa management ng Manila International Airport Authority (MIAA) management sa mabilis na pagtugon sa constructive criticism ng inyong lingkod hinggil sa isyung matagal na panahong walang bandilang wumawagayway sa center flag pole ng NAIA Terminal 1. Mukhang na-deliver na ng staff ng ating bayaning si Melchora Agoncillo ang Philippine flag kung kaya’t makikita na itong …

Read More »

Ang kolektong ni alias Tata Rigor-ilya sa Maynila (ATTN: MPD DD Gen. Rolando Asuncion)

Nag-iiyakan ngayon ang club owners, gambling at drug lord sa lungsod ng Maynila dahil sa pangongolektong ng isang pulis City Hall daw na si alyas TATA RIGOR-ILYA para sa isang dissolve unit/non-existing division na MCAT. Inirereklamo na ng ilang samahan ng Club owners ang mataas na TARA y TANGGA na pilit kinokolektong ng mga galamay ni alyas POT-TRES RIGOR-ILYA. Sabi …

Read More »

Maraming salamat Philippine Movie Press Club (PMPC)

NAGPAPASALAMAT po tayo sa pagkilalang iginawad sa atin ng Philippine Movie Press Club (PMPC) bilang DARLING OF THE PRESS nitong nakaraang gabi sa Solaire Grand Ballroom sa Parañaque City. Hindi po natin inaasahan na tayo’y maging nominado at lalo na nang tayo’y manalo. Hindi naman po tayo showbiz personality pero marami po tayong kaibigan at kakilala sa industriyang naghahatid ng …

Read More »

Seguridad vs terorista inalerto (Atas ng Palasyo sa BI)

INATASAN ng Palasyo si Immigration chief Siegfrid Mison na higpitan pa ang ipinatutupad na patakarang pang-seguridad para hindi malusutan ng mga terorista. Ang direktiba ng Malacañang ay kasunod ng ulat na nakapuslit ang dalawang pasaherong may hawak na nakaw na pasaporte sa Malaysian Airlines flight MH370 na biglang nawala mula nang umalis sa Kuala Lumpur airport noong Sabado habang patungo …

Read More »