Saturday , May 18 2024

PAGCOR dapat din umalalay sa mga lulong sa sugal

MASAKLAP ang nangyaring pag-atake sa Resorts World Manila noong nakaraang linggo na ikinasawi ng 38 katao at ikinasugat ng maraming iba pa.

Hindi man ito gawa ng mga terorista, base na rin sa konklusyon ng PNP, isang malagim na kabanata pa rin ito na maituturing sa mata ng publiko at maging sa mga kapit-rehiyon ng bansa.

Kahindik-hindik ang naganap, bunsod hindi ng terorismo kundi dahil sa matinding pagkagumon sa sugal ng suspek na dating empleyado ng Department of Finance. Naburyong sanhi ng patong-patong na utang bukod pa sa ban sa kanya sa mga casino.

Parang droga rin ang pagka-adik sa sugal. Maraming buhay ang sinisira. Ilang pamilya na rin ang nawasak at ilang kinabukasan ang nauwi sa wala dahil sa bisyong Ito.

Marami ang nagka-casino bilang libangan at hindi natin ito minamasama lalo pa’t kung sariling pera nila ang ginagastos, walang naabuso at hindi napababayaan ang pamilya at mga responsibillidad.

Pero lahat nang sobra at hindi tama, lalo na kung ito ay bisyo na at nakapeprehuwisyo na, hindi lamang sa nagsusugal kundi sa kanyang pamilya at kaanak, dapat na itong tigilan.

Ito marahil ang isang bagay na dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan sa pamamagitan ng Philippine Amusment and Gaming Corp., (PAGCOR).

Hindi ‘yung kung paano lamang kikita sa mga legal na pasugalan gaya ng mga casino. Obligasyon ng pamahalaan ang kanyang mamamayan na nagka-casino o nagsusugal upang hindi malulong sa bisyo at kung paano mapapanatili ang kanilang pagiging responsable.

Dapat magkaroon ng programa ang gobyerno para sa mga nababaon sa utang dahil sa pagkagumon sa sugal para ‘di mauwi sa ganitong trahedya.

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Tiyak na sibak si Sen. Bato sa eleksiyon

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa kung inaakalang manananalo pa siya …

YANIG ni Bong Ramos

Total ban sa sigarilyo, vape atbp nakapipinsalang produkto iminungkahi

YANIGni Bong Ramos IMINUNGKAHI kamakailan ng magkapatid na Senador Pia Cayetano at Senador Alan Peter …

Dragon Lady Amor Virata

Korek na korek Senador Bong Go

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata KAMAKAILAN sa Senado, tinalakay ni Senator Bong Go ang …

YANIG ni Bong Ramos

Umarangkada na
Mga kandidato para sa 2025 local & national elections maagang sinimulan pang-uuto sa publiko

YANIGni Bong Ramos BAGAMA’T isang taon pa ang nakatakdang local & national elections, maagang sinimulan …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Ang paliit nang paliit na mundo ni Quiboloy

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. HINDI ko alam kung alin-alin sa mga nagiging desisyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *