Saturday , December 6 2025

hataw tabloid

Destroy Abu Sayyaf — Duterte (Walang ititira)

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang matitirang Abu Sayyaf bago matapos ang kanyang termino. Sinabi ni Pangulong Duterte, kinokompleto lamang niya ang kinakailangang puwersa ng sundalo at pulis gayondin ang mga makabagong gamit pandigma bago lusubin ang mga terorista sa Mindanao. Ayon kay Duterte, kailangan tapusin ang Abu Sayyaf at ihanda ang militar dahil sa loob daw ng lima …

Read More »

Vice mayor sa Cagayan patay sa ambush

TUGUEGARAO CITY – Patay ang vice mayor ng bayan ng Pamplona, Cagayan makaraan pagbabarilinn ng dalawang hindi nakilalang lalaki kamakalawa ng gabi. Ayon sa PNP Pamplona, agad silang nagtungo sa lugar at nadatnang patay na si Vice Mayor Aaron Sampaga sa bahay ng isa niyang kaibigan sa Brgy. Masi. Ayon sa PNP, dumaan sa river control ang mga suspek at …

Read More »

27 local gov’t off’ls sa illegal drug trade tutugisin ng PNP

ronald bato dela rosa pnp

NAKAHANDA nang tugisin ng pambansang pulisya ang ilan sa 27 local government officials na isinasangkot ni Pangulong Rodrigo Duterte sa operasyon sa ilegal na droga. Ito’y kahit hindi pa ibinibigay sa PNP ang opisyal na listahan na nakapaloob ang pangalan ng 27 local government executives na sangkot sa illegal drug trade. Ayon kay PNP chief, Director General Ronald Dela Rosa, …

Read More »

Pinoy champs sa olympics pambansang pensionado

NAIS gawing pambansang pensionado ang mga atletang Filipino na mananalo ng medalya sa Olympics. Sakaling maisabatas ang House bill 14800 ni Aangat Tayo Party-list Rep. Harlin Neil Abayon III, magkakaroon ng kaparehong benepisyo ang mananalong Filipino Olympians sa mga atleta sa ibang bansa. Sa nasabing panukala, bibigyan ng pribilehiyo ang Filipino Olympian champions na maging tax-free citizen habambuhay, bukod pa …

Read More »

Base pay ng pulis, itataas sa P50-K kada buwan

INIHAIN sa Kamara ang panukalang naglalayong taasan ang matatanggap na minimum na sahod ng mga pulis kada buwan. Sa House Bill 1325 ni Surigao Del Sur Rep. Johnny Pimentel, makatatanggap ang mga pulis ng P50,000 buwanang minimum na sahod mula sa kasalukyang P14,834 base pay ng mga pulis na may ranggong PO1. Ang umento aniya sa sahod ng mga pulis …

Read More »

4 sports officials guilty sa overpriced equipment — Sandigan

HINATULAN ng Sandiganbayan na guilty ang apat opisyal ng Philippine Sports Commission (PSC) at dalawang opisyal na supplier ng sports equipment. Ayon sa Sandiganbayan, makukulong mula anim hanggang 10 taon ang kasalukuyang PSC Deputy Executive Cesar Pradas, mga dating opisyal na sina Simeon Gabriel Rivera, Marilou Cantancio at Eduardo Clariza. Inihayag ng korte, dapat silang panagutin sa paglabag sa Section …

Read More »

Demand ni Kerwin para sa pagsuko ibinasura ng PNP

IBINASURA ng Philippine National Police (PNP) ang kahilingan nang inaakusahang drug lord na si Kerwin Espinosa, na sunduin siya ni PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa sa kanyang pagsuko. Ngunit nag-deploy ang pulisya nang sapat na bilang ng mga tauhan na sasalubong kay Espinosa, kung matutuloy ang kanyang pagbabalik-bansa. Si Kerwin ang sinasabing responsable sa pagpapakalat ng droga sa Eastern …

Read More »

Anak ng Isabel, Leyte mayor patay sa ambush

dead gun police

TACLOBAN CITY – Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang anak ng alkalde sa Isabel, Leyte makaraan barilin sa Brgy. San Isidro, Ormoc City kahapon ng umaga. Kinilala ang biktimang si Eric Fuentes, anak ni Isabel, Leyte, Mayor Jun Fuentes Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, binaril ang biktima habang sakay ng kanyang motorsiklo. Inaalam pa ngayon kung …

Read More »

4 tulak tigbak sa parak sa Toledo, Cebu

shabu drugs dead

NAPATAY ng mga pulis ang apat hinihinalang mga tulak ng ilegal na droga sa Toledo, Cebu makaraan lumaban sa mga awtoridad sa anti-drug operation sa nabanggit na lugar. Ayon sa ulat, nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad laban sa isa sa mga suspek na si Jerome Gara. Ngunit natunugan ni Gara na pulis ang kanyang katransaksiyon kaya bumunot ng baril …

Read More »

2 NDF consultants pansamantalang pinalaya (Para sa peace talks sa Norway)

PANSAMANTALANG pinalaya ng Supreme Court ang dalawang consultants ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na magiging bahagi ng peace negotiations ng pamahalaan at NDFP sa Oslo, Norway. Kasunod nito, nanawagan ang Office of the Solicitor General (OSG) na pagbigyan din ng SC ang kanilang hirit na palayain na rin ang nakadetineng political prisoners. Kabilang sa mga binigyan ng …

Read More »

Nat’l minimum wage proposal ihahain sa Kongreso

salary increase pay hike

INIHAHANDA na ni Labor Sec. Silvestre Bello III ang panukala para sa National Minimum Wage Law. Ayon kay Bello, idudulog nila ito sa Kongreso sa susunod na mga araw para maihabol sa priority bills. Layunin ng nationwide minimum wage na maging pantay ang sahod mula sa Metro Manila at sa mga probinsya. Sa ganitong paraan, masosolusyunan na rin ang “congestion” …

Read More »

Dengue patay kay Malapitan

MULING pinangunahan ni Caloocan City Mayor Oca Malapitan ang “Oplan Clean Agad,” isang tuloy-tuloy na kampanya ng kalinisan para sa mga lugar na pinamumugaran ng dengue-carrier mosquitoes. Sinimulan kahapon ang tatlong-araw kada cluster na kampanya kontra dengue at matatapos ito hanggang Agosto 21. Layon ng Mayor na magkaroon sa bawat cluster ng 16 na zona ng information campaign; door-to-door flyer …

Read More »

Selective justice hindi pinalusot (PCC supalpal sa CA)

SINOPLA ng Court of Appeals (CA) ang Philippine Competition Commission (PCC) makaraang aprubahan ang urgent motion ng Globe Telecom na pag-isahin ang petisyon nito at ng PLDT. Nauna nang tinutulan ng PCC ang konsolidasyon ng mga kaso ng Globe at PLDT, isang hakbang ng anti-trust body na maituturing umanong isang ‘selective justice.’ Ayon kay Globe General Counsel Froilan Castelo, ang …

Read More »

Gulf Air flight nag-emergency landing sa NAIA

plane Control Tower

LIGTAS na nakalabas mula sa eroplanong nag-emergency landing sa  Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 ang 207 pasahero ng Gulf Air flight 155. Nangyari ito bandang 12:30 nn kahapon. Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), umusok ang internal engine ng sasakyan kaya napilitan ang piloto na humingi ng clearance para sa emergency landing. Nabatid na patungo sana sa …

Read More »

Baby Go, Chairman of the Board sa Mister United Continents

NAGING Chairman of the Board ang lady boss ng BG Productions International na si Ms. Baby Go sa Mister United Continents 2016 na ginanap sa Tanghalang Pasigueño last July 22, 2016. Kasama bilang judges ang mga taga-BG Productions na sina Dennis Evangelista, Romeo Lindain, at Direk Neal ‘Buboy’ Tan. Naglaban-laban ang mga finalist sa iba’t ibang bansa kabilang ang Pilipinas, …

Read More »

2 heneral protektor ng mag-amang Espinosa

KINOMPIRMA ni PNP chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa ang lumutang na ulat na protektor ng mag-amang Rolando at Kerwin Espinosa ang dalawang dating heneral ng pulisya. Ayon kay Dela Rosa, bago pa man lumutang ang sinasabing koneksiyon nina retired General Marcelo Garbo at dating heneral at ngayon ay Daanbantayan Mayor Vicente Loot sa mga Espinosa ay alam na niya …

Read More »

Pangalan sa drug list kinokompleto pa (Bago ibunyag ni Digong)

NILINAW ng Palasyo na hindi nagmamadali si Pangulong Rodrigo Duterte na pangalanan ang iba pang mga opisyal at personalidad na sangkot sa ilegal na droga. Sinabi ni Presidential Management Staff chief Sec. Bong Go, nais muna ni Pangulong Duterte na makompleto ang listahan para isahan na lang ang pagbanggit ng mga pangalan. Una rito kamakalawa ng gabi, muling nasentro sa …

Read More »

Peter Lim na lumapit kay Duterte nasa PDEA watch list

IISA ang Peter Lim na lumapit kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Peter Lim na isa sa drug lords sa listahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Ito ang kinompirma ni PDEA Director General Isidro Lapeña. Ayon kay Lapeña, kasama ang pangalan ng Cebuanong negosyante sa listahan ng mga target drug personalities na isinumite nila kay Duterte. Ang nasabing listahan ay …

Read More »

Mocha bilang consultant, itinanggi ng Customs

TODO paliwanag ang Bureau of Customs sa unang pahayag na napipisil para maging “social media consultant” ng ahensiya ang sexy singer/dancer na si Margaux “Mocha” Uson. Ayon kay BoC Commissioner Nicanor Faeldon, na-misquote lamang siya at hindi itatalaga si Mocha sa nasabing posisyon ngunit maaari raw magsulat ng articles tungkol sa BoC lalo’t isang active blogger ang 34-anyos performer. Pahayag …

Read More »

Guidelines sa Oplan Tokhang ilalabas

MAGLALABAS ng guidelines ang Dangerous Drug Board (DDB) kaugnay sa patuloy na isinasagawang “Oplan Tokhang” ng Philippine National Police (PNP). Ito ay bilang proteksiyon sa sumusukong drug pushers at users. Sinabi ni DDB chair Felipe Rojas Jr., isa sa naiisip nilang paraan ang posibleng paglalagay ng mga abogado para lubusang maintindihan ng drug pushers ang ginagawa nilang pagsuko. Dagdag ni …

Read More »

Banta sa oligarch: ‘Umayos o patayin ko kayo’ – Duterte

duterte gun

IPINABUBUWAG ni Pangulong Rodrigo Duterte ang aniya’y “oligarchs” o malalaking negosyanteng financier ng ilang politiko sa bansa. Sinabi ni Pangulong Duterte, kabilang na rito si Roberto Ongpin na sangkot sa malaking operasyon ng online gambling at namamayagpag mula pa noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Kasabay nito, muling nagbabala si Pangulong Duterte sa ibang “oligarchs” na tapusin na ang …

Read More »

Wikang Filipino sa reseta, medisina at bilang panturo sa mga bata

NAGBIGAY ng tips ang premyadong manunulat at doktor na si Dr. Luis P. Gatmaitan sa mga dumalo sa ikalawang araw ng Pambansang Kongreso 2016 na inilunsad ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa Teachers’ Camp, Lungsod Baguio, kahapon. Sa 45-minutong panayam ni Gatmaitan, tinalakay niya ang kahalagahan ng wikang Filipino sa pagtuturo ng siyentipiko at medikal na konsepto hindi lamang …

Read More »

Ekonomiks sa Filipino patuloy na isinusulong ni Dr. Tereso Tullao

BAGUIO CITY – Hinikayat ng Bayani ng Wika awardee at ekonomistang si Dr. Tereso S. Tullao Jr., ang mga kapwa-ekonomista, guro, mananaliksik, at Filipino na makiisa sa intelektuwalisasyon ng Filipino sa larang ng ekonomiks. Isa si Dr. Tullao sa mga nagsalita sa ikalawang araw ng Pambansang Kongreso 2016, na inilunsad ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) para sa intelektuwalisasyon ng …

Read More »