KINUYOG ng ilang tila pro-Duterte netizens si Makati Mayor Abby Binay sa social media nang soplahin si Vice President Sara Duterte hinggil sa pagbatikos laban sa pamamahagi ng P20 kada kilong bigas sa Kabisayaan sa kabila na ipinagbabawal ng Comelec. Sa post ng news website na Politiko https://politiko.com.ph/2025/04/25/dapat-ba-patapusin-pa-eleksyon-abby-binay-rejects-sara-dutertes-claim-on-p20-per-kilo-rice-as-campaign-ploy/politiko-lokal/, natunghayan ang maraming comments ng netizens na inuupakan si Abby Binay na …
Read More »
Sa kanyang adbokasiyang pro-barangay
MARCOLETA SUPORTADO NG BARANGAY LEADERS
NAGPAHAYAG nang buong suporta ang mga opisyal ng barangay mula sa iba’t ibang panig ng bansa para sa tumatakbong Senador na si Rodante Marcoleta, dahil sa kanyang matatag na adbokasiya para sa pagpapalakas ng pamahalaang lokal, partikular rito ang House Bill 9400. Layunin ng House Bill 9400 na bumuo ng Barangay Affairs and Development Fund mula sa 3-4% ng mga …
Read More »Patok si Brian Poe ng FPJ Panday Bayanihan sa Pangasinan
HATAW News Team UMANI ng hiyawan at sigawan si Brian Poe, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan Partylist, mula sa libo-libong tagasuporta sa ginanap na grand rally sa Pangasinan. Napuno ng kasiyahan at pag-asa ang atmospera habang masiglang tinanggap ng mga kababayan ang kanilang kandidato at kinatawan sa Kongreso. Ipinaabot ni Brian ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa mga dumalo: “Mga …
Read More »‘Papa Pi’ inendoso si Bam Aquino, sumama sa motorcade sa MM
NADAGDAG si Piolo “Papa Pi” Pascual sa mga artistang nag-eendoso sa kandidatura ni dating senador at independent senatorial candidate Bam Aquino. Kahapon, Linggo, sumama si Piolo sa motorcade ni Bam sa ilang parte ng Metro Manila, kabilang ang Mandaluyong at Cubao, Quezon City. Nakasama rin ni Bam ang aktres na sina Iza Calzado at Bea Binene sa Mandaluyong, Quezon City, at Valenzuela. Bago nagsimula ang motorcade, pinagtibay …
Read More »Chavit Singson pinasinayaan pagbubukas ng e-Jeepney factory sa ‘Pinas
PINANGUNAHAN ni dating Gov. Luis “Chavit” Singson ang pagpapasinaya sa matagal na niyang pangarap, ang kauna-unahang e-Jeepney assembly plant ng bansa sa Lima, Batangas. Ang proyektong ito ay magbubukas ng bagong yugto sa sustainable at eco-friendly na transportasyon sa Pilipinas. Ani Singson, nais niyang mabigyan ng pagkakataon ang mga tsuper sa modernong panahon. “Eksaktong kinopya namin ang iconic na disenyo ng jeepney …
Read More »
Sa NAIA Terminal 1
5-anyos anak ng paalis na OFW, 1 pa, patay sa araro ng SUV
PATAY ang isang 5-anyos anak na babae ng paalis na overseas Filipino worker (OFW) at isang 28-anyos lalaki nang rumampa ang isang sports utility vehicle (SUV) sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 sa Pasay City kahapon ng umaga. Kinilala ang mga namatay na biktimang sina Maliya Masongsong, 5 anyos, at Dearick Keo Faustino, 28, …
Read More »‘Mga guro kami at ‘di kasangkapan ng politika’ — Marikina Federation of Public School Teachers
MARIIN naming kinokondena ang iresponsableng ulat na lumabas sa isang news website na gumamit ng hindi beripikadong impormasyon, anonymous sources, at pangalan ng mga guro upang palitawin na kami ay sangkot sa isang reklamo tungkol sa umano’y vote buying. Wala pong katotohanan ang ulat. Wala po kaming inilabas na opisyal na pahayag. Wala pong galing sa aming samahan ang sinasabing …
Read More »
Para sa mga apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon at Bulusan
TRABAHO PARTLIST, NANAWAGAN NG CALAMITY LEAVE
MATAPOS ang pagdiriwang ng Araw ng Paggawa, nanawagan ang TRABAHO Partylist, numero 106 sa balota, para sa maayos na pamantayan sa calamity leave para sa mga naapektohang manggagawa bunsod ng pag-alboroto ng mga bulkang Kanlaon at Bulusan. Layon ng panukalang calamity leave na mabigyan ng sahod ang mga manggagawa sa pampubliko at pribadong sektor tuwing may kalamidad — sa panahon …
Read More »Grupo ng mangagawa, kapanalig ng FPJ Panday Bayanihan Partylist
ANG FPJ Panday Bayanihan Partylist, sa pangunguna ng kanilang unang nominado na si Brian Poe, ay lumagda kahapon ng isang kasunduan kasama ang Confederation of Filipino Workers (CFW) upang isulong ang mga adbokasiya para palakasin ang sektor ng paggawa at itaguyod ang kanilang mga karapatan at kapakanan. Sa isang pahayag, sinabi ni Poe na kabilang sa mga pangunahing lider-manggagawa na …
Read More »Tuguegarao, inaasahang may magbabalik
HINDI mapigilan ang ingay at init ng kalsada sa Norte nitong mga nakaraang linggo matapos ang matinding balita na “Mayor Jefferson Soriano is Back!” At hindi lang basta nagbabalik dahil may grand comeback ang nangyayari ngayon sa Tuguegarao. Matatandaang natalo si Soriano ni Maila Ting-Que noong 2022 pagtapos nitong mamuno nang siyam na taon, si Maila ang kauna-unahang babaeng Mayor …
Read More »
Vote-buying sa pormang ayuda
Marikina public school teachers umapela sa Comelec para imbestigahan si Quimbo
UMAPELA ang isang grupo ng public school teachers mula Marikina City sa Commission on Elections (Comelec) na imbestigahan ang pamamahagi ng pinansiyal na ayuda sa kanilang mga kapwa guro sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ni Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo. Sa isang liham, sinabi …
Read More »PAMILYA KO, patuloy sa pamamayagpag, pasok sa Top 15 Partylist ng Octa Research April Survey
PATULOY na lumalakas ang suportang nakukuha ng PAMILYA KO Partylist at kinikilala ang bitbit nitong adbokasiyang nagtataguyod sa karapatan ng bawat pamilya. Sa Tugon ng Masa survey ng OCTA Research nitong April 2025, nasa rank 12 ang PAMILYA KO Partylist —isang maagang senyales na malaki na ang tsansa na makakuha sila ng puwesto sa Kongreso. Ang mabilis na pag-angat ng …
Read More »Salceda: Phivolcs Modernization Act, pamumuhunang ligtas buhay, lalo na sa Albay
Ang Phivolcs (Philippine Institute of Volcanology and Seismology) Modernization Act na nilagdaan kamakailan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. bilang RA 12180 ay isang natatanging pamumuhunan para sa mga Pilipinong nakatira malapit sa mga bulkan, ayon kay Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda. Para sa Albay, sadyang napakahalaga ang naturang batas. Nasa Albay ang Mount Mayon, ang pinakamagandang bulkan …
Read More »Prediction ng AI: Abby Binay, puwedeng malaglag sa Magic 12
KUNG pagbabatayan ang pag-aanalisa ng artificial intelligence ng 3RDEY3 (@3RD_AI_) na naka-post sa X, may malaking porsiyento na hindi makasasampa si Makati Mayor Abby Binay sa inaasam na Magic 12 sa Senado taliwas sa kanyang inaasahan. Ayon sa post ng 3RD_AI_, naitala ang tsansa ni Abby Binay sa ika-11 hanggang ika-14 puwesto sa Magic 12 kaya puwede siyang malaglag sa …
Read More »2 kapitan umangal sa vote buying vs Cong sa Aklan
IBINULGAR ng dalawang barangay chairman na nagsampa ng disqualification case laban kay Aklan 2nd District Rep. Teodorico Haresco na ginagamit din ang bahay ng mambabatas bilang lugar para sa ‘vote buying’ na itinatago bilang ‘payout’. Ayon kina Henry Olid at Shirly Lagradante, kapitan ng Barangay Tibiawan at Poblacion, nakatanggap sila ng impormasyon na ginagawa sa mismong bahay ni Haresco ang …
Read More »TWG sa Move It: Itigil operasyon sa Cebu at CdO
PINATAWAN ng Motorcycle Taxi Technical Working Group (MC Taxi TWG) ng parusa ang Move It — ang motorcycle taxi service na pinatatakbo ng Grab – dahil sa patuloy nitong paglabag sa regulasyon ukol sa fleet limit at kabiguang sumunod sa mandatory reporting rules sa ilalim ng motorcycle taxi pilot study. Sa inilabas na kautusan, inatasan ng TWG ang Move It …
Read More »Sulong Malabon movement todo suporta sa kandidatura ni mayor Jaye Lacson-Noel at congressman Lenlen Oreta
TAHASANG nagpahayag ng suporta ang multi-sectoral movement na Sulong Malabon sa tambalan nina Congresswoman Jaye Lacson-Noel na tumatakbong mayor at dating Mayor Lenlen Oreta na ngayon naman ay tumatakbong congressman ng lungsod. Sa pahayag ng nasabing grupo naniniwala sila na ang pinagsamang liderato ng dalawang lider bilang mayor at congressman ang higit na makabubuti para sa kanilang mga Malabonian. “Naninindigan …
Read More »
Sa Distrito 6 ng Pangasinan
Rep. Marlyn Primicias-Agabas nagreklamo sa COMELEC at PNP vs malawakang vote buying
NAGHAIN ng dalawang magkahiwalay na liham si Representative Marlyn Primicias-Agabas ng Distrito 6 ng Pangasinan kina Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Garcia at Philippine National Police (PNP) Chief, General Rommel Marbil upang ipanawagan ang agarang aksiyon laban sa aniya’y malawakang vote buying na isinasagawa sa mga bayan ng Rosales, Balungao, at Asingan. Ayon kay Agabas sa kanyang mga liham …
Read More »
Kaya nag-endoso ng kandidatong senador
VP SARA ‘TAGILID’ SA IMPEACHMENT
NANINIWALA ang abogadong si Atty. Antonio Bucoy na nararamdaman ni Vice President Sara Duterte na tagilid siya sa isinampang impeachment complaint laban sa kanya sa Senado kung kaya’t kailangan niyang mag-endoso ng mga kumakandidatong senador. Si Bucoy ay miyembro ng Free Legal Assistance Group (FLAG) at Movement of Attorneys for Brotherhood, Integrity and Nationalism (MABINI). Ayon kay Bucoy, maliwanag …
Read More »
Sa SCTEX toll plaza
12 PATAY, 28 SUGATAN SA KARAMBOLA NG 5 SASAKYAN
HATAW news Team HINDI bababa sa 12 katao ang naiulat na binawian n buhay habang 28 indibiduwal ang sugatan sa banggaang kinasasangkutan ng limang sasakyan sa SCTEX Toll Plaza, sa lungsod ng Tarlac, nitong Huwebes ng hapon, 1 Mayo. Ayon kay P/Lt. Col. Romel Santos, director ng Tarlac PPO, naganap ang insidente sa SCTEX toll plaza, sa bahagi ng Brgy. …
Read More »Bong Go, Marcoleta, at Tulfo Nanguna sa Kalye Survey ng mga Motorista at Mamimili sa Palengke
Nanguna sina Senator Bong Go, Rep. Rodante Marcoleta, at broadcaster Erwin Tulfo sa isang kalye survey na isinagawa ng Publishers Association of the Philippines, Inc. (PAPI) mula Abril 1 hanggang 20, 2025. Ayon sa survey, tinanong ang 1,100 katao mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa, kabilang ang mga motorista, pasahero ng jeep at bus, at mamimili sa mga pampublikong …
Read More »
Sa pagkamatay ng ilang traffic enforcers sa Iloilo
TRABAHO Partylist, nanawagan ng pambansang pagpapatupad ng Heat Stroke Break Policy
NANAWAGAN ang #106 TRABAHO Partylist para madiinan ang pagpapatupad ng “heat stroke break policy” mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa buong bansa, kasunod ng pagkamatay ng dalawang traffic enforcers sa Iloilo City na pinaniniwalaang dulot ng matinding init ng panahon. Ayon sa ulat ng Transportation and Traffic Management Office ng Iloilo City, ang dalawang enforcer ay may …
Read More »Barangay leaders sa Aklan naghain ng DQ vs vote buying
DALAWANG barangay captain mula Makato, Aklan ang naghain ng petition for disqualification sa Commission on Elections (Comelec) laban kay Aklan 2nd District Rep. Teodorico “Nonong” Haresco, Jr., dahil sa sinabing ‘vote buying’. Sa kanilang petisyon, sinabi nina Henry Olid at Shirly Lagradante, mga kapitan ng Barangay Tibiawan at Poblacion, personal nilang nasaksihan ang staff ni Haresco na si Shiela Puod, …
Read More »Cagayan De Oro Mayor Klarex Uy kinuwestiyon sa P330-M cash advances
HATAW News Team ‘UNDER HOT WATER’ si Cagayan de Oro Mayor Klarex Uy matapos ireklamo ng pagwawaldas ng pondo ng lokal na pamahalaan na aabot sa P330 milyones sa pamamagitan ng mga ginawang cash advances. Sa isang press conference sa Cagayan de Oro City ibinunyag ni Teddy Sabuga-a, siyam-na-taon nagsilbi bilang dating City Administrator ng Cagayan de Oro na ang …
Read More »P20/kilo ni Marcos ‘gimik’ para makapuntos ng boto — CPP
“KASUKLAM-SUKLAM ang gobyernong Marcos sa paggamit sa gutom at kahirapan ng mga Filipino para lang makagimik at makapuntos ng boto sa eleksiyon.” Ito ang reaksiyon ni Marco Valbuena, punong opisyal sa impormasyon ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa idineklarang plano ni Marcos na magbenta ang gobyerno ng bigas na P20 kada kilo sa mga mamimili sa Visayas simula …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com