Tuesday , May 28 2024
the who

Ex-PBA player na asst. coach huthuterong adik?

THE WHO si dating Philippine Basketball Association (PBA) player na napariwara na rin ang buhay dahil sa pagtira ng shabu.

Itago na lang natin sa pangalang “Just Entertaining” si Sir or in short JE dahil katuwiran niya naglilibang lang siya sa kanyang paghithit ng tawas ay mali, bato pala!

Tinamaan ka ng droga!

Tip ng Hunyango natin, mistulang buhay-hari raw ang dating manlalaro dahil may sponsor pala siya sa kanyang pagbibisyo para masunod ang layaw ng katawan na udyok ni Taning.

Style raw nitong si Bardagol ehek, dating player, ang humanap ng may asawang negos-yante o mayaman na kanyang huhuthutan para hayahay ang buhay niya sa pagratrat ng methamphetamine hydrochloride o shabu.

Damuhong bakulaw!

Yes masayang-masaya  raw lagi si boss tsip o sa English super jolly siya sa tuwing may maloloko na namang bebotski dahil may sasagot sa kanyang pagdodroga.

Ngak ngak ngak ngak!

Isa kang alamat!

Balita natin, minsan na raw natsismis si Bakulaw ‘este, si dating  player na naki-pagrelasyon sa isang matronang ang asawa ay business tycoon at mabuti na lang hindi siya ipinatumba.

Bwar har har har har har!

Sayang! Para sana nabawas-bawasan ang mga talahib sa mundo.

Pero ang lalong nakaka-buchet dito kay Sir kapag ‘di pala siya nabibigyan ng perang pang-shabu, ay ginagawa niyang punching bag ang kanyang karelasyon dahil giyang na giyang na ang kumag.

“Di kaya nagkamali ka sa  propesyon na pinili mo?”

Parang mas bagay yata sa iyo boksingero para madunggol din  ang nguso mo!

Hak hak hak hak!

Ang matindi nga nito mga kalugar, may trabaho naman pala si JE bilang assistant coach sa isang koponan ng PBA pero ang pinagagastos niya sa  kanyang masamang bisyo ay mga babaeng nauuto niya!

Gulang mo! Ikaw na!

Tutal nahuli na kamakalawa ng Quezon City Police District (QCPD) si former PBA player Paul Alvarez, baka puwedeng isunod n’yo na ang isang ito PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa Sir.

Nakaaalarma lang, baka pati mga player ni “JE” ay tinuruan na niyang mag-shabu at baka magkaka-jamming pa sila.

Patay! Ano na ang mangyayayari sa PBA.

Kilalanin kung sino si ex-PBA player na umula’t umaraw panay ang batak ng shabu! Opo umula’t umaraw!

Monitor!

THE WHO? Scandal –  ni Jethro Sinocruz

About Jethro Sinocruz

Check Also

Dragon Lady Amor Virata

Hindi lahat ng huwes ay matino

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SA HALIP na magkaloob ng hustisya at protektahan ang …

Sipat Mat Vicencio

Tigas ng mukha ni Senator Bato

SIPATni Mat Vicencio “TO Bato dela Rosa, who stuck it out with me to the …

00 Onins Thought Niño Aclan Logo

Cyberlibel vs Tony Leachon ‘resulta’ ng iresponsableng  pahayag sa social media

ONIN’s THOUGHTSni Niño Aclan MAHIRAP talagang masanay na isang social media icon lalo na kung …

YANIG ni Bong Ramos

Former PDEA agent Jonathan Morales, walang masustansiyang sinabi sa Senate hearing, nuknukan ng sinungaling

YANIGni Bong Ramos WALANG NAPALA, walang nahita at walang nakuhang konkreto ang Senado sa mga …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Day care centers para sa matatanda

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. WALA sa kultura ng mga Filipino ang paglalagak sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *