Thursday , June 4 2026

Air 21 dadalawahan ang San Mig

TWO-ZERO bentahe and hahabulin ng Air 21 kontra San Mig Coffee sa kanilang muling pagtatagpo sa Game Two ng PLDT Home TVolution PBA Commissioner’s Cup best-of-five semifinal series mamayang 8 pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Sinilat ng Express  ang Mixers, 103-100 sa series opener noong Martes para sa kanilang  ikatlong sunod na impresibong panalo.

Pumasok ang Air 21 sa quarterfinals bilang No. 7 seed at nakalaban ng No. 2 seed San Miguel Beer na mayroong twice-to-beat advantage. Tinalo ng Air 21 ng dalawang beses ang Beermen upang marating ang semis sa kauna-unahang pagkakataon sa ilalim ng prangkisa ng Shopinas.

“This is just a small step for us in this series. We still need two more wins. The beauty right now is that we’re staying within our course. We’re the uninvited guest but we’re here to seize the moment,” ani Air 21 coach Franz Pumaren.

Huling lumamang ang  Mixers, 87-85. Nakaabante ang Express matapos na pumasok ang isang three-point shot ni Aldrech Ramos. Matapos iyon ay naagawan ni Joseph Yeo si Mark Barroca at nakakumpleto ng three-point play upang lumayo ang Air 21, 91-87.

Nagposte pa ng sampung puntos na abante ang Express bago na-thrown out si San Mig Coffee coach Tim Cone matapos  na matawagan ng dalawang technical fouls bunga ng pagrereklamo sa inaakala niyang travelling violation na dapat isinampa kay Paul Asi Taulava.

Pinangunahan ni Sean Anthony ang Air 21 nang gumawa ito ng 29 puntos. Nagdagdag ng 25 si Wesley Witherspoon. Nagtapos din ng may double figures sa scoring sina Taulava na may 14 at Yeo na may 11.

Pinangunahan ni James Mays ang Mixers nang gumawa siya ng 27. Nagtala ng tig-11 sina Barroca at Peter June simon at gumawa naman ng tig-10 sina Joe DeVance at Ian Sangalang.

Animo’y kontrolado ng San Mig Coffee ang laro nang lumamang ang Mixers, 74-66 papasok sa fourth quarter. Subalit hindi bumigay ang Air 21.

Subalit nangako si Cone ng mas magandang resbak buhat sa Mixers at sinabi niyang kailangang mapanatili nila ang kanilang konsentrasyon sa kanilang misyon upang makatabla.

(SABRINA PASCUA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Christopher Papa Tennielle Madis Palawan Open Tennis

Papa, Madis kampeon sa kauna-unahang Palawan Open

NASUNGKIT nina Filipino-American tennis player Christopher Papa at ng batang lokal na manlalaro na siTennielle …

Ana Bhianca Espenilla Jerico Cadag Asian U20 Athletics

Espenilla, Cadag naghatid ng makasaysayang medalya sa Asian U20 Championships

HONG KONG — Naghatid sina Ana Bhianca Espenilla at Jerico Cadag ng karangalan para sa …

Jeralyn Rodriguez Asian U20 Athletics

Rodriguez nakamit ang Kwalipikasyon para sa World U20 Athletics Championships

HONG KONG — Nagpakitang-gilas si Jeralyn Rodriguez sa 22nd Asian U20 Athletics Championships matapos maitala …

Volleyball

POC General Assembly, Inaasahang Sususpendehin din ang PNVF

INAASAHANG opisyal na sususpindihin ng Philippine Olympic Committee (POC) General Assembly ang Philippine National Volleyball …