Saturday , November 23 2024

hataw tabloid

Wikang Filipino sa reseta, medisina at bilang panturo sa mga bata

NAGBIGAY ng tips ang premyadong manunulat at doktor na si Dr. Luis P. Gatmaitan sa mga dumalo sa ikalawang araw ng Pambansang Kongreso 2016 na inilunsad ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa Teachers’ Camp, Lungsod Baguio, kahapon. Sa 45-minutong panayam ni Gatmaitan, tinalakay niya ang kahalagahan ng wikang Filipino sa pagtuturo ng siyentipiko at medikal na konsepto hindi lamang …

Read More »

Ekonomiks sa Filipino patuloy na isinusulong ni Dr. Tereso Tullao

BAGUIO CITY – Hinikayat ng Bayani ng Wika awardee at ekonomistang si Dr. Tereso S. Tullao Jr., ang mga kapwa-ekonomista, guro, mananaliksik, at Filipino na makiisa sa intelektuwalisasyon ng Filipino sa larang ng ekonomiks. Isa si Dr. Tullao sa mga nagsalita sa ikalawang araw ng Pambansang Kongreso 2016, na inilunsad ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) para sa intelektuwalisasyon ng …

Read More »

Local officials sa drug trade tukoy na ng PNP

ronald bato dela rosa pnp

TUKOY na ni PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang mga lokal na opisyal sa likod ng malalaking operasyon ng ilegal na droga sa bansa. Ayon kay Dela Rosa, ipinakita na sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isinagawang cabinet meeting sa Malacañang ang sinasabing listahan ng local chief executives na nagsisilbing protektor ng drug lords at sangkot …

Read More »

Pambansang Kongreso Inilunsad ng KWF (Tungo sa intelektuwalisasyon ng wikang Filipino)

BAGUIO CITY – Dinaluhan ng mahigit 500 delegado mula sa akademya at iba’t ibang ahensiya ng paamahalaan mula Luzon, Visayas at Mindanao, ang panimulang gawain ng tatlong-araw na Pambansang Kongreso 2016 sa Teachers’ Camp, Baguio City kahapon. Pinangunahan ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF), katuwang ang Sentro ng Wika at Kultura (SWAK), ang komperensiya mula 3-5 ng Agosto, na may …

Read More »

Divorce bill inihain muli sa Kamara

MULING inihain ng Gabriela party-list sa mababang kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na magsasalegal ng diborsiyo sa Filipinas. Ito ang kanilang ika-limang beses na paghahain sa Kamara ng nasabing panukalang batas. Iginiit nina representatives Emmi de Jesus at Arlene Brosas, long overdue na ang diborsiyo sa bansa. Ayon kay De Jesus, nararapat lang kilalanin din ang karapatang mag-diborsiyo dahil …

Read More »

Filipinas ‘di Pilipinas – Almario (Ituwid ang kasaysayan)

BAGUIO CITY – Walang binabago sa baybay ng Filipinas kundi ibinabalik ang dati at sinusunod ang batas na ginawa noong 1987 sa bagong alpabetong Filipino. Ito ang buod ng pahayag ng Tagapangulo ng  Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at pambansang alagad ng sining na si Ginoong Virgilio Almario, bilang paglilinaw sa sinasabing pagbabago ng spelling ng ‘Filipinas’ sa pagbubukas ng …

Read More »

Anak ng sundalo, libre sa edukasyon — Duterte

IPINANGAKO ni Pangulong Rodrigo Duterte na libre na ang edukasyon para sa mga anak ng mga sundalo. Ito man lang aniya ay magawa ng gobyerno para tapatan o kilalanin ang sakripisyo ng mga sundalo sa pagbabantay sa seguridad ng mamamayan. Samantala, aprubado na ni Pangulong Duterte ang paglalaan ng P30 bilyon para sa modernisasyon ng V. Luna General Hospital (AFP …

Read More »

Oligarch nais wakasan ni Digong

NAIS nang mawakasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamamayagpag nang tinawag niyang mga oligarch sa bansa o ‘yung iilang makapangyarihan dahil sa pera o impluwesya na nagmamanipula sa takbo ng gobyerno o ng ekonomiya. Sa kanyang talumpati sa harap ng mga opisyal ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na nag-courtesy call sa Palasyo ay  pinangalanan ng Pangulo ang …

Read More »

P5.5-M buto at tanim na marijuana isinuko

marijuana

BUTUAN CITY – Isasailalim sa chemistry test ng Philippine National Police-Crime Laboratory-13 ang nai-turnover na mga buto at tanim na marijuana sa Lungsod ng Loreto, Agusan del Sur. Kinilala ni Senior Insp. Aldrin Salinas, hepe ng Loreto Municipal Police Station, ang drug surrenderee na si Roberto Manlumisyon alyas Popoy, 49-anyos, residente ng Sitio Mactan, Brgy. Kasapa, sa nasabing lungsod. Bitbit …

Read More »

Probe vs extra-judicial killings OK sa Palasyo

WALANG balak ang Malacañang maging si Pangulong Rodrigo Duterte, na patulan pa si Sen. Leila de Lima. Magugunitang sa privilege speech ni De Lima sa Senado, isinulong niya ang imbestigasyon sa extra-judicial killings sa sinasabing drug personalities at tahasang isinisisi sa Duterte administration. Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, iginagalang nila ang karapatan ni De Lima at pagiging independent ng …

Read More »

Mandatory ROTC ‘wag ikabahala — Palasyo

PINAWI ng Palasyo ang pagkabahala ng publiko kaugnay sa balak ng Duterte administration na ibalik ang Reserved Officers Training Corps (ROTC) bilang mandatory sa lahat ng lalaking nasa kolehiyo. Magugunitang nababahala ang mga kritiko lalo ang Kabataan Party-list sa posibleng paglabag o pag-abuso sa ROTC cadets gaya ng torture o hazing gaya nang naganap noong 2001. Sinabi ni Presidential Spokesman …

Read More »

500,000 drug suspects sumuko mula Hulyo 1

UMABOT sa mahigit 500,000 ang boluntaryong sumukong drug users at pushers sa buong bansa mula nang umupo sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ay batay sa data ng PNP mula Hulyo 1 hanggang Agosto 2 ng taon kasalukuyan. Ayon sa PNP kabuuang 565,806 ang sumurender na drug personalities. Batay sa tala ng pulisya, nasa 5,418 ang naarestong drug suspects. …

Read More »

2 Arabo tiklo sa rape sa 2 dalagita sa Baguio

arrest posas

ARESTADO sa mga pulis ang dalawang dayuhang sinasabing sangkot sa panghahalay sa dalawang menor de edad sa Baguio City. Nakuha rin sa hotel room ng mga suspek ang siyam pakete ng marijuana. Nagpakilalang taga-Dubai ang naarestong sina Waleed at Abdhelraman. Ayon sa security head ng hotel, nagreklamo ng panggagahasa ang dalawang 16-anyos dalagitang kasama ng mga dayuhan. Sinasabing galing pa …

Read More »

Lolo dedo sa suwag ng kalabaw

LAOAG CITY – Patay ang isang lolo makaraan suwagin ng alagang kalabaw sa Brgy. Madupayas sa Badoc, Ilocos Norte kamakalawa. Kinilala ni Senior Insp. Rodelio Santos, hepe ng PNP Badoc, ang biktimang si Perfecto Apricano y Pagarang, 60, walang asawa, isang magsasaka at residente sa nasabing barangay. Ayon kay Santos, nangyari ang insidente habang tumatawid sa ilog upang iuwi ng …

Read More »

Maaayos ang hakbang ni Duterte sa Hague ruling —PDP-Laban

INIHAYAG ni PDP-Laban Policy Studies Group head Jose Antonio Goitia na sinimulan na ni Presidente Rodrigo Duterte ang mga serye ng mabubuting hakbang sa hindi pagkilala ng China sa paborableng desisyon ng Permanent Court of Arbitration ng United Nations kaugnay ng reklamo ng Filipinas sa pag-angkin ng Beijing sa buong South China Sea. Ayon kay Goitia, pangulo rin ng PDP-Laban …

Read More »

Human trafficking sa Baguio hotel iniimbestigahan

BAGUIO CITY – Iniimbestigahan ang hinihinalang kaso ng human trafficking sa isang sikat na hotel sa Camp John Hay, Baguio City. Ito’y makaraan magsumbong ang tatlong babae sa front desk ng nasabing hotel na ginahasa at pinagamit sila ng ilegal na droga ng dalawang Arabian national. Base sa inisyal na imbestigasyon, kinuha ang tatlong kababaihan, kabilang ang dalawang menor de …

Read More »

Kelot nahulog mula 20/F ng QC condo, nabagok

suicide jump hulog

PATAY ang isang hindi pa nakikilalang lalaki makaraan mahulog mula sa ika-20 palapag ng Berkeley Residences building sa Katipunan, Quezon City nitong Martes. Maputi at balbas sarado ang biktima at tinatayang nasa 25 hanggang 30 anyos ang edad. Ayon sa mga nakasaksi, laking gulat na lamang nila nang marinig ang malakas na kalabog makaraan tuluyang mahulog ang biktima sa gilid …

Read More »

CPP ‘di aatras sa peace talk

UMAASA ang Communist Party of the Philippines (CPP) na maipagpapatuloy pa rin ang usapang pangkapayapaan sa gobyerno sa kabila nang hindi pagkakaunawaan kaugnay sa pagdedeklara ng tigil-putukan. Ayon sa CPP, welcome sa kanila ang deklarasyon ng ceasefire ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hulyo 25 bilang hakbang sa isinusulong na itinakdang NDFP-GRP peace negotiations. Ngunit nanghinayang sila na agad din itong …

Read More »

Prank callers sa Hotline 911 aarestohin — Gen. Bato

PINAALALAHANAN ni PNP chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang publiko sa mahalagang paggamit sa nationwide 911 hotline. Ginawa ng heneral ang paalala kasunod nang naitalang maraming bilang ng nanloloko o prank calls sa unang araw nang ‘activation’ ng 911 numbers. Nagbanta ang PNP chief, malalaman ang mga tumatawag na ginagawang biro ang 911 at sila ay aarestohin. Batay …

Read More »

Intelektuwalisasyon ng wikang Filipino isinusulong ng KWF

ISINUSULONG ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang paggamit ng wikang Filipino sa trabaho, media, at pagtuturo ng mga asignatura sa eskuwelahan. Sa pagbubukas ng Buwan ng Wika sa tanggapan ng KWF sa Palasyo ng Malacañan kahapon, binigyang-diin ni Dr. Benjamin Mendillo, puno ng Sangay ng Salin at Publikasyon ng KWF, ang pagpasok ng Filipino sa sistema ng edukasyon bilang …

Read More »

Ulan para sa sakahan, ‘di sa karagatan

tubig water

NAGSASAYANG ng maraming tubig ang Filipinas ngunit kung iipunin ang sampung porsiyento ng tubig na nasasayang makatutulong ito sa pagpapalaki ng produksiyon sa pagkain, ayon kay Gonzalo Catan, Jr., executive vice president ng Mapecon Green Charcoal Philippines. Nadedesmaya si Catan na marami tayong nakukuhang tubig mula sa malakas na buhos ng ulan ngunit hindi tayo makapag-imbak nang sapat para sa …

Read More »