NAGBARIL sa sarili ang 60-anyos American national sa loob ng firing range ng Makati Cinema Square kahapon ng hapon sa nasabing siyudad. Kinilala ni Makati City Police chief, Sr. Supt. Manuel Lukban ang biktima sa pamamagitan ng kanyang pasaporte na si Jeffrey Allen Klein tubong California. Napag-alaman, dumating ang biktima sa Makati Cinema Square at pumasok sa firing range upang …
Read More »Bayad sa ospital ‘ibinitin’ ni Napoles (Para magtagal sa labas ng hoyo)
MAAARI nang kasuhan ng estafa at ipa-contempt sa korte si Janet Lim-Napoles dahil sa patuloy na pananatili sa pagamutan sa kabila ng clearance na maaari na siyang ibalik sa kanyang detention facility. Ayon kay Senate justice committee chairman Sen. Koko Pimentel, mistulang niloloko na ni Napoles ang legal system ng bansa nang igiit ang kanyang pananatili sa pagamutan. “Kasuhan ng …
Read More »Zoren Legaspi inasunto sa P4-M tax case
SINAMPAHAN ng kasong tax evasion ng Bureau of Internal Revenue ang actor-director na si Zoren Legaspi sa Department of Justice (DoJ). Ayon kay BIR Commissioner Kim Henares, hindi idineklara nang tama ni Legaspi sa kanyang income tax return (ITR) ang income niya sa taon 2010 at 2012. Umaabot sa P4.45 million ang hinahabol na buwis ng BIR mula kay Legaspi …
Read More »Uncle Sam ‘spoiled’ sa EDCA
“SPOILED guest” si Uncle Sam sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) dahil papayagan siya ng Filipinas na esklusibong makagamit ng mga pasilidad sa mga base militar ng Armed Forces of the Philippines (AFP). “These matters would be threshed out still when we talk about the details for the agreed locations. There will be discussions for which facilities would be for …
Read More »Reloading sinisi sa nasunog na army facility
MAY teorya na ang Bureau of Fire Protection (BFP) ng Taguig City hinggil sa posibilidad na naging sanhi ng sunog at pagsabog sa Explosive Ordnance Division (EOD) Battalion headquarters ng Philippine Army sa Fort Bonifacio sa Taguig City kamakalawa na ikinasugat ng 25 katao. Sinabi ni Taguig City Fire Marshall C/Insp. Juanito Maslang, batay sa kanilang inisyal na imbestigasyon, bagamat …
Read More »Kagawad, 1 pa utas sa ratrat (Pagkatapos ng Caloocan traffic chief)
PATAY ang isang barangay kagawad habang sugatan ang kanyang misis, at patay rin ang isang lalaki habang sugatan ang babaeng kanyang katabi makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga salarin sa magkahiwalay na insidente sa Caloocan City. Ito ay isang araw lamang makaraan ang naganap na pagpaslang 66-anyos dating hepe ng Department of Public Safety and Traffic Management (DPSTM) na si …
Read More »80’s era ng Ikaw Lamang, tiyak na mas exciting!
ni Maricris Valdez Nicasio TOTOO ang sinasabi ng karamihang tumututok sa Ikaw Lamang na dapat ay ‘wag pumalya sa pagsubaybay ng teleseryeng ito ng ABS-CBN2 dahil mabilis ang mga pangyayari. Matapos ang kasalang Isabelle (Kim Chiu) at Franco (Jake Cuenca), kaabang-abang ang mga susunod na magaganap sa buhay mag-asawa nila. Kung atin matatandaan, pumayag si Isabelle sa kasunduang pakakasal siya …
Read More »Beauty is my revenge! ganti ni Bella sa mga nang-aapi sa kanya!
ni Maricris Valdez Nicasio ANG isa pang teleseryeng paganda rin ng paganda ay itong Mirabella na pinagbibidahan ni Julia Barretto. Bukod sa maganda ang istorya, mabilis din ang pacing nito at magagaling din ang mga artistang nagsisiganap. Sa kuwento’y gumanda na rin si Mira sa tulong ng yellow flower. Ang dating Mira ay naging Bella na ngayon. Exciting ang part …
Read More »Andrea at Raikko, magbibigay-pugay sa mga ina sa Wansapanataym!
ni Maricris Valdez Nicasio ALAY sa mga mapagmahal na ina ang Wansapanataym special nina Andrea Brillantes at Raikko Mateo sa Sabado (Mayo 10). Sa pagpapatuloy ng kanilang kuwentong My Guardian Angel, mas ipauunawa nina Andrea at Raikko sa mga kapwa nila bata ang halaga ng pagmamahal ng mga nanay. Sa kanyang pagpapanggap bilang isang normal na bata, mararamdaman ni Kiko …
Read More »Bettina, bagong babae raw ni Raymart?
ni Roldan Castro ITINANGGI ni Bettina Carlos na siya ang bagong babae ni Raymart Santiago. Hindi raw totoo na siya ang ipinalit ni Raymart kay Claudine Barretto. Hindi raw siya marunong magluto kaya hindi rin totoo ang isyung lagi niya itong dinadalhan at sweet na sweet sa set. Si Bettina na raw ang ipinalit ni Raymart kay Claudine. Si Bettina …
Read More »Batchmates, new breed of Filipina performers
ni Roldan Castro HINDI matatawaran ang kaligayahan ng Batchmates composed of Aura, Cath, Jonah, Marie, Sophy, at Vassy dahil sa wakas ay mabibili na sa lahat ng Odyssey at Astroplus outlet ang kanilang pinaghirapang album self-titled Batchmates na inirelease ng PolyEast Records. Ang nasabing album ay naglalaman ng mga awiting siguradong kagigiliwan ng mga makikinig bata man o matanda. Nakapaloob …
Read More »Aktres, walang galang sa matatanda
ni Ronnie Carrasco III TSIKA ito tungkol sa isang magkasintahan sa showbiz na bumaba sa isang ospital mula sa kanilang sasakyan. Tamang-tama namang may isang wheelchair-bound yet wealthy-looking elderly woman sa labas ng gate, probably waiting for her car. Dahil nagtama ang kani-kanilang mga tingin, minasama pala ng aktres ang titig ng matandang babae which she (actress) mistook for a …
Read More »Vickie ng PBB housemate, GF ni Jason Abalos
ni ROLDAN CASTRO HABANG may nagtatanong sa social media kung dyowa raw ba ni Vice Ganda ang isang guwapong housemate sa PBB house, may nadiskubre naman kami na girlfriend umano ni Jason Abalos ang beauty queen at lady mahinhin ng Bacolod sa PBB house na si Vickie Rushton. Bago pala pumasok si Vickie sa Bahay ni Kuya ay isinama siya …
Read More »JC sa kotse na natutulog dahil sa kabi-kabilang taping
ni ROLDAN CASTRO NAGKAROON ng sariling presscon si JC De Vera na patawag ng kanyang manager. Hindi kasi nakasipot si JC sa presscon ng So It’s You dahil may taping siya ng Moon of Desire sa Batangas. Sa kotse na nga siya natutulog dahil sa taping niya ng Legal Wife at MOD kaya wala raw siyang oras sa lovelife niya. …
Read More »Wowie, sobrang apektado sa pagkawala ng asawa
ni ED DE LEON TALAGANG malungkot ang nangyari sa buhay ni Wowie de Guzman. Isipin ninyong kapapanganak pa lamang ng kanyang asawa, namatay na agad iyon. Matapos daw na manganak ay naging unstable na ang blood pressure ng kanyang asawang si Sheryll Ann Reyes. Nang minsan daw na sumama ang katawan niyon ay uminom lamang ng karaniwang gamot, pero pagkatapos …
Read More »Kuya Germs, 51 taon na sa showbiz pero aktibo pa rin!
ni Ed de Leon IPINAALALA sa amin ni Kuya Germs noong isang araw, 51 years na nga pala siya sa showbusiness. Bihira sa ating mga artista ang tumatagal nang ganyan at nananatiling active pa rin. Hindi na ibinilang ni Kuya Germs ang panahon ng kanyang pagsisimula sa Clover Theater, dahil hindi pa naman siya artista noong panahong iyon. Nagsimula lang …
Read More »Pabahay ng Camella sa Bet on Your Baby winner
PABAHAY NG CAMELLA SA BET ON YOUR BABY WINNER—Iniaabot ni Vista Land Chairman Manny Villar ang susi ng Camella house and lot sa Mcmahon family, winner sa Bet on Your Baby game show ng ABS-CBN. Ang Villar housing company ay sponsor sa game show ni Judy Ann Santos. Ang Camella ay itinuturing na country’s premier homebuilder, developing affordable, high-quality homes …
Read More »Nahilot na naman si bossing ni Bubonika?
ni Pete Ampoloquio, Jr. Hahahahahahahahahahaha! Mukhang walang kapaguran si Bubonika, the rat-faced chaka. Rat-faced chakita raw talaga, o! Harharharharharhar! Someone called us up last night to give us the highly despairing bit of news (highly despairing bit of news raw, o! Hakhakhakhakhak!) na ipinagkakalat daw ni Fermi Chakita na hindi raw true na nagtapos na ang kanyang career sa Cinco. …
Read More »Military armory sumabog sa 4 sunog sa Metro (70-anyos patay, 5 kritikal, 20 sugatan)
SUMABOG ang armory ng Philippine Army sa Fort Bonifacio, patay ang 70-anyos Tsekwa at umabot sa P6 milyon ang naabo sa apat na sunog na naganap sa Metro Manila. Lima ang kritikal sa 25 kataong sugatan nang masunog kasunod ng pagsabog ng armory ng Philippine Army sa Fort Bonifacio, Taguig City, kahapon ng umaga. Sa ulat, kinilala ang limang kritikal …
Read More »Preso sa Lucena nagprotesta (4 patay, 20 sugatan)
UMABOT na sa apat ang mga napatay na bilanggo habang tinatayang nasa 20 katao ang sugatan sa naganap na protesta ng mga preso sa provincial jail sa Lucena City, sa Quezon province kahapon ng umaga. Kinilala ni Lucena City Police chief, S/Supt. Allen Rae Co, ang mga namatay na sina Gary Esguera, Jose Umali Escasa, Cristian Contemplacion, at Manuelito Palma. …
Read More »2 gabinete sinisi ni Ping sa mabagal na Yolanda rehab
HINDI naitago ni Rehabilitation czar Panfilo “Ping” Lacson ang pagkadesmaya sa dalawang cabinet officials na aniya’y hadlang sa pagpapatupad ng mga proyekto sa pagbangon ng mga sinalanta ng bagyong Yolanda. Sinabi ni Lacson, kung hindi “dedma,” walang pakialam, o kaya ay nananadyang nagpapaimportante ang nasabing mga opisyal. Ayon kay Lacson, dating tatlo ngunit nagbago na ang isang tinik sa kanyang …
Read More »Pinay nurse sa Saudi pumanaw na sa MERS-CoV
NAMATAY na ang isang Filipina nurse na taga-Negros Occidental, makaraan isailalim sa quarantine para obserbahan sa kilalang pagamutan sa Saudi Arabia dahil sa hinalang nahawaan ng Middle East Respiratory Syndrome-Corona Virus (MERS-CoV). Ayon kay Arnold Diaz, kamag-anak ng pasyente, kinompirma sa kanya ng asawa ng nurse na si alias Toto na namatay ang biktima dakong 11 a.m. (Saudi time). Aniya, …
Read More »5 tauhan ng RWM towing inasunto (Hinatak na sasakyan ‘kinarne’)
NAHAHARAP sa kasong pagnanakaw ang limang tauhan ng towing company nang kanilang ‘karnehin’ ang mga spare parts ng sasakyan na kanilang hinatak, kamakailan. Sa report ng MPD-District Tactical Operations Center, tinutugis ang mga suspek na sina Jeff Mercullo, Alex Tomas, Cedie Sanchez, Anthony Navez at Jon Buen, mga tuhan ng RWM Towing Services na may tanggapan sa A. Mabini St., …
Read More »Ama patay anak sugatan sa tarak ng may sapak
PATAY ang 55-anyos lalaki habang sugatan ang isa pa nang magwala ang sinasabing may problema sa pag-iisip, sa Tondo, Maynila, kahapon. Kinilala ang biktimang si Ricardo Raon, pedicab driver, namatay habang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center, habang ang anak na si Ronnel Raon, 19, ay dinala naman sa Gat Andres Bonifacio Medical Center. Ang dalawa ay kapwa residente …
Read More »Caloocan ex-traffic chief itinumba
PATAY ang 66-anyos retiradong pulis at dating hepe ng Department of Public Safety Traffic Management (DPSTM) nang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek kamakalawa ng umaga, sa Caloocan City. Dead on arrival sa Commonwealth Hospital ang biktimang si Eduardo Balanay, ng Block 6, Lot 24, Brgy. 177, Camarin, sanhi ng tatlong tama ng bala ng kalibre .45 sa ulo at dibdib. …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com